KEVIN's POV
"Saan naman kaya nagsuot ang batang yon?" napatingin kaming lahat sa kuya ni Bia na si Kuya Min.
Pareho kaming nanginginig sa lamig dahil sa basa ng ulan. Nandito parin kami ngayon sa school at hinahanap si Bia.
Pagkatapos ng pagkikita namin kanina. Bigla nalang syang tumakbo palayo, akmang hahabulin ko na sana sya agad kaso bigla kaming tinawag ni Sir Francis, Science teacher ko.
Ibinigay niya samin ni Love ang subject ng idedefense namin sakanya. Si Love, lab partner ko.
After non ay pinuntahan ko si Bia sa office nila para itanong kung bat bigla nalang syang tumakbo kanina pero naabutan ko don si Kyle kaya nainis ako at tinanong kung bat sya nandito.
Pero imbes na sagutin ang tanong ko, sinabi niya sakin na kanina pa niya hinahanap si Bia na bigla nalang tumakbo sa ulanan at ng sundan niya ay mabilis itong nawala. Nasabi niya rin na bigla itong umiyak bago biglang tumakbo palayo.
"Kevs. Heto, uminom ka muna ng kape." iniabot sakin ni Love ang kape na sa tingin ko ay binili niya pa sa cafeteria. Tumanggi ako.
"Mabuti pa maghiwahiwalay muna tayo, masyadong maluwang ang campus niyo at dumidilim na. Magdalawang grupo muna tayo." Kuya Min.
"Maiiwan nalang kami ni Maica dito para kung sakaling bumalik sya, masasabihan namin kayo." Lyca
"Sige, Kevin sakin ka suma--"
Natigilan sa pagsasalita si Kuya Min. At parepareho kaming napatingin sa pintong kakabukas lang.
Lahat kami ay natulala.
"I don't need and I don't want attention." kung malamig na ang panahon, mas malapig pa ang pagkakasabi ni Bia sa paragraph na yon.
Unang nakabawi si Kuya Min na syang unang lumapit kay Bia at binigyan siya nito ng Jacket. Dahil basang basa din siya gaya namin.
"Where have you been ,dongsaeng?" Tanong nito.
Tumayo ako at akma din sanang lalapit sakanya pero natigilan ako ng napadapo sakin ang mga mata niya.
Galit. Yun agad ang rumihistro sa mga mata niya bago ko makita ang mabilis na pagdaan ng sakit sa mata niya. Di ako nakagalaw.
"Uuwi na ako, Oppa." parang pagod na pagod na sabi nito.
Tumango naman si Kuya Min at hinaplos nito. Tumuloy si Bia sa pagkuha ng bag nito. Halos ni isa namin ay walang nagtangkang magtanong man lang o kahit magsalita. Ramdam ang pagkawala niya sa mood. Pero nagulat ako ng biglang mapatingin ulit sakin si Bia tapos ay napatingin sya sa katabi kong si Love, na hawak parin ang kape sa kamay niya.
"You better drink that freaking coffee. Tss." nakangisi nitong sabi deretso sakin. At ewan ko pero biglang tumayo ang balahibo ko sa batok sa lamig ng pagkakasabi niya.
Ano nanaman bang ginawa kong mali?
MIN's POV
Tahimik ang naging byahe namin ni Bia. Pinapakiramdaman ko sya pero tahimik lang syang nakamasid sa labas at maya maya'y napapabuntong hininga. Malalim ang iniisip niya.
5 years. 5 years is enough para makita ang pagbabago sa physical at attitude ng kapatid ko.
Ang dating gusgusing bata na kasama ko sa paglaki ay isa ng matapang na babae. She's always been dependent, in any matter. Pero iba na ang panahon ngayon, mukhang natutunan na niyang tumayo sa sarili niyang mga mata.
Palihim ko syang sinilip at napangiti. Pero isa ang di niya kayang itago sakin, yun ay ang pagkagusto niya sa isang bagay o tao. Kapag di niya nakukuha ang gusto niya ay tatahimik lang sya pero, alam kong masama ang loob niya.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Roman pour AdolescentsThe ultimate troublemaker and the School Campus President.