Nightwalker Academy XXII

3.2K 143 2
                                    

Chapter 22: Dance.

Prince Aqui's POV

"Tagal naman nila. Nasan na ba sila?", nababagot na sabi ko sa kanila.

Nandito na kami sa hall at marami nang tao ang nandito ngayon at halos lahat ay nakatingin sa aming banda, paano ba naman, magkasama kaming lahat na Royal Elementalist Blood at si Luther pati sina Krist, Frience at Ruther na hindi ko pa narinig magsalita o sadyang hindi ko lang talaga siya napansin na magsalita.

"Ikaw yung pumunta sa kanila kanina ah, bat mo sa amin tinatanong?", sagot naman ni Lance.

"Gusto mo matamaan kapatid?", sabi ko sa kanya.

"Kung kaya mo.", ngising sabi niya.

Simula bata pa kami ay palagi na kaming magkaaway ni Lance dahil sa iba ang kapangyarihan pero minsan nagkakasundo naman kami pero madalas talaga nag aaway kami katulad na lang ngayon.

"Magsitigil nga kayo dyang magkapatid, nandyan na sila oh.", sabi ni Luke at tumingin sa unahan namin.

Tumingin kaming lahat sa unahan at nakita namin silang apat na naglalakad.

"Sino yang kasama nilang babae? Wala si Vin?", tanong ni Ken.

"Ang ganda naman ng kasama nila. Sino kaya siya?", sabi ni Lance.

Tiningnan ko si Luther at nakatingin lang ito sa kanila at alam ko na tinitingnan niya si Vin na hindi nila nakilala dahil sa make up nito. Ang ganda kasi talaga niya pero mas maganda si Sakura. Hehehe.

Tumingin na lang ulit ako sa kanila at nakita ko na nakita nila kami kaya kumaway ako sa kanila, kumaway din pabalik sa akin si Sakura at giniya niya dito sila Vin.

Nang makalapit sila ay hindi makatingin ng deretso sa akin si Sakura, bakit kaya? Dahil ba to sa sinabi ko sa kanya kanina? Ayaw niya ba yun?

"Hello Ladies. You look all wonderful tonight.", sabi ni Lance.

"Thank you.", nakangiti namang sabi ni Samantha.

"And who would be this beautiful lady here?", tanong ni Frience.

"Guys I would you to meet Vinice Villegas.", nakangiti kong sabi sa kanila.

Bakas naman sa itsura nila ang pagkagulat pati si Luther ay nagulat din dahil sa sinabi ko

"Ikaw talaga yan Vin?", gulat na tanong ni Laxus.

"Yes.", medyo napipilitang ngiti na sabi ni Vin.

Hindi siya siguro sanay sa ganito.

"You guys are all here.", napatingin sila sa gilid nila nang marinig nila si Sir Philip at nakita nila ito napapalapit sa kanila kasama si Sir Yagamoto at Mrs. Del Var.

"Look well dress everyone, especially you Ms. Villegas. You look wonderful.", nakangiting sabi ni Mrs. Del Var.

"Thank you Mrs. Del Var.", naiilang na sabi ni Vin.

"At dahil nandito na naman din kayo lahat, mabuti pa simulan na natin ang program.", sabi ni Mrs. Del Var at umalis na kasama sina sir Philip at Sir Yagamoto.

Tiningnan ko naman si Sakura na nasa iba ang tingin.

Lumapit ako sa kanya at alam ko na ramdam niya ang presensiya ko kasi napatigil siya.

"Bat hindi ka makatingin sa akin?", tanong ko sa kanya.

"Bat naman kita titingnan?", sagot niya sa akin na nakatingin pa rin sa gilid.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon