BIA's POV
We are on our way on the nearest Plaza here in our subdivision.
Nagyaya kasi si Kuya na maglakad lakad at maghanap ng Fishball at Kwek kwek na syang paborito niyang street foods na kainin kapag nagbabakasyon sya dito sa Pilipinas.
Kasama parin namin si Kevin. Wala atang balak umuwi to haha. Ganon ba sya ka-inlove sakin? Joke lang hahaha.
"Dongsaeng, nakakatakot ka kapag ngumingiti ka bigla jan ng mag-isa."
Tiningnan ko si Kuya tapos ay sinimangutan ko sya. Tinawanan lang naman niya ako. Narinig ko ring natawa si Kevin kaya tinignan ko siya ng masama. Tumahimik naman siya, tapos ay lalong lumakas ang tawa ni Kuya Min. Nababaliw na ata tong Kuya ko.
"Hindi ko alam na ganon pala talaga ang takot mo sa kapatid ko, Bro. hahahaha" sabi niya.
Nakita ko namang napakamot sa batok si Kevin. Takot sakin si Kevin? I pouted. Ano bang nakakatakot sakin? Haaaay.
"Oh." tiningnan ko si Kevin na nasa harapan ko at iniaabot sakin ang isang plastic ng gulaman at fishball. Natutuwa ko namang tinanggap yun. Namiss ko kumain ng ganito.
Umupo siya sa tabi ko habang kinakain yung binili naman niyang Kikiam.
"Pssst." tawag ko sakanya. Tinignan naman niya ako.
"Hmmm?"
"Anong oras mo balak umuwi sainyo? Kaninang umaga ka pa sa bahay eh." tanong ko.
"Ayaw mo ba?" tanong niya.
"Hindi naman sa ganon uy! Eh may night ball pa tayo mamaya, hindi ka ba muna iidlip sainyo para may lakas ka mamayang magpuyat!" depensa ko. Natawa naman sya.
"Don't worry love. After this, uuwi narin ako sa bahay. Para makapag-pahinga kana rin okay?"
Nginitian ko naman siya. Lumapit siya sakin at inakbayan ako.
"Look at that family." turo niya sa isang pamilya na masayang nagpipicnic malapit samin.
Couple with their oh so cute baby girl who is laughing because her Dad, is tickling her.
"Waaaah! Ang cute ng baby!" react ko. Kasi ang cute talaga.
"I want to have a family like that...." sabi nito. Tiningnan ko naman siya. Na nakatingin din pala sakin. "...with you." nakangiti nitong dagdag.
Naramdaman ko namang pumula ang mga pisngi ko "Wala na akong naiisip na ibang babaeng papangakuan ko ang magandang buhay at masayang pamilya in the future kundi ikaw Bianca. I promise you, na hinding hindi kita iiwan unless you told so." Hinawi niya ang strands ng mga buhok ko "I won't promise that I can't cause you hurt but I'll do my best for not to. I love you, more that everything." dagdag niya.
Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sinag ng araw ko dahil hinaplos ng mga salita ni Kevin ang puso ko.
I am really bless to have him in my life. At hindi ko sasayangin ang bawat segundong nakikita at makakasama ko sya. I will assure, na palaging memorable ang araw na sya ang kasama ko. I really love this man. He's my first love and I want him to be my last.
Niyakap ko sya ng mahigpit pero hindi ako nagsalita. Gusto ko lang maramdaman niya kung gaano ko din sya kamahal. He hug me back.
And I was to tighten it pero someone disturb us on hugging each other and that is my Oppa!
"Yeah! Oppa!"sigaw ko ng idikit niya sa pisngi ko ang ice cream na hawak niya! Ang lagkit ko na huhuhu. Si Kevin naman ay natatawa lang! Tsk. Hindi man lang ako ipagtanggol haynako!
"Ang sweet niyo masyado kaya pati Ice cream ko gusto makiyakap sayo hahahaha." halos mamatay kakatawa si Kuya dahil sa ginawa niyang kalokohan sa mukha ko. Haynako!
Hinabol ko naman sya, pero dahil athletic ang isang to hirap akong habulin siya hanggang sa mapagod ako.
"Hoy Kevin! Tumigil ka nga kakatawa jan ah! Tulungan mo nga akong makaganti dito." sigaw ko kay Kevin pero di niya ako pinansin at tinawanan lang ako ng lumapit ulit si Kuya at pinahiran ulit ako ng Ice Cream sa mukha.
"Aaaaahhh! Kuyaaaaaa!" sigaw ko. Naiinis na ako ah! Paano ba ako makakaganti dito?
Luminga linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ang hose sa gilid. Tumakbo ako palapit. Muahahahaha its payback time!
Pinihit ko ang hose at mabilis na lumabas dito ang tubig. Agad ko yung ipinosisyon kay Kuya na malapit sa kinauupuan ni kevin.
In the end basa sila Hahahahaha. Hanggang sa makipag-agawan na sakin si Kevin sa Hose at pati ako nabasa narin. Si Kuya naman ayon, naupo nalang sa Bench at pinanood kaming magbasaan ni Kevin habang tumatawa.
Ng mapagod kami ay umuwi na kami sa bahay. Napagalitan pa kami ni Mommy kasi baka daw magkasakit kami pero tinawanan lang namin si Mommy.
Pinahiraman ni Kuya Min si Kevin ng pamalit buti nalang magkasize sila. Dito nag-lunch si Kevin na maraming nakain dahil nagayuma ni Manang ng Kare kare hahaha.
Pagkatapos nun ay umuwi narin si Kevin dahil ipipick up niya pa daw yung pinatahi niyang coat para mamayang gabi. Sinabi din niya na susunduin niya ako By 7:00pm mamaya kaya pag-kaalis na pagkaalis niya nagtungo ako agad ng kwarto ko para mag-beauty rest hahahaha.
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Habang nakapikit ay naiinis ko yung hinagilap tsaka ko sinagot kung sino mang hinayupak ang tumatawag at iniistorbo ang tulog ko.
"Siguraduhin mo lang na importante ang dahilan kung bakit ka napatawag!" sabi ko instead of saying Hello.
Narinig ko namang may tumawa sa kabilang linya [I miss you, Love.] sagot nito.
Halos mabuhayan naman ang dugo ko ng mapagtanto kung sino ang tumawag sakin. I bit my lips. [Its already 4:00 in the afternoon. Baka gusto mo ng bumangon jan hahaha.] sabi nito.
"tsss. Istorbo. 7:00 pa usapan natin ah! Ang aga aga pa para mambulabog ka!" sabi ko dito.
[Haha baka kasi masobrahan ka sa ganda kaka-beauty rest mo. Mainlove ako lalo.] may halong lambing ang pagkakasabi niya.
At as expected, namula nanaman ako dahil don. Jusko, kailan ba ako masasanay sa isang to?
"Tss" tanging sagot ko na nakapagpatawa sakanya.
[I'll call you later. May gagawin lang ako saglit. I love you.]
"Okay. I love you too"
And then he hung up. Ako naman bumangon na at bumaba sa may sala. Naabutan ko naman don si Mommy at Kuya na seryosong nag-uusap tungkol sa kung ano.
Sabay silang napatingin sakin ng makababa ako. Nginitian ako ni Kuya, lumapit ako kay Mommy. Niyakap naman niya ako.
"Seryoso ata pinaguusapan niyo ah." sabi ko.
Nginitian ako ni Mommy "Its about our business in Korea. Nagtanong lang ako ng konti sa Kuya mo." sagot naman niya. Tumango naman ako.
"Are you hungry Dongsaeng? Nagluto ako ng Rice cake. Nasa fridge."
Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya and I was about to go there pero pinigilan ako ni Mommy.
"Ano ka ba naman Min. Hindi pwedeng kumain ng kumain si Bia, dahil baka di magkasya sakanya yung gown niya para mamaya. At ikaw naman Bia, dito ka lang at magbehave ka!" nakakunot ang noong sabi ni Mommy.
"Pero Mommy--"
"No buts!" pagtatapos ni Mommy. Ang duga naman eh! Huhuhu. Hindi naman talaga ako gutom, natakam lang ako don sa Rice Cake, lalo pa at gawa yun ni Kuya Min huhuhu.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.