Nightwalker Academy XVII

3.7K 144 5
                                    

Chapter 17: Unexpected Visit

Vin's POV

"Vin gising.", naalimpungatan ako nang may yumogyug sa akin.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Sakura na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Bakit Sakura?", medyo inaantok kong tanong.

"Pinapatawag tayo ni Mrs. Del Var.", sabi niya kaya agad akong napabangon.

"Ano? Bakit daw?", takang tanong ko.

Nagising ang diwa ko dahil hindi ko alam kung bakit kami pinatawag ni Mrs. Del Var. Siguro alam niya ang nangyari sa amin kagabi.

"Hindi ko alam. Mabuti pa't puntahan natin.", sabi niya at tumayo.

"Teka, hindi pa ako nakaligo.", sabi ko at nagmamadaling umalis sa kama ko.

"Okay lang yan. Alas 5 pa naman ng madaling araw.", sabi niya at napatingin ako sa bintana.

Medyo nakikita ko na ang sikat ng araw kaya ibig sabihin ay mag-uumaga na.

"Wala pa din akong toothbrush o hilamos.", sabi ko.

"Sige na. Basta bilisan mo lang.", sabi ni Sakura at bumalik sa kama niya.

Agad naman akong tumakbo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Siguro hindi abot ng 10 minutes ang paghihintay ni Sakura sa akin dahil mabilis ang paggalaw ko at nang makalabas na ako sa banyo ay nakita ko na nakatayo na si Sakura malapit sa pinto.

"Wag ka na magbihis.", sabi niya at agad akong napatingin sa katawan ko.

Ito pala ang suot ko kagabi, hindi pala ako nakapagpalit ng damit.

"Okay.", sabi ko na lang at lumakad na ako papunta sa pinto.

Binuksan ni Sakura ang pinto at nakita namin na naghihintay si Prince Aqui sa labas.

"Kailangan ko kayo bantayan upang walang mangyari sa inyo.", sabi niya.

Tumango na lang kami ni Sakura at lumakad na papunta sa opisina ni Mrs. Del Var.

Bakit kaya kami pinatawag ni Mrs. Del Var? May kinalaman kaya ito kagabi? Siguro alam niya yun dahil narinig ko si Luther at Prince Aqui na pupunta sila kay Mrs. Del Var.

"Alam mo nakakainis ka na.", bigla akong napatigil sa pag-iisip nang marinig ko si Sakura.

"Bakit? Ano naman ba ang ginawa ko?", kunot noong sabi ni Prince Aqui.

"Bat sunod ka ng sunod sa akin? Sino ba ang binabantayan mo? Si Vin ba talaga o ako?", medyo inis na sabi ni Sakura.

"Both.", maikling sabi ni Prince Aqui.

Ngayon ko lang napansin na ako pala ang nasa huli nila at magkatabi silang dalawa.

Tiningnan ko silang dalawa at masasabi ko na bagay na bagay silang dalawa.

Hindi na nagsalita ulit si Sakura bagkus ay binilisan niya ang paglakad niya.

"Nakita mo yun Vin? Ang suplada ng kaibigan mo.", hindi makapaniwalang sabi ni Prince Aqui sa akin.

"Ganun talaga siya kapag nahihiya siya.", sabi ko.

"Bat naman siya mahihiya?", takang tanong niya.

"You will know it soon.", makahulugan kong sabi at lumakad pauna sa kanya.

"Argh!", mahinang sabi ni Prince Aqui kaya hindi ko maiwasan na ngumiti.

This guy is inlove with my friend.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon