Chapter 23

1.7K 21 3
                                    

BIA's POV

Hindi ko alam kung paano magrereact. Matapos nung, Accidental kiss na yun. Ramdam ko kung paano pumunta lahat ng dugo ko sa mukha ko at kahit di ko kita, alam ko kung gaano ka-pula ang pisngi ko ngayon.

Sabay kaming napaiwas ng tingin ng marinig naming bumukas ang pinto ng kwarto.

Rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang pagkakataranta ng katawan ko. Sheeeeet! Ano bang nangyayari sakin?

It was just an accidental kiss! Hindi sinasadya! Walang romance! At lalong lalo na, That was just a SMACK! Bat ba ganito ako magreact? Bat ganito magreact ang utak, katawan, at puso ko!

Malinaw sakin ang lahat, na di sinasadya yun! Pero bakit? Dahil ba ngayon lang nadampian ng labi ng lalaki ang labi ko? Dahil ba first kiss ko yun?

Ganito ba talaga pakiramdam nun? Waaaaaaaah! Mababaliw na ata ako!

Pero bakit hindi man lang ako makaramdam ng inis? Samantalang ang no. one enemy ko ang nakakuha ng di sinasadya ang first kiss ko! Honestly, isa lang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung bakit pero komportable lang ang pakiramdam ko! Pwera sa puso ko na OA makakabog dahil sa nangyari, All in all normal naman. Dahil ba...... NO! Hindi Bia! Hindi! Wala kang gusto sakanya!

"Hindi ko akalain na ganito kayo katahimik kung ikukumpara ko sa kwento ng mga kaibigan niyo." napalingon ako kay Mommy na lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat. "Akala ko ba ay aso't pusa ang dalawang to? Bat parang hindi naman?" natatawang sabi ni Mommy.

"Baka may nangyari." si Louie ang nagsalita.

Bigla ay nakaramdam nanaman ako ng taranta, naramdaman ko din kung paano umayos ng upo si Kevin at naaninag ko sa peripheral vision ko kung paano sya napakamot sa ulo niya.

Naramdaman ko namang napatingin samin sila Mommy.

"Weird" rinig kong sabi ni Lyca.Gosh! I need to act natural.

Pinilit kong ngumiti sa kanila ng humarap ako "Ahm. Wala! Wala namang nangyari! Actually kanina pa kami ano, nagkakagulo dahil ano di kami magkasundo kung ano ang panonoorin namin." palusot ko! Hooooh! Sana maniwala naman sila no!

Napataas ang kilay ni Mommy tapos ay napatingin sila sabay sabay sa TV.

"Ang ganda nga ng pinanonood niyo. Black na black." si Charles ang nagsalita. Nanlaki bigla ang mata ko ng wala akong marinig na kahit anong tunog mula sa TV. napalingon ako at makitang PATAY ANG TV!

Narinig kong nagpipigil ng tawa si Kevin na prenteng nakaupo sa tabi ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

Eh kung tulungan kaya ako nitong magpalusot kesa tumawa sya jan. Tsk!

Tiningnan naman niya ako at halata niya sigurong hindi ako natutuwa kaya tumikhim siya.

"Yes po Tita. Pinatay nalang po namin yung TV para matigil na kami, tapos sakto naman kayong pumasok." sabi nito. Mukha namang naniwala silang lahat, tinaasan ko ng kilay si Kevin.

In fairness, magaling talaga sya pagdating sa mga alibi. Tiningnan din niya ako tapos ay nag-smirk siya. Tsk! Yabang talaga.

Nagpabili si Mommy ng mga pagkain kina Louie, Charles at Andrei, kaya eto kami ngayon at nagsisikain.

Nasa pwesto ko parin ako. Upuan na malapit sa hospital bed kung nasaan si Kevin. Sila Mommy naman ay sa may mini-table sa gilid kumain. Dahil dalawa kami ni Kevin na nakahiwalay sa kanila. Inihiwalay din nila ang pagkain namin.

More on Gulay ang binili nila dahil mas mabuti daw yun ang kainin ni Kevin.

"Bia." napatingin ako kay Kevin na nagtawag sakin.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon