Nightwalker Academy XXV

3.2K 136 1
                                    

Chapter 25: Confusion.

3rd's Person POV

"Ngayon naniniwala na kayo?", nakangiting sabi ni Midnight.

Hindi sila makapaniwala sa nakita nila.

Papaanong nabuhay ang kapatid ko? Sabi ni Luther sa isip niya.

Nakangiti lang ito sa harapan nila.

"Paano nangyari yun?", hindi makapaniwalang sabi ni Luther kay Midnight.

"Hindi naman talaga ako namatay Luther, nagpanggap lang akong patay na.", nakangiti pa ring sagot ni Midnight.

"Bakit? Bakit ka nagpanggap?", tanong ni Aqui.

"Hindi ko muna sasagotin yan ngayon. Maybe next time na magkita ulit tayo and that would be your end my dear Kuya.", pagkasabi nun ay bigla na lang ito nawala.

Sa kabilang banda naman, hindi din makapaniwala sila Vin at Sakura sa nakita nilang tao na nakatayo sa harap nila.

"Athena?", gulat na tanong ni Sakura.

"Ako nga Sakura. Buti at naalala mo pa ako, akala ko nakalimutan mo na ako.", ngiwing sabi ni Athena.

"Bakit?", hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Sakura.

"Anong bakit? Bakit naging ganito ako? Well nang dahil sa babaeng yan—", turo niya kay Vin.

"—nakalimutan mo na ako, nakalimutan mo nang may kaibigan kang palaging nandyan sayo. Kinalimutan mo ako!", iyak na sabi ni Athena.

"At ikaw!", baling niya kay Vin.

"Nang dahil sayo, hindi na magiging akin si Prince Luther, hindi lang kaibigan ko ang inagaw mo pati si Luther inagaw mo rin!", galit na sigaw ni Athena.

Hindi sila makapagsalita. Nanatiling nakatingin lang sila kay Athena na may luha sa kanilang mga mata.

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa akin. Sa muli nating pagkikita, sisiguraduhin kong magdudusa kayo.", galit na sabi ni Athena at biglang nawala.

Hindi sila makagalaw sa gulat at patuloy lang sila sa pag iyak.

Dahan dahan naman nawala ang mga sumalakay sa kanila hanggang sa naging tahimik na ang paligid.

Malungkot at naguguluhan na bumalik sila Vin at Sakura sa loob ng Nightwalker Academy. Nakasabay nila sina Ruther at Alexandra na hindi din maipinta ang mukha. Nang malapit na sila sa gate ay nakasabay nila sila Luther at bakas din sa mukha nila ang pagkagulat at naguguluhan.

Nang makapasok na sila sa loob ay sinalubong naman sila nina Samantha, Frience at Krist.

Vin's POV

Habang papasok kami sa loob ng Nightwalker Academy ay agad kaming sinalubong nila Samantha, Frience at Krist.

"Mabuti naman at nakabalik kayo ng kompleto.", masayang sabi ni Samantha.

"May nangyari ba?", siguro nahalata ni Krist ang mga mukha namin kaya nagtanong ito.

"Hindi ito ang tamang oras para dyan. Kailangan natin sabihan si Mrs. Del Var sa nakita natin.", sabi ni Luther kaya agad kaming napatingin sa kanya.

Bakas sa mukha nilang mga lalaki na may hindi din inaasahang pangyayari sa kanila.

Agad na naglakad si Luther pauna at nakatingin lang kami sa likod niya.

Napansin ko na lumapit si Sakura kay Prince Aqui at nagtanong.

"May nangyari ba sa inyo.", tanong niya.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon