Chapter 20: Welcome Party.
Vin’s POV
“Anong susuotin mo mamaya?”, narinig kong tanong ni Sakura kay Samantha.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto ngayon at naghahanda na para sa Welcome Party mamaya. Kasama namin sa kwarto sina Samantha at Alexandra, wala pa dito ang isa naming kaibigan na si Athena. Ewan ko ba sa babaeng yun, kung saan saan na lang pumupunta at minsan na lang namin siya makita na pumasok sa kwarto namin.
“Don’t worry about that. May gamit ako pagdating sa mga ganyang okasyon.”, winasiwas ni Samantha ang kamay niya at bigla lumabas ang isang kabinet na kasing taas ko at kasing laki. Ano klaseng kabinet yan at sobrang liit?
Binuksan ni Samantha ang kabinet at tumambad sa amin ang libo libong damit, iba’t ibang damit. Paano nagkasya ang mga damit na yan sa ganyang kaliit na kabinet?
“Paano nagkasya yang mga damit na yan dyan? Ang liit ng kabinet na yan pero ang laman parang dala mo ang isang mall sa sobrang daming damit.”, manghang sabi ni Sakura.
“Sa Majou Academy kasi, ganyan kalaki ang mga locker namin pero kapag binuksan mo na ito, sobrang lawak ng locker namin, kasya pa nga ang isang daang tao sa loob eh.”, pagmamayabang ni Samantha.
“Grabe! Isang daan talaga?”, gulat na tanong ni Sakura.
“Oo. Kung hindi kayo naniniwala, hali kayo, pumasok tayo sa loob at magsukat tayo ng damit.”, sabi ni Samantha.
“Talaga?”, excited na tanong ni Sakura.
“Oo naman. Tara!”, excited na sagot ni Samantha at una nang pumasok sa kabinet.
Tumayo na din si Alexandra at tumingin sa amin.
“Pasok na tayo. Kung gusto niyo makita ang iba pang laman ng kabinet na to.”, sabi niya at sumunod na pumasok sa kabinet.
Nabigla ako nang hilahin ako ni Sakura papasok sa kabinet.
“Ano pa kayang laman ng kabinet na to?”, tanong ni Sakura.
“Aba malay ko.”, sagot ko na lang.
Pumasok na kami sa loob ng kabinet at kung sa labas ay nagulat kami kung gaano kadaming damit ang nakita namin, mas lalo kaming nagulat nang makita namin na hindi lang damit ang laman ng kabinet kundi marami pa. Parang nasa isang mall kami na lahat ng store ay nasa iisang lugar lang.
Ang daming laman ng kabinet, may mga sapatos na iba-iba ang kulay at iba-iba ang sukat, may high heels din na iba’t ibang inches, may mga make up din, may area kung saan parang salon, meron ding iba’t ibang klase at kulay na mga gown. Manghang mangha kami ni Sakura sa nakikita namin.
"Ang dami naman nito.", manghang sabi ni Sakura.
"Kalahati lang to sa mga dinala ko. Mas marami pa dito kapag nasa locker ko kayo.", sabi ni Samantha habang naghahanap ng damit.
"Maghanap na kayo ng susuotin niyo.", sabi ni Samantha.
Kaya nagsimula na kami maghanap.
Una kong pinuntahan ang mga sapatos, may nag iisang kulay ang nakakuha sa akin ng atensyon. Isang Crimson Scarlet High Heels na may red ruby ang nakapatong, tamang taas lang ito sa akin kaya agad ko itong kinuha at sinukat at hindi ko akalain na kasyang kasya ito sa paa ko. Kinuha ko ito at sinunod ang mga damit.
Ang daming pagpipilian na mga damit at sobrang ganda pa, hindi ko alam kung anong pipiliin dahil sa sobrang dami at ganda ng mga damit.
"Ito try mo.", napatingin ako sa likod ko nang magsalita si Alexandra. Tumingin ako sa hawak niyang damit at isa itong red plain backless dress.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...