Chapter 10

1.8K 31 0
                                    

Bia's POV

"Why are you so silent anak?" napatingin ako kay Mommy na kasalukuyang nag dadrive. Maaga syang nakauwe ngayon kaya nasundo niya ako. Matagal tagal na rin nung huli niya akong nasundo.

"ah. Wala mom, may mga bagay lang akong iniisip ngayon." sabi ko tapos ay nginitian ko sya.

"Aw, I heard about the news about your school. Safe pa bang mag-aral dun? To think na ang harsh masyado ng nangyaring away." tanong ni Mommy. "And ikaw pa naman ang President ng School council niyo, di ka ba naiistress masyado nak? If you want I can tell Mr. Johnny na alisin kana sa position mo."

"No Mom. I'm okay. Everything is under school's control. Inaantay nalang ang paggaling nung schoolmate namin para maayos na ang kaso." sabi ko naman.

Naramdaman kong hinaplos ni Mommy ang buhok ko "Mabuti pa mag-malling nalang muna tayo okay? Dahil sa dami kong trabaho nakalimutan ko ng may baby pa pala ako!"

"Mom. I'm not a baby anymore" inis na sabi ko. Natawa lang si Mommy.

"But for me, you're always be my baby girl!" eto nanaman ang Mommy ko.

"tsk."

"Owh! I forgot to tell you. Uuwi nga pala ang Kuya Min mo dito sa Pinas."

Napatingin ako kay Mommy na nanlalaki ang mata "OMO! Did I hear it right Mom? Uuwe na dito si Kuya? For real?" excited kong tanong. Tumango naman si Mommy kaya tuwang tuwa ako. Kung pwede nga lang tumili at magtatatalon ginawa ko na kaso, nakakahiya naman kasi you see nasa isang resto kami ni Mommy.

Kuya Min Ho is my big brother. Remember yung nabanggit kong Kuya ko na nasa Korea kasama ang Papa namin? Sya yun si Kuya Min, Park Min Ho (Park is their family name and Min Ho is her brother's name). Korean name yan ni Kuya at yan din ang name niya dito sa Pinas. Ayaw niya gumamit eh kasi jahe daw. Unlike me na magkaiba ang Philippine name sa Korean name.

My Philippine name is Bianca Eunice Park, sa Korea naman is Park Eun Byeol. See? Ang ganda diba? Syempre sing-ganda ko hahaha. Dejoke lang.

Anyways, 5 years na ang nakakalipas nung huling umuwe dito ang Kuya ko. Dun kasi siya pinag-aral ng kolehiyo dahil yun ang gusto ni Papa. Sa ancestral kasi ng mga Park, uso pa din na ang lalaki ang magmamana ng malaking percent sa ariarian ng mga Park. Only son si Papa, ng huling ninuno ng mga Park. At si Papa na ang syang alam niyo na tagapagparami ng lahi ng mga Park. Unfortunately, di natuloy ang balak nila Mommy at Papa na both baby boys ang maging anak dahil isang magandang ako ang naging bunso which is mas lalong natuwa ang Papa dahil may Prinsesa na sya.

Well back to 'Bakit sa Korea nag-aral si Kuya' kasi po para mas magkaroon sya ng kaalaman sa business namin dun na kapag retired na si Papa eh sya na ang magmamanage. Multi-tasking ang peg ni Kuya sa Korea, habang nag-aaral, tumutulong sya kay Papa sa business namin doon.

70% of the ari arian of the Park is kay Kuya mapupunta the rest is akin. Which is bet na bet ko dahil less responsibilities yun hahaha

Sa Korea kami pareho pinanganak ni Kuya, Dun siya nag-aral ng elementary pero nung ako na ang mag-aaral nun, nagdesisyon si Mommy na umuwe muna kami ng Pinas at dito na ako mag-aral ganun din si Kuya para mapalapit kami sa Family Flores na syang pamilya naman ng Mommy ko.

Tatlong magkakapatid sila Mommy. Si Tito Luis na isang Architect na nakapag-asawa ng kapwa niya architect na si Tita Lyndsy. May tatlo silang supling si Kuya Xavier, Kuya Franky at Kuya Dylan. Yes, all boys sila. Base sa America ang trabaho nila Tito at Tita kaya nag migrate na sila duon kasma si Kuya Xav at Kuya Frank. Si Kuya Dylan lang ang natira dito sa Pilipinas dahil mas gusto niya daw dito mag-aral sa Lola Mamita (Mama ni Mommy) sya tumitira ngayon. Bale two years gap lang kami ni Kuya Dylan kaya close kami pwera lang kapag nag-umpisa na syang mangasar.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon