Nightwalker Academy II

6.1K 271 8
                                    

Chapter 2: My Roommates.

Vinice's POV

Pagkatapos ko sa office ni Mrs. Del Var ay umalis na ako at excited akong lumabas sa office niya.

I can't wait to see my room. Ano kaya ang itsura ng magiging kwarto ko? Siguro maganda ito dahil sa nasa Nightwalker Academy ako, ito kaya ang pinakamalaki at pinakagarbong paaralan sa Fiore.

Nang makalabas na ako sa office ni Mrs. Del Var ay naglakad na ako sa malawak na hallway, ang office lang ni Mrs. Del Var ang nag-iisang office dito kaya wala kang makikita na kahit na ano maliban sa mga lumang gamit sa nasa gilid.

Nang makarating na ako sa elevator ay pinindot ko na ang button at nag-open ito. Pumasok na ako at pinindot ang Rooms 1320-1340, dito kasi yung kwarto ko. Nang mapindot ko na ito ay sumara yung pinto at bumaba na ang elevator.

Hay, kapagod ngayong araw, parang gusto ko nang magpahinga, pero wala pa ako sa room kaya titiisin ko muna ito.

Habang nasa elevator ako ay hindi ko maiwasan na maalala ang nangyari noong nasa Human-Vampire School pa ako.

Flashback

"Mom pasok na ako!", sigaw ko.

"Kain ka muna anak!", sigaw naman ni Mom sa kusina, kasalukuyang naghahanda kasi siya ng agahan.

"Sa school na po Mom, malelate na ako!", sigaw ko at tumakbo na sa labas, napuyat kasi ako kaya medyo tinanghali na ako ng gising.

***

Nandito na ako ngayon sa harap ng gate ng school na pinapasukan ko.

Froeny University

Yan ang nakalagay sa arko ng school. Ito ay isang Human-Vampire School. Ito ang ikatlong pinakamalaking school dito sa Fiore, ang una ay ang Nightwalker Academy na All Vampire School, at pangalawa ay ang Fiore University na matatagpuan sa Cronus, ang sentro ng Fiore, ito ay Human-Vampire School din.

Pumasok na ako dahil hindi pa naman nagsisimulaa ng unang klase, may 15 minutes pa naman.

Pagpasok ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Halos kasi na nag-aaral dito ay mga tao at konti lang bampira dahil sa nag-aaral sila sa Fiore University, konti lang ang bampira na nakakapasok sa Nightwalker Academy dahil sa higpit nito sa mga estudyante na mag-eenroll sa kanila.

Ang mga tingin ng mga tao sa aming mga bampira ay salot, mamamatay tao dahil sa napabalitaang may mag bampira na hindi sumunod sa batas. Kahit na ganun ang tingin nila sa amin ay hindi pa rin namin sila sinasaktan dahil sa batas at dahil sanay na kami. All people in this world is judgemental, kahit na hindi ikaw ang may gawa ay sayo pa rin sinisisi ang isang bagay ng ginawa ng mga kauri mo.

Hindi ko na lang pinansin ang mga matang mapanlait, sanay na ako dahil sa halos higit isang taon na din na ganun ang tingin nila sa amin, buti ay kinakaya namin ang panlalait nila kaya kami nandito pa rin sa Froeny University.

Nang makadaan ako sa hallway ay ganun pa rin ang mga tingin nila sa akin.

"Ito na naman siya, yung mga kauri nila, ang sasama. Baka katulad din siya ng iba.", rinig kong bulong ng isang estudyante pero hindi ko alam kung bulong ba yun o talagang malakas yung pagkakasabi niya para marinig ko?

"Oo nga. Tingnan mo nga ang katawan niya, sobrang putla at ang gaspang pa. So not human skin.", rinig kong sabi ng isa oang estudyante.

"Salot sila sa lipunan, mga mamamatay tao sila.", kahit na napapintig yung tenga ko dahil sa sinabi ng isang estudyante ay hindi ko na lang yun pinansin.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon