Chapter 33: 3 Treasures of Ashtirith.
"Maligayang pagbabalik aking pamangkin.", nagulat ako dahil sa sinabi niya.
Pamangkin? Ibig sabihin nun kapatid niya ang tunay kong Ina?
Kumalas kami sa yakap. Maluha luha tumingin si Queen Valiene.
"Kamukhang kamukha mo talaga si Rie.", maluha luha na sabi ni Queen Valiene.
Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang gulat na mukha nina Luther.
"Ano pong nangyari dito?", napatingin ako kay Sakura nang magsalita siya.
"Saka ko na ipapaliwanag sa inyo ang nangyari dito, pumasok muna tayo sa loob.", sabi ni King Vladimir.
Agad naman akong inakay ni Queen Valiene kaya tumingin ako sa likod. Medyo gulat pa ang mga mukha nila pero lumakad na din sila kasabay sila Mom.
Tumingin ako kay Mom at ngumiti lang siya sa akin.
"Ang tagal ko hinintay na makasama ka Vin, nung mamatay ang mga magulang mo, sobrang lungkot ang naramdaman namin. Parang nawalan kami ng gana na ipagpatuloy pa ang kanilang sinimulan na pag-iisa ng mga taga Ashtirith.", biglang salita ni Queen Valiene kaya napatingin ako sa harap.
Malaki at malawak ang hallway ng Kastilyo ng Fiore, maraming nakasabit na mga painting sa gilid. Marami ding mga nakatayong Armor ng mga kabalyero.
"Masaya ako ngayon Vin dahil nakasama ka na namin.", sabi ni Queen Valiene kaya napatingin ako sa kanya.
"Masaya din po ako Queen Valiene at nakilala ko ang kapatid ng tunay kong Ina.", masaya kong sabi.
"Wag ka mag-alala, kapag natapos na tong kaguluhan na to, dun ka na titira sa bahay ng mga magulang mo.", sabi ni Queen Valiene.
"Talaga po?", gulat kong sabi.
"Oo naman. Sayo ang palasyo na yun kaya nararapat lang na dun ka tumira.", sabi ni Queen Valiene.
Lubos na masaya ang puso ko ngayon. Sa wakas, makikita ko na din ang tirahan ng mga magulang ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa isang malaking pinto. Binuksan ito ni King Vladimir at tumambad sa amin ang malawak na silid. May nakabitay na malaking chandalier sa gitna ng pabilog na lamesa at mga upuan.
Nakita ko na halos okupado ang kaliwang bahagi na mga upuan at lamesa. Mukhang may pagpupulong na naganap dito bago kami nakarating.
Agad kaming pumunta sa kanang bahagi at umupo. Nagkasya naman kami lahat sa kanang bahagi pero may ilang upuan na bakante pa rin. Baka may darating pa.
Nang makaupo kami lahat ay pumunta sa harapan si King Vladimir.
"Maganda umaga uli sa inyong lahat. Sa nakikita niyo ay dumating na ang mga nagsasanay sa labas ng mundo natin. At handa na sila para isagawa ang mga plano natin.", sabi ni King Vladimir.
"Pero bago ko umpisahan ang ating pagpupulong, hintayin muna natin ang mga taga Tartarus.", sabi ni King Vladimir.
"Mawalang galang King Vladimir, saan po ang Magi?", tanong ng isang Reyna.
"May inaasikaso lang ang mahal na Magi at babalik lang din yun siya mamaya.", sagot ni King Vladimir.
"King Vladimir, ano pala nangyari dito sa Ashtirith nung nawala kami?", biglang tanong ni Sir Philip.
"Sa nakikita niyo ay magulong ang Ashtirith. Umatake bigla ang isang groupong hindi namin alam ang pagkakilanlan. Marami silang sinira na mga bahay dito sa Fiore at sa mga iba pang lugar sa Ashtirith.", sagot ni King Vladimir.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...