Nightwalker Academy XXVII

3.2K 117 8
                                    

Chapter 27: Mundo ng mga Tao.

Vin's POV

"Anong bakit? Bakit naging ganito ako? Well nang dahil sa babaeng yan—", turo niya sa akin.

"—nakalimutan mo na ako, nakalimutan mo nang may kaibigan kang palaging nandyan sayo. Kinalimutan mo ako!"

"At ikaw!", sigaw niya sa akin.

"Nang dahil sayo, hindi na magiging akin si Prince Luther, hindi lang kaibigan ko ang inagaw mo pati si Luther inagaw mo rin!", galit na galit ang itsura niya nakatingin sa akin.

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa akin. Sa muli nating pagkikita, sisiguraduhin kong magdudusa kayo."

"Vin tulungan mo ako.", nabigla ako ng marining kong magsalita si Sakura.

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa itsura niya.

"Sakura!".

Napabalikwas ako ng bangon sa kama at hinahabol ang hininga.

Ano yung panaginip ko? Bakit ganun ang panaginip ko?

Napatingin ako kay Sakura at nakita ko siyang mahimbing na natutulog kasama si Samantha.

"Okay ka lang?", napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Luther na nakaupo sa gilid ng kama.

Katabi kasi ng kama ko ang kama ni Athena dati at akala ko sa kabilang banda nakahiga si Luther, nakaharap pala ito sa akin.

"Okay lang ako. Medyo nanaginip lang ako ng masama.", sagot ko.

"Ikaw?", tanong ko sa kanya.

"Nightmares. Ngayon lang ulit ako nanaginip ng masama. Naalala ko kasi ang kapatid ko.", malungkot na sabi ni Luther.

Mahina lang ang pag uusap namin kasi baka magising ang mga kasama namin, malapit lang man din ang kama ni Athena sa akin.

"Si Midnight ba yan?", tanong ko.

Kasi nung narinig ko na nag-uusap si Prince Aqui at Sakura, nakatingin sila kay Luther, siguro may alam si Luther tungkol kay Midnight kaya ganun ang epekto sa kanya nung pagkikita nila.

"Oo.", sagot niya at yumuko.

Nanatili lang ako nakatingin sa kanya. Makikita mo sa itsura ngayon ni Luther na sobra siyang naguguluhan sa mga pangyayari. Kahit hindi niya ipakita sa amin, alam ko na may pinagdadaanan si Luther.

"Naguguluhan ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Hindi ko pa nakausap si Ama tungkol dito. Si Mrs. Del Var hindi din niya alam na buhay si Midnight. Ngayon bumalik ang mga bangungot ko noong bata pa ako na kung saan kitang kita ko kung paano namatay si Midnight at naging abo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.", napasabunot sa buhok niya si Luther.

Umalis ako sa kama at lumuhod sa harap ni Luther. Inangat ko ang mukha ni Luther at hinarap sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya.

"Luther alam ko naguguluhan ka ngayon, kami din, naguguluhan din kami pero diba sabi mo, saka na natin isipin yun kapag tapos na tayo sa pagsasanay natin. Kailangan natin magfocus dun. Ikaw ang leader namin, nakasunod kami sa lahat ng gawin mo pero wag sana makaapekto ang nangyari sa atin kagabi. Pagkatapos ng pagsasanay natin, dun mo na isipin yun pero wag naman na ikaw lang mag isa gagawa ng plano, team tayo eh, kailangan natin magtulungan.", pakiusap ko kay Luther.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Salamat Vin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka.", sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko naman maiwasan na napangiti. Hulog na hulog na talaga ako sa taong to.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon