Nightwalker Academy XXIII

3.3K 131 0
                                    

Chapter 23: Falling.

Luther's POV

Nakatayo lang kami sa gilid kasama sina Aqui nang mapatingin ako kay Vin. Mukhang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

Napakaganda talaga niya ngayong gabi, hindi ko alam na may mas gaganda pa pala siya at dahil yun sa make up niya pero kahit wala itong make up, maganda pa rin ito.

"Baka matunaw yan Luther, sige ka.", birong sabi ni Aqui sa akin.

"Mukhang nahuhulog na ako sa kanya Aqui.", sabi ko sa kanya, alam ko na hindi kami naririnig kasi malakas ang tugtug at kaya ko din iblock ang pag uusapan namin ni Aqui sa lahat, isa yan sa mga kapangyarihan ko.

"Halata naman.", nakangiti niyang sabi.

Naalala ko ang una naming pagkikita, hindi sa Nightwalker Academy kami unang nagkita kundi nung pumunta kami ni Papa sa bahay nila sa Valry City. Mga Sampung taong gulang pa lang ako nung una kaming pumunta sa kanila.

Pumunta kami ni Papa dun dahil sa kaibigan niya ang Mama ni Vin na si Tita Vannie, matagal na silang matalik na kaibigan simula nang makapasok sa Nightwalker Academy si Tita Vannie. Tita Vannie is a Vampire pero konti lang ang nakakaalam nun dahil sa amoy tao si Tita Vannie, hindi nila alam kung bakit amoy tao si Tita Vannie samantalang bampira ito.

Pumunta kami dun upang pakiusapan si Tita Vannie na tumulong sa amin sa paghahanap ng nawawalang anak nina Vlydamir at Valrie Walker na siyang huling henerasyon ng mga Walker Clan na pinakamalakas na Bampira sa buong kalupaan. Akala namin ay hindi na magkakaanak pa si Reyna Valrie ngunit nabigla na lang kami nang mabalitaan namin na nanganak si Reyna Valrie at nawawala ito. Namatay si Reyna Valrie pagkatapos nitong manganak at sumunod naman si Haring Vlydamir na namatay dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi naman tumanggi si Tita Vannie bagkus ay tinawag niya ang isang babaeng nagngangalang Vinice, nasa siyam na taong gulang pa lang siya nun nang una kaming magkita.

Pinabalik siya ni Tita Vannie sa kwarto nito at nang makabalik ito ay sinabi sa amin ni Tita Vannie ang totoo. Si Vinice ang nawawalang anak ni Haring Vlydamir at Reyna Valrie na siyang huling angkan ng mga Walker. Hindi kami makapaniwala ni Papa sa mga nalaman namin. Nasa malapit lang pala ang nawawalang anak ng pinakamalakas at pinakamakapangyarihan na angkan ng mga bampira sa mundo.

Nang malaman namin yun ay agad na nag offer si Papa na popoprotektahan namin sila. Hindi naman tumutol si Tita Vannie pero nagrequest siya sa amin na wag masyado malapit sa kanila, yung hindi nila maramdaman para maging komportable sila. Hindi naman sila binigo ni Papa at kapag palagi kaming pumupunta sa kanila ay hindi din namin maramdaman na may nagbabantay sa kanila.

Simula nun haggang sa maglabing tatlong taong gulang ako at palagi kaming bumibisita sa kanila, palagi ko din kalaro si Vin dati pero ewan ko kung bakit hindi niya ako matandaan.

Siguro may nangyari nang hindi ko alam kasi simula nung maglabing apat na taong gulang ako ay hindi na ako pinasama ni Papa sa pagpunta kanila Tita Vannie dahil may nagbabanta din sa buhay ko at sinasanay nila ako araw araw.

"Luther okay ka lang?", napabalik ang diwa ko nang tinawag ako ni Aqui.

"Ano yun?", tanong ko.

"Sabi ko okay ka lang? Bigla ka na lang kasi natulala.", sabi ni Aqui.

"Okay lang ako. May naalala lang ako.", sabi ko sa kanya.

"Sure ka?", nag aalala niyang tanong.

"Oo. Okay lang ako. Wag kang mag alala.", ngiti ko sa kanya.

Matagal ko nang matalik na kaibigan si Aqui pati ang kapatid nitong si Lance, simula bata pa kami ay sila na ang kasama ko dahil malapit ang pamilya nila sa pamilya namin kaya sobrang close namin sa isa't isa at nung maghigh school na kami ay dumating naman sa pagkakaibigan namin sila Luke kaya naging malaki ang groupo ng pagkakaibigan namin at masaya ako dahil sa nakilala ko sila.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon