Bia's POV
"Ahem." napatingin ako kay Charles ng tumikhim sya habang naglalakad kami. I suddenly stopped ng maramdaman kong huminto din sya sa paglalakad.
"Nasabi sakin ni Andrei na sinisisi mo raw kanina ang sarili mo nangyari. Gusto ko lang din i-comfort ka na wala kang kasalanan." sabi niya with nag-aalalang itsura.
Ngitian ko sya tapos ay nagsimula na ulit akong maglakad, sumabay naman sya "Diko mapigilang di sisihin ang sarili ko eh. Lalo na kung talagang may kasalanan ako. Kung sana mas nalaman ko ng mas maaga edi di sana mangyayari to. But don't worry, I'm really okay. Thank you for the concern." sincere kong sabi.
Tumango lang sya tapos ay nginitian ako. Ganito ba talaga silang magkakaibigan? Kapag di okay ang isa, walang mangungulit. Parang walang sigla.
Huminto kami sa office ni Ate Niah. Naka-engrave sa pintuan ang pangalan niya. JEZINIAH GUEVARA -Head Psychologist.
"Dito nalang ako Charles. Salamat." sabi ko. Bigla naman syang parang nataranta.
"Ahm. A-ano, kaano ano mo si Doc?" sabi niya habang namumula ang pisngi.
Humalukipkip ako at tinaasan sya ng kilay "May gusto kaba kay Ate?" straight kong tanong.
Lalong namula ang pisngi niya tapos ay bigla nanaman syang nataranta.
"Ah.. Ka-kasi. A-ano---"
"Tsk. Umalis kana. Dika pwede magkagusto sa ate ko." sabi ko.
Nanlalaki ang mata niya habang tinitingnan niya ako "Ha? Bakit? May... may asawa naba sya?" biglang lumungkot ang itsura niya.
Huminga ako ng malalim at umiling "Wala."
Lumiwanag ulit ang mukha niya "Oh! Eh bakit hindi? Look, yung away niyo ni Kevin inyo lang yun. Wag niyo ko ida--"
"Di naman tungkol dun yun." pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"Eh bakit nga bawal?"
"Kilala mo ba kung sino Author nitong story?"
"Oo naman! Si Miss Tinay." proud niyang sabi.
"Osya kilala mo naman pala. Sakanya mo nalang tanungin kung bakit!"
"Ha?"
"Ayst! Sige basahin mo nalang yung mga nakaraang chapters para malinaw sayo ang lahat kung bakit bawal!" inis kong sabi tapos ay tinulak ko na sya "Ge na bye!" huli kong sabi bago ako pumasok ng room.
Nadatnan kong nandun si Ate Niah nakaharap sa Laptop niya. Napatingin siya sakin ng mapansin niya ako. "Oh, uuwi kana ba?" tanong niya.
Umupo ako sa harapan ng desk niya. Tumango ako "Pero kung may ginagawa kapa, pwede naman akong magpa-sundo dito." sagot ko.
Umiling naman sya "Nagcheck lang ako ng social media ko. Haha. Tapos naman na ang duty ko, pwede na kitang ihatid sainyo. Kukunin ko lang ang gamit ko sa loob." sabi niya.
Tumango ako. Pumasok si Ate Niah sa isang kwarto na sakop ng office niya. Nahahati sa tatlo ang office ni Ate Niah. Isa para sa CR, isa para sa pinaka-office niya kung saan sya nagchecheck-up at isa para sa pinaka-bedroom niya. Minsan kasi ay magdamag sya dito kagaya kay Mommy kaya pinalagyan niya ang office niya ng tutulugan niya.
"Lets go." aya sakin ni Ate. Ngumiti ako at sabay kaming lumabas.
Halos lahat ng makakasalubong namin ay nag-gigreet kay Ate, Mapa-doctor, nurses or patients. Gusto ni Mommy ay mag-doctor din ako gaya niya pero gusto kong mag-Mass Communication. Pangarap ko kasing maging broadcaster hehe.
Sinalubong agad ni Mommy ng yakap ng makarating kami ni Ate sa bahay. "I am so worried ng magtext sakin si Doc Gilbert na nasa Hospital ka daw. Ano bang nangyari hija? Kanina pa kita tinitext di ka man lang nagrereply, paalis na nga sana ako kung di kayo dumating." hysterical na sabi ni Mommy.
Kita sa suot niya na aalis na nga sya bitbit niya rin ang bag niya at susi ng kotse niya. Nginitian ko sya "May emergency lang pong nangyari sa Party na pinuntahan ko " sabi ko nalang.
Inakay ako ni Mommy na maupo sa sofa, si Ate Niah naman ay sumunod samin ni Mommy. "Anong nangyari?" tanong ni Mommy.
Si Ate Niah ang nagpaliwanag ng lahat dahil sya ang mas nakakaalam ng kung anong nangyari kay Kevin dahil sya ang sumuri dito.
"Oh God. Iba na talaga kung madepress ang kabataan ngayon. Anyway, kamusta sya?" tanong ulit ni Mommy
"He's now okay Tita. Pero pinaiwan ko muna sya sa Hospital para makasagawa pa ng test. Binigay ko na ang record ng patient kay Doc Francis, mas magaling sya sa mga ganitong uri ng health issues eh. Siguro ako nalang ang kokonsulta sakanya about sa pagiging depress niya kapag magaling na talaga sya "
"That's a good news. Mabuti naman at okay na ang kaibigan mo anak." nakangiting hinaplos ni Mommy ang buhok ko "Mabuti pa magpahinga kana, alam kong napagod ka sa mga nangyari."
Tumango naman ako. Kanina ko pa din gustong magpahinga eh "Mauna na ako Ate Niah, pasensya na kung di ako makakapag-kwentuhan sayo ngayon ." lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Don't worry Sis, kapag maluwag ang schedule ko dun tayo magdamag na mag-kwekwentuhan okay?" sabi nito. Tumango naman ako. "Mauuna narin ako. Tita, maaga pa ako bukas babalik ng Hospital eh. Hinatid ko lang talaga si Bia."
"Mag-iingat ka ha?" Mommy, tapos ay niyakap niya si Ate "Nga pala hija, next week na ang birthday ni Bia. Wag kayong mawawala ng Mommy mo okay? Pakisabing miss na miss ko na siya."
"I will Tita. Syempre di ako mawawala sa birthday nitong favorite kong pinsan. Lalo na't uuwi pa si Min." Ate Niah.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.