Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N : Our bagong gising na Kevin 😍
KEVIN's POV
Dalawang araw na ngayon. Dalawang araw ng wala syang paramdam. At dalawang araw narin akong halos mabaliw sa pag-iisip ng dahilan kung bakit niya ako iniiwasan at di pinapansin. Its stressing me out! God, nababaliw na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano ba kasing nagawa ko? Bakit niya ako iniiwasan?
Napasabunot akong muli sa buhok ko sa frustration.
"Bro, ayos ka lang?" napatingin ako kay Andrei.
"Miss na miss ko na sya. At nakakabaliw na ang pag-iwas niya sakin na akala mo hindi ako nag-eexist sa mundo!" frustration ang gumuhit sa mata ko.
Napakamot naman sya ng batok niya "Nagtry narin kaming kausapin sya, wala eh. Matigas!" Andrei.
Napabuntong hininga ako "Ano ba kasing nagawa ko?" tanong ko, more like sa sarili ko.
"Haaaaaaaay!" napatingin kami kay Charles na syang maingay na humikab. "Alam niyo, ang tatanda niyo na di pa kayo marunong magpredict ng mood ng mga babae." nangunot ang noo namin. Nakuha din niya ang atensyon ni Louie na tahimik na nagbabasa sa gilid.
"Akala mo naman talaga may alam ka din eh no?" sarkastikong tanong ni Andrei.
Nagkibit balikat sya "Alam niyo, nagkakaganyan lang naman si President, kasi nagseselos yun." lalo akong napakunot ang noo.
"Wala akong matandaan na ginawa ko para magselos sya!" sagot ko naman.
Lumapit sya sa akin at tinapik ang balikat ko "May mga bagay kasi tayong nagagawa na akala natin ay wala lang, pero para sa mga babae. Big deal na." sagot niya tsaka siya napatingin kay Love Buenaflor na kaklase namin.
Doon nagflashback sakin nung nakita ko si Bia nung araw na bigla syang tumakbo at bumalik ng basang basa ang buong katawan.
"You better drink that freaking coffee. tsk"
"You better drink that freaking coffee. tsk"
"You better drink that freaking coffee. tsk"
Don ako natauhan, so nagseselos nga sya?
Tekaaaaa! Nagseselos syaaaa?????
D'f*ck! Ibig sabihin-
"Wag kang matuwa jan bro, kahit gusto ka ng isang babae. Kapag gait sya sayo, galit sya sayo!" napatigil ang imagination ko ng magsalita ulit si Charles. Bigla ulit akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Pero wag kang mag-alala may kaibigan kang magaling sa lahat." Charles.
"Tsk." Andrei
"Yabang" Louie
Tumawa naman si Charles. Confident sya kasi alam niyang di kami sasalungat dahil sa mga ganitong pagkakataon sya nagiging matalino hahaha. "I have a plan."