Chapter 4: Unknown Rank.
Vinice's POV
Anong nangyayari?
Bigla kasing lumaki ang apoy at pumalibot sa goblet.
Ito ba ang magiging resulta kapag nailagay na ang papel na may pangalan sa Goblet?
Lahat ng nandito ay nagulat dahil sa biglang paglaki ng apoy.
"Anong nangyayari?", bulong kong tanong kay Mrs. Del Var.
Hindi niya ako pinansin bagkus ay nakapukos lang siya sa Goblet, lahat kami dito ay nakapukos sa Goblet na unti-unting humihina ang apoy.
Ano ba ang nangyayari?
Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang humina ang apoy at hindi na ito pumalibot sa Goblet pero nakakunot ang noo ko nang makita ang kulay ng apoy.
Violet?
Bakit kulay violet ang kulay ng apoy? Wala namang kulay violet sa rank eh. Ibig sabihin nito na wala talaga akong kapangyarihan maliban sa pagiging bampira?
"Violet? Bakit ganun ang kulay?"
"Walang kulay violet sa rank ah."
"Wala siyang rank?"
"Unknown rank?"
Rinig kong bulong ng mga estudyante dito sa hall.
Unknown rank o walang kapangyarihan? Wala akong maintindihan talaga, ang naintindihan ko lang ay wala talaga akong kapangyarihan, wala ng iba pa.
"Quite Students!", sabi ni Mrs. Del Var at humarap sakin.
"Ms. Villegas you are now known as UNKNOWN RANK, hindi namin alam kung anong rank ka, walang violet na kulay sa ranks, but—", pinutol muna ni Mrs. Del Var ang kanyang sasabihin at humarap sa mga estudyante.
"But you will respect her as you respect the Elites rank. Kahit na unknown ang kanyang rank ay dapat pa rin itong irespeto.", dugtong niya.
"Maam paano namin siya rerespetohin katulad ng pagrespeto namin sa Elites kung unknown ang kanyang rank? Diba dapat ay irespeto namin siya katulad ng Mobcat?", sabi ng isang estudyante na may kulay orange na uniform. Esens.
"Unknown rank is equivalent to Elites Rank, hindi alam ng Goblet kung anong rank siya dahil sa taglay niyang kakayahan na hindi natin alam kung ano. Kaya respetohin siya katulad ng mga Elites.", sabi ni Mrs. Del Var at humarap ulit sa akin.
"Pwede ka ng umupo sa table ng mga Elites, yung uniform mo ay papalitan na lang namin mamaya.", sabi ni Mrs. Del Var sa akin.
Ang kulay ng uniform ko ay puti kasi ito yung uniform ng Froeny University at hindi ko pa alam ng uniform ko dito sa Nightwalker Academy dahil sa rank, pero ngayon ay alam ko na kung ano ang uniform ko mamaya.
Lumakad na ako pababa at alam ko na ang mga tingin ng mga estudyante ay nasa akin kaya yumuko na lang ako.
Nang makarating ako sa kulay asul na table ay sinalubong ako ni Sakura at Athena.
"Grabe Vin, first time na magkaroon ng Unknown Rank dito, siguro special yang kapangyarihan na nasa sayo.", nakangiting sabi ni Sakura, ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya.
Special na kapangyarihan dahil wala naman talaga akong kapangyarihan. Hay!
"Halika Vin, pakilala kita sa mga kasamahan namin.", sabi ni Sakura at hinila ako paupo.
Nagpakilala naman ang ilan sa mga elites sa akin, may ilan na ningitian lang ako, may ilan din na ang sama ng tingin sa akin na hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...