Chapter 38: Nicromancer.
Hindi alam ni Vin kung bakit nakatayo sa harapan niya ang Ina niya. Ang tunay niyang Ina.
"Ina?", sabi ni Vin.
Ngumiti ito sa kanya, ngunit kakaiba ang ngiti na ito. Hindi niya maramdaman ang kasiyahan dito kundi nakakakilabot.
"Vin anak. Masaya ako at nakita kita.", nakangiting sabi nito sa kanya.
"Paano?", hindi alam ni Vin kung ano ang sasabihin niya. Sobra siyang naguguluhan sa kaganapang ito.
"Hindi ko ipagkakaila na namatay ako nung pinanganak kita pero nabuhay ulit ako upang kunin ka. Anak sumama ka sa akin.", sabi ng Ina niya.
Nararamdaman niya ang pagsusumano nito ngunit naguguluhan pa rin siya sa mga pangyayari.
Hindi siya sumagot dito. Nakatingin lang siya dito.
"Vin anak. Sumama ka sa akin.", pagsusumano pa rin ng Ina niya.
"Hindi ikaw ang Ina ko.", hindi alam ni Vin kung bakit nasabi niya ito. Nararamdaman niya na iba ang presinsya ng Ina niya.
"Anak ako to. Ako ang Ina mo.", pagsusumano pa rin niya.
"Hindi! Hindi ikaw ang Ina ko! Patay na ang Ina ko!", sigaw niya.
"Nabuhay ulit ako Anak. Maniwala ka sa akin.", pagsusumano niya.
"Hindi! Hindi ako maniniwala sayo!", sigaw niya ulit.
Tumigil sa pagsusumano ang Ina niya at nakatingin lang ito ng blangko sa kanya.
Ngumisi ito at mas lalong nakikilabot ang itsura nito.
"Pasaway kang bata ka! Mukhang hindi kita mapipilit ng mahinahon, kaya dadaanin kita sa dahas!", sigaw ng Ina niya at bigla itong nagpalit ng anyo.
May lumabas na dalawang mahahabang sungay sa ulo nito na sinamahan ng pagpula ng mga mata
at biglang humaba ang mga kuko at biglang lumaki ang katawan.Napatingala si Vin sa halimaw na akala niya Ina niya. Nasa dalawangpung pulgada ang laki nito.
Bigla ito sumigaw at tinakpan ni Vin ang tenga niya dahil sa nakakabingi ang sigaw nito.
*
Sa kabilang banda. Patuloy pa rin sa paglalaban ang nasa labas ng lagusan. Hindi pa rin maubos-ubos ang kanilang kalaban ngunit hindi mo makikita ang pagod ng bawat isa.
Si Athena at Luther ay patuloy na naglalaban.
Ginamit ni Athena ang kanyang buong kapangyarihan kaya nakapagpalit anyo na din siya ngunit mas malakas si Luther kaya makikita sa buong katawan ni Athena ang mga sugat. Merong iba na naghihilom, meron din ibang hindi. Nanghihina na din si Athena.
Nang makalayo sila ni Luther ay biglang may kinuha si Athena sa loob bulsa niya. Kinuha niya ang isang itim na kwintas.
"Kailangan ko nang gamitin ang kapangyarihan ni Master.", sabi niya ang sinuot ang kwintas na ito.
Napatigil naman si Luther at nakatingin lang kay Athena.
"Salaila bitumin hapur sinahmi! Inlao minoti saiwali bitli!", sigaw ni Athena.
Hindi alam ni Luther kung anong klaseng lenggwahe ito. Bigla umilaw ang kwintas at pinaikutan si Athena ng itim na usok.
Mapula ang mga mata ni Athena na sinamahan ng pagging matulis ng tenga nito at mga kukong mahahaba. Ang mga ngipin ay naging matutulis at biglang may pakpak na nakapalibot dito.
Nang mawala ang usok ay nakita ni Luther ang kahindik hindik na itsura ni Athena.
"Hahahaha!!", tawa nito.
Kung ang mukha nito ay nakakasindak, ganun din ang boses nito. Hindi na pangbabae ang boses nito kundi napakalalim ng boses na ito at nakakatakot.
Agad itong tumingin kay Luther.
"Prinsipe Luther. Gusto mo ba malaman kung paano nabuhay ang kapatid mo?", nakakasindak na sabi nito.
Hindi sumagot si Luther bagkus ay nakatingin lang siya dito at nakahanda sa anumang pag-atake.
"Ako lang naman ang bumuhay sa kapatid mo. Ako si Athena, ang Nicromancer.", sabi ni Athena sa malalim na boses pa rin.
Ang Nicromancer ay isang makapangyarihang salamangkero na kaya buhayin at kontrolin ang taong namatay na. Kaya nila ito utusan na sinusunod naman na walang pag-alinlangan.
Nang sinabi niya ito ay hindi niya nakitaan ng pagkagulat ang mukha ni Luther.
"Alam kung may komukontrol sa kapatid ko. Ngayon ay kilala ko na kung sino. Pagbabayaran mo ito.", galit na sabi ni Luther.
"Hahahaha! Sa tingin mo ba ang kapatid mo lang ang binuhay ko?", biglang sabi ni Athena.
Hindi agad nakagalaw si Luther. Hindi niya akalain na may iba pa itong binuhay bukod sa kapatid niya.
"Hahaha! Sigurado ako. Magkaharap na ngayon ang mag-Ina. Hahaha!", sabi ni Athena.
Sa pagkakataong ito ay nagulat si Luther sa sinabi ni Athena. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito.
Napatingin siya sa lagusan. Alam niya si Vin at ang Ina nitong namatay ang tinutukoy ni Athena.
Agad siyang humarap kay Athena. Kung kanina ay galit siya, ngayon ay galit na galit siya kay Athena.
Hindi niya akalain na bubuhayin niya ang Ina ni Vin at ipapalaban niya ito kay Vin. Hindi niya mapapatawad si Athena sa ginawa niyang ito.
Bigla siyang pumikit at kung kanina ay kulay asul ang mata niya, ngayon, kulay pilak na ito.
Napatigil si Athena. Nararamdaman niya ang kakaibang presinsya na lumalabas kay Luther. Hindi ito pangkaraniwan. Sapagkat ngayon lang nakaramdam si Athena ng ganitong klaseng kapangyarihan.
Makikita sa mukha ni Athena ang takot sa nararamdamang kapangyarihan. Pati ang mga kasamahan nila ay napatigil sa paglalaban dahil sa nararamdamang kapangyarihan. Nakatingin sa banda nila Luther ang iba meron ding iba na nakatingin sa lagusan. Hindi nila alam kung kaninong kapangyarihan ang nararamdaman nila. Napakalakas nito.
Kasabay ng pagiging pilak ng mata ni Luther ay ang pagpapalit ng anyo ni Vin na ikinagulat ng halimaw na kanina pa umaatake sa kanya at si Vin ay patuloy na umiilag ngunit natataman din siya ng atake nito.
Pero nang magpalit anyo si Vin ay nakabalibot dito ang puting usok at nawala lahat ng sugat niya sa katawan. Ang kaninang kulay itim na mata ni Vin ay napalitan ito ng kulay ginto. Ang suot niya at isang pandigmang may nakaukit na mga iba't ibang klaseng simbolo. May nakalugay na tela sa likod niya na nagsisilbing pakpak niya. Ang kanyang buhok ay nakatali sa likod.
May dragon na nakatayo sa likod ni Vin habang nakalutang ito. Ang dragon na ito ay si Marvel ang Reyna ng mga Wind Dragon.
Dahan dahan bumaba si Vin kasabay ng pagkawala ng usok.
Sabay na tumingin si Vin at Luther sa mga kalaban nila.
Ang Ginto at Pilak na mga mata ay sabay na pumikit at binigkas ang mga katagang ito.
"Petrium."
To be Continued........
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...