Nightwalker Academy XXIX

2.9K 131 4
                                    

Chapter 29: Painting.

Vin's POV

"Mom.", gulat kong sabi.

Hindi ko akalain na makikita ko dito si Mom sa mundo ng mga tao.

"Vin anak.", nakangiti niyang sabi at lumapit sakin.

Yumakap siya sa akin at yumakap din ako sa kanya.

"Namiss kita anak.", maluha luha niyang sabi.

"Miss din Mom.", sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Ilang buwan din kami hindi nagkita ni Mom at wala akong balita sa kanya kung saan siya pero nandito lang pala siya sa mundo ng mga tao.

Kumalas na kami sa yakapan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Namayat ka anak ah. Kumakain ka ba ng maayos?", alala niyang tanong.

"Yes Mom. Siguro dahil to sa mga pagsasanay namin sa Academy.", sagot ko.

"Mabuti na lang at nakasama ka sa pagsasanay nila. Nabalitaan ko ang nangyari kagabi.", puno ng pag alala ang tono ni Mom.

"Wag kang mag alala Mom. Kaya nga kami nandito para magsanay eh.", nakangiti kong sabi.

"Oo nga pala. Hali kayo. Pasok na tayo sa bahay.", baling ni Mom sa mga kasama ko.

"Maraming salamat sa pagsang-ayon na dito gaganapin ang pagsasanay nila Ms. Villegas.", malumanay na sabi ni Sir Philip.

"Walang anuman yun. Tutal kasama niyo din naman ang anak ko sa pagsasanay kaya walang problema sa akin yun. At tsaka ligtas kayo dito. Walang makakasunod sa inyo dito at walang taong makakita sa inyo. Masyadong mabukid ang lugar na ito kaya walang tao ang nakakapunta dito.", sabi ni Mom.

"Pasok na tayo.", sabi ni Mom at nauna na dala ang maleta ko.

Sumunod naman ako kay Mom.

"Mom paano ka pala nakapunta dito sa mundo ng mga tao?", tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Ikekwento ko sayo mamaya anak.", sabi ni Mom at binuksan ang harapang pinto.

Pagbukas ng pinto ay napanganga ako sa nakita ko. Sobrang ganda ng loob, para kang nasa sinaunang bahay ng mga bampira. Kulay ginto ang loob dahil sa mga palamuti na mga ginto din, pati ilaw, kulay ginto. May mga gamit din na luma na nakadisplay sa mga gilid pero ang nakakuha ng atensyo ko ay ang malaking painting sa harapan na pinaggigitnaan ng hagdan. Ito ay painting ng isang babae at lalaki na nakasuot ng damit na pang hari at reyna dahil may suot na korona ang dalawang tao sa painting. Napakalaki ng painting na kasing taas ng bubong sa bahay na ito kung bahay nga ba ito o mansion.

"Mukhang nakita ko na ang painting na yan. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.", narinig kong sabi ni Sakura.

Nakatayo kami lahat malapit sa hagdan habang pinagmamasdan namin ang painting

"Yan ang painting ni Haring Vlydamir at Reyna Valrie. Ito ang painting nung bagong kasal pa lang sila. At makalipas ang isang taon ay nagkaroon sila ng anak.", kwento ni Mom.

"Pero diba po after manganak ni Reyna Valrie ay namatay ito tapos sumunod si Haring Vlydamir na hindi sa malamang dahilan?", tanong ni Samantha.

Mukhang alam nila ang kwento nila dalawa pero ako, wala akong kaalam alam kung sino sila dalawa. Hindi nakwento ni Mom sa akin ang nangyari sa Hari at Reyna.

"Oo. At hanggang ngayon hindi pa rin namin malaman ang dahilan ng pagkamatay ni Haring Vlydamir.", malungkot na sabi ni Mom.

Mukhang kilalang kilala ni Mom ang Hari at Reyna dahil sa lungkot ng boses nito.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon