Nightwalker Academy XI Part 2

4.2K 176 3
                                    

Chapter 11: Water VS Fire, Pureblood VS Unknown. (Part 2).

Gulat na gulat pa rin ang mukha ng mga kaklase namin. Hindi namin inakala na may kapangyarihan siya na ganun.

Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dyan Sakura?

Napatingin ako kay Aqui na gulat pa rin ang mukha. Hindi niya din inaasahan yun.

"Gulat ka noh?", rinig kong sabi ni Sakura sa utak ko at nakita ko na nakangisi siya kay Aqui.

"Bakit ka may kapangyarihan na tubig? Diba apoy lang ang kayang gamitin ng pamilya mo?", gulat na tanong ni Aqui.

Ngumisi lang si Sakura at bigla na lang lumaki at tubig na pumulupot sa espada niya.

Agad naman umatras si Aqui upang iwasan ang tubig pero nasugatan siya sa braso niya. Napapikit sa sakit si Aqui dahil dun.

Nang makabawi ng lakas si Aqui ay pinahilom niya ang sugat niya gamit ang kapangyarihan niyang tubig.

"Simulan na natin.", narinig kong sabi ni Aqui kaya naguluhan ako.

Sino kinakausap niya? Hindi niya binuka ang bibig niya kaya naguluhan ako kung sino ang kausap niya.

Nakita ko na pumikit siya. Anong ginagawa niya? Suko na ba siya?

"Anong ginagawa mo?", narinig kong tanong ni Sakura.

Parang walang narinig si Aqui dahil nakapikit pa rin ito.

Nabigla kami ng magliwanag siya, kulay blue na liwanag ang bumabalot kay Aqui. Anong nangyayari sa kanya?

Biglang gumalaw ang building na parang nililindol. Ito ba ang kapangyarihan ng isang Elementalist?

Minulat bigla ni Aqui ang mata niya at biglang may tubig na pumalibot sa kanya.

Sinangga naman ni Sakura ang mga tubig na pumupunta sa kanya na parang nilalayo siya kay Aqui.

Aqui's POV

Simulan na natin.

Sabi ko sa guardian ko. Hindi alam ng iba na may guardian din ako, tanging si Luther lang ang nakakaalam nito.

"Sigurado ka ba dyan?", tanong ni Aquario ang Water Dragon Guardian ko.

"Oo.", sagot ko sa kanya.

Alam ko na pinapakinggan kami ni Vin simula pa kanina pero dahil sa may kapanyarihan ang Guardian ko na hindi mabasa ang laman ng isip ko kapag nag-uusap kami kaya hindi niya marinig ang pinag-uusapan namin.

Pumikit ako upang iconcentrate ko ang sarili ko sa paglabas ng kapangyarihan ko.

Ilang taon na din mula ng malaman ko na may Guardian pala ako. Ang Guardian ay siyang taga gabay at nagbibigay dagdag kapangyarihan. Sa Magical World, pili lamang ang may Dragon Guardian na pinakamalakas na Guardian, may iba namang Guardian tulad ng Guardian Phoenix, Demon Guardian and Angel Guardian.

"Water Force.", sabi ko at naramdaman ko ang pagbalot ng kapangyarihan sa akin.

Nung pinag-aralan ko ang paggamit ng Water Force ay sobra akong nahihirapan. Hindi pa masyadong buo ang kapangyarihan ko nun kaya nahirapan ako pero dalawang taon na ang nakalipas mula nang matutunan ko ito at magamit sa anomang laban.

Imunulat ko ang mata ko at pumalibot sa akin ang tubig. Habang nakapalibot ito sa akin ay nakita ko ang pag-ilaw ng katawan ko. Biglang napunit lahat ng damit ko at biglang pumalibot sa akin ang tubig na umiilaw at dumikit sa katawan ko na pumorma ng isang Armor.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon