Chapter 6: Dragon King.
Vinice's POV
"Noong unang panahon, taong 200 BC, payapang namumuhay ang mga lahi natin. Noon ay nasa labing tatlo lang na bampira ang nabubuhay, nakatira sila sa isang village na tinatawag na Vamp Ville. Anong namumuno noon ay ang pamilya Vougue. Si Vanrie Vougue ang pinuno sa Vamp Ville, siya ay may dalawang anak na sina Valrie at Vadrie Vougue, si Vadrie ang panganay na anak at sa kanya inatasan na pamunuan ang taga Vamp Ville dahil sa kalagayan ng Pinuno. Naging masagana naman ang pamumuno ni Vadrie pero.", putol ni sir sa kanyang salita.
Kasalukuyang nagdidiscuss ngayon si Sir Paolo sa History ng mga Bampira.
Kahit na nakikinig ako kay sir ay hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang nakita ko kanina.
Nakaraan ba yun nila? O ang kanilang kinakatakutan?
Hindi mawala sa isip ko ang mga nakita ko kanina lalo na kay Luther. Sino kaya yung babaeng iniiyakan niya? Girlfriend kaya niya?
Bigla akong nasaktan dahil sa iniisip ko. Ano ka ba Vinice, crush mo lang siya at sigurado ako na hindi lang ikaw ang nagkakagusto sa kanya. Isa ka lang sa mga tagahanga niya na hindi kailan man ay makikilala niya.
Iniwaksi ko na lang yun sa isip ko at nakinig na lang sa discussion ni sir. Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ko maisip ang nakita ko kanina.
"Pero dumating ang kinakatakutan ng lahat, ang isang digmaan. Dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, ay naging masama si Vadrie at kinain ng kadiliman. Noong panahon na yun ay hindi alam ni Vadrie na may inatasan ang kanyang ama sa kanilang kanang kamay na si Vincent Nightwalker. Siya ang pangalawa sa pinakamalakas na bampira sa Vamp Ville, ang kanilang pinuno ang una. Inatasan ng pinuno na si Vincent ang papalit kay Vadrie bilang pinuno dahil sa naging masama na ito. Hindi pumayag si Vadrie kaya hinamon niya si Vincent sa isang duelo. Magaganap ang kanilang duelo sa—", hindi natapos ni sir ang kanyang discussion ng biglang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase niya
"Okay! Thats all for today, we will continue this tommorow. Bye Class!", sabi ni Sir Paolo.
"Bye Sir!", paalam namin kay Sir tsaka lumabas na siya ng room namin.
Naging maingay naman ang room namin dahil sa mga babaeng nagtititili dahil sa mga prinsepe na nasa likod namin.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tili ng mga kaklase namin na babae at humalumbaba na lang ako sa upuan ko.
"Sakura anong sunod nating klase?", tanong ko kay Sakura.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko narinig ang sagot ni Sakura kaya kunot noo ko siyang tiningnan.
Kaya pala hindi sumagot si Sakura kasi nakatingin lang siya sa likod which is ang nga prinsepe na may ibat ibang ginagawa.
"Hoy! Tinatanong kita.", kalabit ko kay Sakura at gulat na napatingin sa akin.
Yan kasi, iba laman ng isip.
"Huh? Ano yun?", tanong niya at bigla bumalik ang mukha niya na maaliwalas.
"Sabi ko anong sunod na klase natin?", tanong ko ulit sa kanya.
"Ahh, ano, Study of Magical Creatures.", sabi niya at tumingin sa likod.
Napapoker face na lang ako. Mukhang tinamaan yata itong si Sakura eh.
Tiningnan ko kung saan nakatingin si Sakura. Nakatingin siya kay Aqui o Prince Aqui na kasalukuyang may sinusulat sa notebook niya.
Hmm, mukhang may gusto si Sakura kay Prince Aqui ha. Well hindi ko siya masisisi kasi gwapo naman talaga si Prince Aqui pero hindi ko siya gusto, si Prince Luther ang gusto, I mean, Nevermind.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...