BIA's POV
Masaya ang lahat. Nagsasayawan, nagtatawanan at nagsisigawan pero hindi kagaya kanina biglang nawala ang sigla ng grupo namin. Yes, hindi lang ako kundi lahat kami.
Pero mas lalo akong nawala sa mood ng mag-walk out si Kevin ng makita kung sino ang judge namin ngayong taon. Sino bang hindi mag-walk out kung makita mo in this state ang babaeng minsang nagwasak sa puso mo?
Remember Arabella? Ang babaeng labis na minahal ni Kevin! Yes siya ang judge namin ngayon. Tsss, kung kanina iniisip kong cool ang gabing ito binabawi ko na!
"Kevs!" napalingon ako sa tinawag ni Lyca.
Umupo siya sa harapan ko, patalikod sa stage. Ramdam ko ang pagkawala ng mood niya, at hindi ko na mabasa ang ekspresyon niya ngayon.
Naging cold ang mga mata niya, kitang kita ko yun dahil pinatanggal na samin ang mga mask namin.
Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung saan sya nanggaling at kung ano ang ginawa niya. Gusto ko syang sundan pero pinigilan ako ng mga kaibigan niya dahil kailangan niya daw ng oras para mapag-isa.
I tried to stay calm and Happy sa harap niya para ipakitang wala akong alam. Gusto ko kasi sakanya mismo manggaling kung bakit siya nagkakaganito. Kahit na sandamakmak na ang katanungan sa isip ko.
"Love, okay ka lang ba? San ka galing?" tanong ko. Ang iba ang nagmamasid lang samin dahil alam naman nila kung anong meron.
Pilit siyang ngumiti at tiningnan ako "Ayos lang ako, napagod lang siguro akong mag-sayaw kanina Haha. Tsaka binalisawsaw ako hahahaha.." ramdam na ramdam ko ang pagpipilit niyang tumawa.
"Iba na talaga kapag tumatanda hahaha hindi na napipigilan ang pantog." rinig kong biro ni Andrei.
"Sabihin mo lang bro kung kailangan mo ng magdiaper hahahaha." Louie.
"Ang kakapal ng mukha, eh kung tutuusin mas matatanda pa kayo sakin. Pagbabatuhin ko kayo jan ng makita niyo eh!" Kevin.
Napangiti ako, napakaswerte ni Kevin na magkaroon ng kaibigan na kagaya nila Andrei. At talagang nagpapasalamat ako dahil nanjan sila palagi para pagaanin ang sitwasyon.
Nagtawanan kami ng magpatuloy na mag-asaran yung tatlo pero parepareho kaming natahimik ng biglang may lumapit samin.
"Hey... mukhang sobrang saya niyo dito ah. Can I join you guys?"
Alam niyo yung feeling na parang bigla mong gustong magwala at manampal pero masyado kang mabait para gawin yon.
"Haha, wag niyo naman akong tignan ng ganyan. Namiss ko lang naman kayo, didn't you miss me too?" kung kanina ay gandang ganda ako sakanya ngayon kitang kita ko ang mga sungay niya.
Lumapit ito kay Andrei at Louie tsaka bumeso. Kita ang gulat sa mga mukha nila pero nanatili silang nakangiti at kalmado.
Tinignan ko naman si Kevin na nasa tabi ko. Nakatitig lang sya kay Arabella, kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko sya sa kamay para makuha ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako.
Nginitian ko siya, ngumiti siya pabalik pero bumalik ang pagiging cold ng mata niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sakanya ng mapatingin samin yung babae.
"Hey Kevin. Its been a long time, hindi ko alam na may ipopogi ka pa pala." bati nito kay Kevin na humigpit din ang hawak sa kamay ko.
Binaling nito ang tingin kay Arabella "Yeah, its really been a long time. Ganyan talaga kapag masaya sa buhay, lalong nagiging charming." sagot naman ni Kevin.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Lalo na ng ngumisi si Kevin. Halos tumayo ang balahibo ko, sandaling nawala yung kilala kong mapang-asar na Kevin. Para syang Lion na konting push pa ay lalapain na ang kausap niya.

BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.