Chapter 30: Training.
"Mukhang sanay na sanay ka dito Mom ah.", sabi ko habang nanonood na makipaglaban si Mom at si Sir Yagamoto.
Nagsimula na ang pagsasanay namin ngayong araw at nagdemo muna si Mom at Sir Yagamoto kung paano makipaglaban ng hand to hand combat.
Habang nanonood kami sa paglalaban nila ay nakikita ko na sanay na sanay si Mom sa ganitong klase ng laban.
Tapos na ang pagdedemo ni Mom at Sir Yagamoto kaya lumapit sa amin si Mom.
"Nung nasa Academy ako, nagsasanay din kami kasama ang mga magulang mo, at pati mga magulang nila at masaya ako dahil ang pangalawang henerasyon na ngayon ang nagsasanay.", nakangiting sabi ni Mom.
"Hindi mo yan kweninto sa akin Mom.", sabi ko.
Nagkwento kagabi si Mom kasama ang mga kaibigan ko pero halos ako ang topic ni Mom kagabi, hindi siya nagkwento sa akin kundi sa mga kaibigan ko.
"Maybe next time anak ikwento ko sayo tungkol sa nangyari sa akin sa Academy, sa ngayon magtraining muna tayo.", sabi ni Mom at naglakad na kung saan nakatayo si Sir Yagamoto at Sir Philip.
"Sir saan pala ang The Great Wizard?", tanong ni Krist.
Oo nga. Saan siya? Pero baka hindi namin ito makita dahil hindi daw ito nagpapakita ng basta basta sa mga tao.
"Magandang Umaga.", narinig naming sabi.
Agad kaming napatingala at nakita namin ang isang batang lalaki na nakasakay sa isang tela na lumilipad.
Sino naman tong batang to?
Bumaba ang sinasakyan nitong tela at nang malapit na sa lupa ay tumalon ang bata at bigla pumulupot ang tela sa ulo nito. Hindi ko napansin na may hawak pala itong tungkod na mas maliit sa kanya. Ang tungkod niya ay gawa sa kahoy at ang ulo nito ay parang isang pakpak ng ibon.
Nabigla ako ng yumukod si Mom, Sir Yagamoto at Sir Philip.
"Magandang umaga Magi.", sabi nila habang nakayukod.
Magi? Ito ba yung sinasabi nilang The Great Wizard? Ito ba yung Magi ng Fiore na unang Magi ng Ashtirith?
"Wag nga kayong yumukod ng ganyan. Hindi naman ako hari para yumukod kayo ng ganyan.", nakangiting sabi ng Magi.
Agad naman nag angat ng ulo sina Mom.
"Ito na ba ang mga magsasanay?", baling sa amin ng Magi.
"Sila nga po mahal na Magi.", sabi ni Sir Yagamoto.
"At sa tingin ko silang lima ang taga Majou.", sabi ng Magi at binaling ang atensyon kanila Alexandra.
"Sila nga po.", sabi ni Sir Philip.
"Mukhang mga prinsesa at prisepe ngayon ang magsasanay ah.", nakangiting sabi ng Magi.
Agad naman akong napatingin kay Mom nung sinabi ng Magi na mga prinsesa at prinsepe.
Prinsesa ba ako? Bakit sinabi ng Magi na prinsesa at prinsipe ang lahat ng magsasanay ngayon?
Hindi naman prinsesa si Mom diba? Kasi kung hindi bakit prinsesa at prinsepe? May hindi pa talaga sinasabi si Mom sa akin.
Hindi ako pinansin ni Mom bagkus ay nakatingin lang siya amin.
"O siya. Magpakilala na muna ako.", sabi ng Magi.
"Ako nga pala si Aladdin. Ang Magi ng Fiore. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ang katawan ko, ganito na talaga ito simula nang maging Magi ako.", nakangiti niyang pakilala sa amin.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...