BIA's POV
Nakasakay na kami ngayon sa limousine pauwi na kami.
Tahimik kaming pareho, sya ay marahang nakapikit at nakasandal sa sandalan ng kotse habang hawak ang isa kong kamay. Ako naman ay hawak ang crown namin pareho na pinalanuhan namin bilang Mr. and Miss Grand Ball.
Masaya na sana ang gabi namin kung hindi dumating ang babaeng yun. Hanggang ngayon nag-ngingitngit parin ako sa inis, buti nalang umalis na sya agad nung
"No, she's not my girl... Because she is my life"
Napangiti ako at tinignan si Kevin na nakapikit ang mata. How I love this person.
Hindi ko siguro kakayaning tapusin ang isang araw ng hindi siya nakikita. Ayoko syang mawala sa buhay ko. Ayoko na, iniisip ko palang na mawala sya sakin sumisikip na ang dibdib ko.
"Sa susunod love, picturan mo nalang ako para mas matagal mo akong matitigan."
I snap back in reality ng unti unti siyang dumilat ng may ngisi sa labi. Umiwas ako para di mahalatang namumula ako.
"K-kapal." sagot ko.
I heard him chuckled tapos ay bigla ulit syang tumahimik.
"Love..."
Nilingon ko siya at nagtama ang mga paningin namin. Napakaseryoso ng mga mata niya.
"I'm sorry.."
Nagtataka naman akong nangunot ang noo "Para saan?"
"For everything. For this night. Alam ko kung gaano ka nag-adjust nung dumating si Bella. I know that you know who she is in past." sabi niya.
Napatutop ako. Ayokong sabihing alam ko kasi gusto ko sakanya manggaling pero mukhang halatado ako kanina. I pouted.
"Alam ko din na naikwento na sayo ni Lyca ang nakaraan namin. And I am sorry kung sakanya mo pa nalaman." sabi niya.
"Kevs, eto ang tatandaan mo." hinawakan ko ang mukha niya "Hindi mahalaga kung sino ang nagkwento, ang mahalaga hindi mo tinatanggi. Ang mahalaga naging honest ka, proud na proud akong boyfriend kita." nakangiti kong sabi sakanya.
"Thank you love.. for being an understandable gf." nginitian ko siya "But, sorry parin for ruining this night." kita ko ang sincerity sa mata niya.
"Ssssh. You don't have to, wala ka namang kasalanan eh. Hindi mo rin naman ginusto na mapadpad ulit dito yung ex mo! Well, nakakainis pero okay lang." sabi ko naman "And, wag mong sabihing sinira mo ang gabi natin dahil hindi. Every night and day na ikaw ang kasama ko, is really special. Okay?"
Nangiti siya at tumango "Hmm. Maaga pa, baka gusto mo pa akong igala?"
Nginitian ko siya. "Kuya! pakihinto sa gilid!" sigaw ko.
Ngumiti naman sakin ang Driver nila Kevs at sumaludo.
Pagkahinto ay hinila ko agad si Kevs pababa. Nilibot ko ang mata ko at pumikit dahil sinalubong agad kami ng malamig na hangin.
"Bakit dito?" tinignan ko si Kevin ng magsalita sya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. May seesaw, slides, at monkey bar. Marami ding street lights na nagpapaliwanag sa paligid.
Napangiti ako. My favorite place. Park.
"Bakit? May issue ka ba sa park?" tanong ko.
"Wala. Eh bakit dito? I am expecting something glamorous this night.."
Ngumiti ako "Gaya ng nakasanayan mo kasama si Arabella?" tanong ko. Alam ko sa mga glamorous places siya dinadala ng babaeng yun.
"Love..." naging malamlam ang mga mata niya na sinasabing ayaw niyang yun ang pag-usapan namin.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Dla nastolatkówThe ultimate troublemaker and the School Campus President.