Nightwalker Academy V

4.9K 236 14
                                    

Chapter 5: What is happening to me?

Vinice's POV

Yumuko ako dahil sa mga matang nakatingin sa amin, lahat ng mga kaklase namin ay nasa amin o sa akin nakatingin.

"Halika na, upo na tayo.", sabi ni Sakura at hinila ako.

Hindi naman ako pumalag dahil sa mga tingin nila sa akin. Oo sa akin sila nakatingin kaya naiilang ako.

Naglakad kami ni Sakura papunta sa medyo dulong upuan kung saan nakaupo din sina Stephen, Jason, Lucas, Richard at Jhana, may dalawang bakanteng upuan pa sa tabi ni Jhana na nasa kanan.

Pumunta na kami dun at umupo na. Katabi ko si Jhana na nasa kaliwa ko, si Sakura naman sa kanan.

"Alam mo Vinice, gusto ko tusukin yung mga mata ng mga kaklase natin.", bulong ni Jhana sakin.

Yumuko na lang ako kasi alam ko na nasa akin pa rin ang mga mata ng mga kaklase namin.

"Wag mo na lang silang pansinin.", sabi ko at humarap sa kanya, ayaw ko kasi ng gulo.

"Kahit na hindi pa tayo masyadong magkakilala ay alam ko na mabait ka Vinice at tama nga ako.", sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Good Morning Class!", sabi ng kakapasok lang na guro namin.

"Good Morning Sir!", bati namin pabalik.

"I'm Mr. Paolo Demicillo, I'm your adviser and also your teacher in History.", sabi ni Sir Paolo.

Si Sir Paolo ay matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labi, medyo makapal ang kilay, may kulay asul na mata na bumagay sa kanya at kulay asul din na buhok na lalong dumagdag sa kagwapohan ni Sir.

"Ang gwapo ni Sir!"

"Oo nga, sana walang girlfriend si Sir. Sana ako na lang."

"Ako!"

Napailing na lang ako dahil sa mga bulong ng mga kaklase ko, nakisabay pa to sina Sakura at Jhana. Well, gwapo naman talaga si sir pero hanggang dun lang.

"Before I will start my discussion, may makakasama kayo sa buong taon na talagang magugulat kayo.", sabi ni Sir at nagpakawala ng mga ngiti na abot hanggang tenga. Ang ganda pala ng mga ngipin ni Sir.

"Sino naman sir?", tanong ng isang kaklase ko na babae.

"Maghintay lang kayo. Parating na sila. Oh ayan na pala sila.", pagkasabi nun ni sir ay biglang may pumasok na lalaki na nagpatili ng mga kaklase kong babae.

"Kyaaahhh!!! Prince Aqui!! My love!"

Si Aqui o Prince Aqui ang unang pumasok at ngumiti sa amin.

"Oh My! Prince Laxus!! Akin ka na lang!"

Sunod namang pumasok si Laxus o Prince Laxus na nakapokerface.

"OMG!!! Prince Ethan!! Anakan mo ako!"

Sunod na pumasok si Ethan na pokerface din ang mukha.

Hindi ko naman maiwasan na matawa. Grabe naman yun. Anakan talaga? Hahaha.

"Prince Lance!! I Love You!!!"

Sunod na pumasok ay kulay pula na buhok at kulay pula na mata. Nakangiti siyang pumasok at kinindatan pa ang mga kaklase ko kaya umingay naman.

"Kyaaahh!!! Kinindatan ako ni Prince Lance. I can't breath!"

"Gaga, ako kaya yung kinindatan!"

Hindi ko naman maiwasan ulit na matawa dahil sa kanila. Nag-aaway dahil lang sa lalaki.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon