Nightwalker Academy I

11.2K 308 18
                                    

Chapter 1: Nightwalker Academy

"Mom where are we going?", I ask my mom.

"Somewhere Baby, to the place where you belong.", mom said, habang hindi siya lumilingon dahil nagdradrive siya.

Pagkatapos nun ay hindi na ako nagsalita pa. Tumingin ako sa labas, nagtataasang puno,ewan ko kung saan kami pupunta, para kasing nasa gitna kami ng gubat, puro puno lang ang nakikita ko at medyo dim yung paligid dahil sa konti lang ang lumalagpas sa puno na liwanag.

Ewan ko kung saan kami pupunta ni Mom, hindi niya sinabi sa akin, basta sa lugar daw na saan ako nabibilang at ligtas.

Pero narinig ko si Mom dati na may kausap sa phone na itatransfer daw ako, hindi ko alam kung sino ang kausap basta hindi ko na yun pinansin dahil sa narinig ko kay Mom.

Itrataransfer ako, okay lang sa akin yun, kasi mukha namang hindi din ako nabibilang sa isang Human-Vampire School.

Bago ko ipaalam ang katauhan ko ay magpakilala muna ako.

Ako si Vinice Villegas, 17, nakatira sa Vanky City, isa sa pinakamalaking syudad ng Fiore. Nakatira ako sa Mom ko, hindi ko siya tunay na ina, sabi niya sa akin ay kaibigan daw siya ng tunay kong Ina, tinanong ko siya noon kung nasan ang tunay kong ina at ama, sabi niya sa akin ay patay na daw ito, noong una ay hindi ko ito mataggap pero kalaunan ay natanggap ko din ito. Si Mom Vannie, ang tinuturing kong tunay na ina, siya ang nag-alaga sa akin mula ng bata pa ako kaya laking pasalamat ko talaga kay Mom Vannie. Si Mom Vannie ay isang tao, at ako naman ay isang bampira.

Oo, Bampira ako, pero hindi ako umiinom ng dugo ng tao, may blood bank naman si Mom kaya kapag nagugutom o nauuhaw ako ay umiinom lang ako ng isang bag ng dugo sa blood bank, hindi na din lingid sa lahat ang pagkakaroon ng bampira sa mundo, may kasunduan ang mga Elder at ang mga tao na mamuhay ng mapayapa, kaya kapag may lumabag sa kasunduan ay tiyak na hindi na sisikatan ng araw, katulad din sa mga tao kaya nga naging magkaibigan ang tunay kong ina at si Mom.

"Andito na tayo.", nabalik ang wisyo ko ng magsalita si Mom.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko na huminto ang sasakyan, hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami. Tumingin ako sa labas at napanga-nga ako sa nakita ko.

NIGHTWALKER ACADEMY.

Yan ang nakalagay sa napakalaking arko na sobrang taas, hindi lang ako nagulat sa arko kundi pati sa school na sa harapan ko.

Ang Nightwalker Academy ay ang pinakamalaking Vampire school sa Fiore, ito ang una at pinakatanyag sa lahat, hindi ka basta basta makakapasok dito, dapat may abilidad ka na iba sa ibang bampira.

Napatingin ako kay Mom dahil sa pagkagulat. Nakita niya ang gulat kong mukha, ningitian lang niya ako.

Bakit kami nandito? Dito ba ako magtratransfer? Pero wala naman akong abilidad na angat sa iba, siguro hindi. Assuming masyado ako. Hahaha!

Lumabas na si Mom sa kotse at ganun din ako, paglabas ko ay may taong palabas sa gate, hindi ko siya kilala pero sa estado ng kanyang pananamit ay mukhang may mataas siya na posisyon siguro dito sa Nightwalker Academy.

"Welcome Back Mrs. Villegas.", bati sa amin ng isang babae, siya yung lumabas sa napakalaking gate.

Tiningnan ko siya, mukhang nasa 30-40 ang kanyang age, maputi, medyo may pagkamahaba ang buhok, makinis ang kutis, siguro magkapareho lang kami ng height, nasa 5'9-5'10, nakasuot siya ng magarang damit, tama nga ang hinala ko.

"Maraming salamat Mrs. Del Var sa pagtanggap sa anak ko.", sabi naman ni Mom.

"Sino po siya Mom?", singit ko sa kanila.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon