Chapter 9

1.9K 28 2
                                    

Bia's POV

Friday na ngayon. Halos lahat ng students, pinag-uusapan ang nangyari kahapon. Marami sa kanila panig kay Kevin, eh sikat kasi. Mayaman na gwapo pa. Tekaaaaa ngaaaa! Hindi pala siya gwapo. May itsura lang.

Anyway, kakapasok ko palang school ngayon. Tinanghali ako ng gising dahil di ako makatulog kagabi dahil sa lintik na...

"Paiibigin pa kita"

Iniling ko ang ulo ko. Buset na yan! Hanggang ngayon di parin ako maka-move on! Halata namang pinagtitripan lang ako ng bugok na yun! Tssss.

"President!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Its Maica together with Gio at iba pang SSC pero wala si Lyca, bakit kaya?

"Bat kayo magkakasama?" tanong ko tsaka ako tumingin sa wrist watch ko. "5 minutes nalang magsisimula na ang klase." tumingin ako sa ma Junior SSC. "At kayo bat kayo nandito? Nasa kabilang building ang Juniors, gusto ko lang ipaalala." sabi ko pa.

"Yun na nga President. Nagpatawag ng SSC meeting si Sir Johnny dahil sa nangyari kahapon. Kanina kapa namin tinatawag pero mukhang lutang ka naman." Maica.

Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko buti nalang di nila nahalata. I cleared my throat.

"Ganun ba? Sorry marami lang akong iniisip. Teka, nasan pala si Lyca?" tanong ko at nagsimula ng maglakad papuntang office. Sumabay namang maglakad sakin si Maica at Gio. Si Maica ang Secretary, while Gio is the Auditor. Si Lyca ang Vice ko kaya nagtataka ako at sya pa ang wala ngayong nagpatawag ng meeting.

"Nasa Office na siya, kasama ang parents ni Kevin." Gio. Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto din sila.

"A-akala ko ba sa Monday pa para kasama si K-kevin?" bat ang hirap banggitin ng pangalan ng bugok na yun?

"Yun nga ang pag-mimeetingan ata!" Kendra, Junior SSC

Tumango nalang ako at naglakad na ulit.


Ako ang nagbukas ng pinto ng office. Napatingin samin ang mga tao ng buksan ko ang pintuan.

Bale apat sila sa sa office. Ang Dean, si Sir Johnny, Lyca at isang babaeng napakaganda. Grabe ang puti, maganda at napakinis niya. Na-stunned ako masyado sa gulat. Akala ko ba Parents ni Kevin ang nandito? Bat parang girlfriend niya ata to?

"Goodmorning po." bati ko ng makabawi sa gulat.

"Miss Park, come and sit. Kayo din." sabi ni Sir Johnny. Pumasok kami. Umupo ako sa harapan ng desk ni Sir, kaharap si Lyca at Mama ni Kevin? Not sure, ganda eh. Di halatang Mommy na.

Ang iba naman ay naupo sa mahabang sofa na nasa Office ng OSAD.

"By the way, Mrs. Lee this is Miss Park. Our SSC President." pakilala ni Sir, naglahad naman si Mrs. Lee ng kamay kaya nakipagkamay ako sakanya. Gosh nakakahiya, sobrang lambot ng kamay niya nahiya yung kamay ko.

"She's Kevin's Mother. Nandito siya tungkol sa nangyari kay Mr. Lee kahapon. Ma'am?" sabi ni Sir, parang binigyan ng signal na magsalita na.

"Oh, by the way. I am happy to finally meet this young lady here who become my son's superhero" Ako lang ba? Oh talagang OA yung superhero? Diko naman sinagip sa kamatayan si Kevin, naglinis lang ako ng sugat di ako ang gumamot.

"Thank you hija." sabi nito tapos ay hinawakan ang kamay ko. Awkward naman akong tumawa, big deal ba talaga yun? Parang hindi naman sa side ko. Tiningnan ko naman si Lyca na nginitian ako.

"And of course, thank you din sa buong SSC sa pag-awat ng gulo kung di dahil sainyo bakamas malala pa ang nangyari sa anak ko." dagdag niya pa. Nag-welcome naman ang mga kasama ko pati si Sir Johnny ay ngumiti.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon