BIA's POV
Tahimik lang akong nakikinig sa lecturer namin sa Physics habang pasulyap sulyap kay Maica na ngayon ay nakashades na. Nag-alibi nalang siya na may red eye sya ngayong araw, na pinagtaka ni Lyca dahil kanina naman daw ay wala.
Kinuntsaba naman ako ni Maica sa pakulo niya, naging living evidence pa tuloy ako ng kasinungalingan. Paano naman kasi humagulgol na sa iyak panong di mamamaga ang mata?
"You'll be having your first exam next week. Review the lesson where we start up to the lesson we tackled today." Miss.
"Pero Miss, andami nun eh. Di ba pwedeng one at a time lang?" tanong ng isa kong kaklase. I can't argue with him. Isa ang Physics sa pinaka-ayaw kong subject dahil talagang nabobobo ako sa Decibels, Volume, Density at kung ano ano pa man yan.
"No excuse. Akala ko ba ang Pilot section kayo? Bakit parang may kinatatakutan ata kayong subject?" Miss. Bida bida talaga tong titser namin na to, akala naman kung sinong kagaling magturo! Psh.
"Were human lang naman kasi. Tsk. Tingin naman niya satin, si Google na alam lahat?" rinig kong bulong ni Lyca.
Tignan niyo, pati itong pinakamagaling namin sa Science umaayaw sa Physics.
"I don't need any of your suggestions or opinion about your examination next week. Be ready and Good luck." pagkalabas ng titser naming bida bida, nagsimula nanamang mag-ingay ang klase malamang na magsisilabas na sila para mag break.
Lumapit sakin si Lyca at bumulong "President, sabay kana samin mag-lunch. Manlilibre yung pinsan kong bugok." sabi niya.
Si Kevin? Wow ha, bigtime. Pero ayoko siyang makita ngayon eh. Kahit ngayon lang haaaay.
"Pass muna ako ngayon Lyca. Marami kasi akong gagawin mamaya, kaya I decided na sa cafeteria nalang ako maglunch." sagot ko. Alam ko namang bubwisitin lang ako nung apat, lalo pa't trip na trip akong pagtripan ni Kevin. May pabigay bigay pa sya ng choco--wait.
"Ah nga pala Lyca, pabigay naman ito sa pinsan mo. Sabihin mo sakanya di ako mahilig sa matatamis." sabi ko tsaka ko isinauli yung chocolates na bigay kuno ni Kevin sakin. Tsss kahit nasasayangan ako diko tatanggapin yan no. Malay ko bang pinagtitripan lang ako niyan.
"Binigyan ka ng chocolates ni Kevin, President?" napatingin ako kay Maica. Balik na ulit siya sa dati. Magaling siya sa pag-arte, bat di siya mag-artista?
"Oo. Pero alam ko namang pinagtitripan lang ako nun." sagot ko sakanya.
"Did I miss something?" tanong niya ulit sakin. Nagkatinginan kami ni Lyca, na natatawa siya na di mawari kung kikiligin o ano.
"Waaaaah! Andaya. Kwento niyo sakin. Lycaaaaa!" parang batang inagawan ng candy na sabi ni Maica kay Lyca.
"Later. Need mo munang ikwento sakin kung bakit namumugto yang mga mata mo dahil sa pag-iyak." napatingin kaming pareho ni Maica kay Lyca. "4 years na tayong magkakaibigan kaya I know na may mali at hindi tama. I saw you kanina na niyakap si President while sobbing on her arms. Ayan nga yung mga luha mo oh!" mahabang litanya ni Lyca habang tinuturo niya ang basa kong uniform gawa ng pagiyak ni Maica.
Umiwas ng tingin si Maica. "We've...." huminga ng malalim si Maica bago ulit siya nagsimulang magkwento.
Niyakap ni Lyca si Maica, matapos nitong umiyak ulit pagkatapos ng pagkukwento niya ng break-up nila ni Louie. Yes, si Louie na kaibigan ni Kevin. Akala ko pa naman noon, siya ang pinaka-matino sa kanilang lahat pero mukhang nagkamali ako. Kasi base sa kwento ni Maica, dapat ay pinaglaban niya si Maica sa parents niya at sinabing di siya pwedeng magpakasal dahil may gf na siya diba?
"I know may acceptable reasons si Louie kaya ginawa niya to." napatingin ako kay Lyca, while Maica. Ayun nakayakap parin siya kay Maica pero alam kong nakikinig siya.
"Acceptable? Don't get me wrong okay? Yung point palang na di siya pinaglaban sa pamilya niya, di na acceptable yun. Si Maica ang kaibigan mo right?" Diko alam pero nakaramdam ako ng konting inis sakanya. Well, ayokong nakikitang nasasaktan ang mga taong malalapit sakin, gaya nila ni Maica.
"Chillax haha." natatawang saad ni Lyca sakin, tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. "Wala akong pinapanigan sa kanilang dalawa President. Friend ko si Maica, since 1st year. And Louie is also my you know, childhood friend. Ang pinopoint out ko lang, mas kilala ko si Louie for more than 10 years. At alam kong may reason siya." paliwanag niya.
Nagegets ko ang gusto niyang sabihin pero naiinis parin. Kaya sorry, di bukas ang isip ko para sa mga point niyang ganyan.
"You said, secret lang ang relationship niyo dahil bawal ka pang magka-boyfriend until maka-graduate ka right, dear?" tanong ni Lyca kay Maica.
Tumango naman siya.
"At kapag nalaman ng parents mo na nagkaroon ka or mayron kang bf habang nag-aaral ka ay ipapadala ka sa US, at dun na mag-aaral." Lyca stated. Nagkatinginan kami ni Maica.
"Can you straight to the point Lyka? Masyado mo kaming binibitin sa mga litanya mo." inip na sabi ko.
Natawa sya "That's it." sabi na parang tapos na syang magkwento.
"A-anong ibig mong sabihin? I didn't get your point." humihikbing saad ni Maica.
Tiningnan ako ni Lyca, kaya umismid ako. Ako din naman diko na gets ang pinupunto niya.
"This is just my hypothesis which is 70/30." pasimula niya. "Kapag pinagtapat ni Louie ang relationship niyo sa Dad niya, para lang di matuloy ang arrange marriage thingy. I am sure kakalat ang balitang you know, kayo ni Louie dahil pareho kayong galing sa kilalang pamilya" parang alam ko na ang pinupunto niya "And hindi malayong---"
"Malaman din ng parents ko ang relationship namin. At kapag nalaman ni Daddy, I am sure na ipapadala niya ako sa US para mag-aral at kailanman ay di ko na siya makikita." si Maica na ang nagtuloy sa sasabihin niya.
"Kaya nanatili nalang na tahimik si Louie at walang ginawa. Dahil mas gusto niyang nandito ka at nakikita ka niya kaysa malayo kayo sa isa't isa." sagot ko.
"Perfect!" napapalakpak na sabi ni Lyca ng maramdaman niyang nagegets na namin siya.
"Pero..." pareho kaming napatingin kay Maica "Bakit kailangan niyang makipagbreak sakin? Ni wala siyang binigay saking reason kung bakit siya nakipag break." malungkot niyang sabi.
Tumingin ako kay Lyca para tanungin siya kung ano sa tingin niya pero inunahan na niya akong magsalita "That's the question. Yan ang kailangan nating alamin." sabi niya.
Napabuga ako ng hininga sa frustration. Bat ba kailangang pati ako mafrustrate?
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Novela JuvenilThe ultimate troublemaker and the School Campus President.