Nightwalker Academy XI Part 3

4.4K 231 8
                                    

Chapter 11: Water VS Fire, Pureblood VS Unknown. (Part 3).

3rd Person's POV

Halos kalahati na ang nakapaglaban at nasa number 27 na sila at kakatapos lang nito. Kaya ibig sabihin nito ay si Vin at Luther na ang maglalaban.

"Good Luck!", sabi ng kaibigan ni Vin na si Sakura.

Napalunok siya ng sariling laway dahil sa kaba. Hindi niya alam kung ano ang kakalabasan ng laban nila ni Luther at baka matalo agad siya, dahil una, hindi niya alam ang kapangyarihan niya, pangalawa ay hindi niya ito nagagamit kaya hindi niya alam at pangatlo ay dahil Pureblood si Luther, ang pinakamalakas sa lahat.

Nanginginig na lumakad si Vin papunta sa gitna at muntik na siyang mapasigaw ng may humawak sa braso niya, agad siyang napatingin at nakita na si Luther yun.

"Wag kang kabahan, hindi naman kita sasaktan.", sabi niya.

"Paano? Eh maglalaban nga tayo? Paano mo ako hindi masasaktan?", tanong niya.

"Okay lang naman sa akin na sumuko ka na lang.", sabi ni Luther.

Agad humaba ang tenga niya dahil sa narinig at agad niyang hinawi ang kamay ni Luther.

"Kahit matalo ako. Hindi ako susuko.", madiin niyang sabi at lumakad na ulit.

Ano akala ng lalaking yun na porket siya ang pinakamalakas ay ganun na lang ang sasabihin niya sa akin? Aba, hindi ako susuko. Kahit alam ko na matatalo agad ako ay hindi pa rin ako susuko. Ipapakita ko sa kanya na kaya ko siyang labanan.

Nawala bigla ang kaba ni Vin at napalitan ito ng kagustuhang patunayan na hindi agad siya sumusuko.

Nang makarating siya sa gitna ay agad siyang tumingin kay Luther na nasa kabilang parte ng gitna.

Mababakas sa mukha ni Luther ang pagkabahala.

Ipapakita ko sayo Luther na hindi agad ako sumusuko.

Agad na pumalibot sa kanila ang barrier at naghanda na siya sa atake ni Luther.

Nang nagpito si Sir Yagamoto ay wala pang limang segundo ng biglang may tubig na umatake sa kanya at natamaan siya sa braso. Napadaing siya sa sakit dahil may halong apoy pala ang atake na yun ni Luther.

So ito pala ang kapangyarihan ng isang Pureblood. Kayang kontrolin lahat ng Elemental Magic.

"Vin ayoko na saktan ka, kaya sumuko ka na.", narinig niyang sabi ni Luther.

"Kahit anong mangyayari, hindi ako susuko.", sabi niya at hahawak na sana sa sugat niya ng makitang wala na ito. Bumalik na ulit sa dati, siguro dahil sa katangian namin na pagalingin ang mga sugat namin kaya nawala agad.

Nakaramdam siya na parang may aatake kaya agad siyang napaangat ng tingin at nakita niya ang 6 na Elemental Magic na sabay umatake.

Agad niyang hinarang ang mga kamay niya bilang panangga na wala din kabuluhan dahil sa malalakas ang Elemental Magic at pinagsabay itong umatake sa kanya.

Akala niya ay katapusan na niya pero nabigla siya dahil lumipas ang ilang minuto ay wala siyang maramdamang sakit at nakatayo pa rin siya.

Agad na umangat ang tingin niya at nakita niya ang humarang sa atake ni Luther. Isang tubig na may kuryente ang sumangga sa atake ni Luther.

Nang ibaba niya ang mga kamay niya ay siyang pagwala naman ng panangga.

Teka, kapangyarihan ko ba yun? Paano nangyari yun?

Naguluhan si Vin dahil sa pangyayari.

Si Luther naman sa kabilang dako ay gulat din ang makikita sa mukha.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon