Chapter 24: Attack.
Vin's POV
Ano kaya yun?
Dali dali naman kaming lumabas ng hall at patuloy pa rin ang pagsabog sa labas kaya lumabas kami sa hallway at pumunta sa plaza. Nakita namin ang buong paligid na nagliliwanag.
Anong nangyayari?
"Mrs. Del Var!", narinig kong may sumigaw sa likod namin kaya agad akong tumingin dun.
"Anong nangyayari dito?", tanong ni Mrs. Del Var.
"Inaatake po tayo.", kinakabahang sabi ni Mr. Alparo.
"Nino?", hindi mo makitaan ng kaba ang mukha at boses ni Mrs. Del Var, nanatili lamang itong kalmado.
"Isang groupo po na nagngangalang Moonlight Rogue, isang groupo ng mga bampira at salamangkero na hindi gustong makimuhay kasama ang mga tao.", paliwanag niya.
"Mr. Yagamoto, Mr. Philip mukhang magsisimula na ang pagsasanay nila ngayon.", kalmadong sabi ni Mrs. Del Var.
"Yes Mrs. Del Var.", sabay na sabi ni Mr. Yagamoto at Sir Philip.
Humarap sila sa amin.
"Royal Elementalist, Luther and Vin, kayo ang bahala sa labas, Elites, Mobcat and Esens, kayo ang bahala kung may makapasok na kalaban kapag ibaba namin ang barrier, kayo ang bahala dito sa loob.", sabi sa amin ni Sir Yagamoto.
"Yes Sir!", sabay naming sigaw.
"Ruther and Alexandra sumama kayo sa mga lalabas, Samantha, Krist and Frience kayo naman bahala sa mga salamangkerong nakalipad.", sabi naman ni Sir Philip.
"Yes Sir!", sigaw naman nila.
"Get ready!", sigaw ni Sir Yagamoto kaya kumilos na kami at pumunta na kami malapit sa gate, nakita namin na madilim ang kapaligiran at medyo nasa malayo ang kalaban namin. Nang makahanda na kami ay sumigaw si Sir Yagamoto.
"Ibaba ang barrier at buksan ang gate!".
Dahan dahan bumukas ang barrier kasabay ng dahan dahang pagkawala ng barrier.
"Attack!", sigaw ni Sir Yagamoto and we attack.
3rd Person's POV
Nang mawala na ng tuluyan ang barrier ay kaagad umatake ang mga kalaban ganun din sila Vin, Luther, Alexandra, Ruther at ang mga Royal Elementalist.
Kaagad na nagpalit anyo si Sakura at Aqui kasunod nina Lance, Ken, Luke, Laxus, at Ethan.
Pumikit si Vin at nang imulat niya ang mata niya ay nagpalit anyo siya. Sumunod naman na nagpalit anyo si Luther.
"Kami ang bahala sa mga salamangkerong nakalipad, kayo bahala sa mga bampirang aatake.", sabi ni Ruther at tumango naman sila.
Biglang gumalaw ang mga lupa at mga puno. Kaagad na lumipad pataas ang mga salamangkero at agad na umalis sa pagkakaakyat ang mga bampira at umatake sa kanila.
Naging patag at nagbigay daan ang nasa harap nila upang lalo nilang maatake ang mga sumalasakay sa kanila.
Tinaas ni Laxus ang kamay niya at agad na kumulog at kumidlat, nang ibaba ni Laxus ang kamay niya ay agad na may lumabas na kidlat sa langit at tumama ito sa mga kalaban, nagkaroon ng usok kaya agad na ginamitan ni Ken ng kanyang kapangyarihan.
"Tornado.", sabi niya at agad na nagkaroon ng tornado at tinangay ang usok pati ang mga kalaban.
Akala nila na konti lang ang kalaban nila pero hindi nila inaasahan na sobrang dami pala nito.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...