Nightwalker Academy IX

4.6K 200 1
                                    

Chapter 9: Mr. Yagamoto.

Vinice's POV

Nandito kami ngayon sa classroom at nakikinig sa discussion tungkol sa evolution naming mga bampira. Alam ko na ang tungkol dun dahil pinag-aralan ko na yun mula nung bata pa ako.

"Vampire evolve in the 13th century were the Nightwalker Family almost disappeared in the Pureblood Hierarchy but because of Alexander Nightwalker, the Nightwalker Family have survived."

Si Alexander Nightwalker ay isa sa pinakakilala at makapangyarihan na Bampira, siya ang kapatid ng Papa ni Luther na si Alavander Nightwalker.

Nakinig lang ako sa dicussion kahit boring ito.

"After many centuries, still the Nightwalker are the most Powerful Pureblood that been living as of today."

Hindi naman siguro halata na masyado nilang pinupuri ang mga Nightwalker. Well wala namang masama dun dahil yun naman talaga ang totoo. Ang Nightwalker ang pinakamakapangyarihan.

Napatingin naman ako kay Luther, nakahalumbaba ito at parang natutulog, ganun din ang ibang Elementalist, hindi ko naman sila masisi dahil boring naman talaga tong klase nato dahil halos alam na ang tungkol dun.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin next class na namin.

"Bye Class.", sabi ni Maam.

"Bye Maam.", sabi namin pabalik habang nakaupo.

Lumabas na si Maam ng room kaya ininat ko ang katawan ko dahil sa sobrang bagot, napapikit pa ako nang mata at nang imulat ko ito ay nabigla ako nang makita ko ang dalawang pares ng kulay asul na mata.

Bigla naman ako napaatras kaya nagising sina Luther. Gulat pa rin akong nakatingin sa taong nasa harap ko.

"Mukhang binabagot ka sa class ni Maam Salvador ah Ms. Villegas.", nakangiting sabi niya.

"Sino po kayo?", gulat kong tanong.

Pansin ko naman na nasa amin lahat ng paningin ng mga klase ko pati nina Luther.

"Ako si Mr. Tayashi Yagamoto, your mind reading teacher.", nakangiti pa rin niyang sabi.

Mind Reading Teacher?

"I find you intresting Ms. Vilegas.", seryoso niyang sabi.

"Bakit naman po?", tanong ko, kahit nabigla ako sa tanong niya ay hindi ko ito pinahalata sa kanya.

"I can't read your mind, may kung ano na pumipigil sa akin na basahin ang laman ng utak mo, hindi mo naman ito mablock dahil kaya ko pa rin mabasa ang laman ng utak kahit nakablock ito pero sayo, hindi ko mabasa kahit na anong pilit ko.", mataman niya akong tinitigan.

Hindi niya mabasa ang laman ng utak ko? Hindi naman ako marunong magblock ng utak kaya paano niya hindi mabasa?

"Enough of that Let's start our class.", sabi ni Sir Tayashi kaya nakahinga ako nang maluwag.

Pumunta na siya sa harap at nagsulat sa black board ng Mind Reading.

"Mind Reading. Isa yan sa mga pinakamalakas na kakayahan nating mga Bampira, ang makabasa ng iniisip ng iba. Pero kaya nating iblock ito. Pero sa status ni Ms. Villegas ay hindi na siya dapat mag-alala dahil kahit anong gawin mo hindi mo mababasa.", sabi ni Sir.

Kung hindi nabasa ni Sir Tayashi ang laman ng utak ko pero bakit kanina nabasa ni Luther ang laman ng isip ko?

Nakinig na lang ako kay Sir Tayashi sa discussion niya kung paano magblock ng isip.

Sa loob ng isang oras ay nakatutok lang ako sa tinuturo ni Sir Tayashi, nagdemo pa na siya pero sandali lang hanggang sa magbell, ibig sabihin ay tapos na ang klase namin.

Tumayo na kaming lahat at napatingin naman ako sa orasan at nakita ko na 5 pm na pala.

"Goodby Class.", sabi ni Sir.

"Goodbye Sir!".

Inayos ko na ang mga gamit ko nang mabigla ako nang may nagsalita sa gilid ko.

"Ms. Villegas pwede ba kitang maka-usap?", napatingin ako kay Sir.

Yung kulay asul niyang mata, makinis na mukha, medyo mahaba ang kanyang pilik mata, hindi naman masyadong makapal ang kilay niya, ngayon ko lang din napansin ang kulay ng buhok ni Sir, kulay pula. Elementalist kaya si Sir?

"Bakit po Sir?", tanong ko.

"Basta. Sumama ka sa akin sa office ko.", sabi niya at lumakad na.

Kahit na naguguluhan ako ay sumunod ako kay Sir.

"Sakura wag mo na akong hintayin, kakausapin pa kasi ako ni Sir, kita na lang tayo sa dorm mamaya.", paalam ko kay Sakura.

"Sige. Ingat ka.", sabi niya.

Umalis na ako sa room at sinundan si Sir.

Hindi naman kalayuan ang office ni Sir sa room namin kaya mabilis lang kami nakarating dun.

Unang pumasok si Sir.

"Pasok ka.", sabi niya nang mabuksan ang pinto ng office niya.

Nang makapasok ako ay namangha ako sa ganda ng mga gamit na nakalagay sa office niya. Maraming paintings ang sa dingding, kulay pula din ang pintura sa loob at na may halong asul, maganda ang pagkagawa ng office ni Sir.

"Maganda ba?", tanong ni Sir.

"Oo naman Sir. Nakakarelax ang aura ng office niyo po.", sabi ko habang inililibot pa rin ang tingin sa kabuuan ng kwarto ni Sir.

"Kaya nga gusto ko dito tayo mag-usap dahil nakakarelax.", sabi ni Sir at umupo sa upuan niya.

"Bakit po pala gusto niyo ako makausap Sir?", tanong ko at humarap kay Sir.

"Alam ko na nagpakita na sayo ang Guardian mo.", nabigla ako sa sinabi ni Sir.

Alam ni Sir? Paano? Siya ba ang papatay sa akin?

"Kung ano man yang iniisip mo ay hindi ako yun, isa ako sa mga taong poprotekta sayo.", siguro dahil nakita ni Sir ang pagkabahala sa mukha ko.

"Alam niyo po Sir?", gulat kong tanong.

"Matagal ko nang alam Ms. Villegas kilala ko ang nagpalaki sayo.", sabi ni Sir.

"Sir alam niyo po ba kung sino ang gusto pumatay sa akin?", tanong ko.

"Hindi ko pa alam, pero may nakapag-sabi na nandito na daw sa school ang taong yun kaya mag-ingat ka Ms. Villegas, masyadong delikado ang buhay mo kapag nalaman nila na ikaw ang ----.", bitin na sabi ni Sir.

"Ang ano po Sir?", curious kong tanong.

"Wala. Basta mag-ingat ka. Hindi sa lahat ng oras ay mapoprotektahan kita at ng Guardian mo kaya kailangan mong mag-ingat.", paalala ni Sir.

"Yes Sir mag-iingat po ako. Ayoko pa pong mamatay.", sabi ko.

"Sige na pwede ka nang makabalik sa Dorm mo.", sabi ni Sir.

"Thank you po sir.", magalang kong sabi at tumalikod na pero bago pa ako makalabas ay nagsalita si Sir.

"At Vinice, mag-ingat ka rin kay Prince Luther.", seryosong sabi niya.

"Bakit po sir?", kunot noo kong tanong.

"Basta mag-ingat ka sa kanya.", sabi niya at tumayo na sa upuan niya at pumunta sa bintana.

Ako naman ay sinirado na ang pinto ng office ni Sir. Habang naglalakad ako pabalika sa dorm ay laman ng isip ko ang sinabi ni Sir kanina.

Ako mag-ingat kay Luther? Bakit naman? May gagawin bang masama sa akin si Luther para mag-ingat ako sa kanya?

******************************

A/N: Hi guys!!! Once again matagal na naman ako nakapag-update... Thank you pala sa inyo kasi kahit matagal akong hindi nakapag-update ay kasali pa rin ito sa Rank sa Vampire Genre. THANK YOU VERY MUCH.

P.S. Here's the Update, enjoy reading!!!

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon