Nightwalker Academy XXXV

2.6K 117 12
                                    

Chapter 35: Valerian Wolfsbane.

17 years ago

Nasa isang pagpupulong ang mga kinatawan ng lahat ng kaharian sa buong Ashtirith.

Nasa isang malawak na bulwagan ang lahat ng kinatawan. Nagkasya ang mahigit sa isang daang katao sa bulwagan na yun.

"Nakakasiguro ka ba sa sinabi mo na yan?", tanong ng isang kinatawan sa isang lalaking nakatayo sa harap.

Si King Vlydamir.

Siya ang nagsagawa ng pagpupulong na yun.

"Nakakasiguro ako. Dahil si Apella na mismo ang nagsabi nito.", sagot ni King Vlydamir.

"At kailan daw ito mangyayari?", tanong naman ng isa pang kinatawan.

"Sa pag-iisa ng araw at buwan, magaganap ang ating pinangangamba.", sabi ni King Vlydamir.

"Kaya kailangan natin paghandaan ang araw na yun. Apat na araw na lang bago ang pag-iisa ng araw at buwan.", sabi naman ni King Vladimir.

"Makakaya kaya natin paghandaan ang araw na yun? Kulang tayo sa oras. Makakaabot ba tayo?", pangambang tanong ng isang kinatawan.

"Masasabi kong hindi natin makakaya sa ngayon, kaya kailangan lang natin na protektahan ang bata upang kapag nasa tamang edad na siya ay handa na tayo at nasa likod lang tayo ng batang babae.", sagot ni King Vlydamir.

Ilang araw bago ang pagpupulong na yun ay nakausap ni King Vlydamir si Apella na isang Orakulo sa Ashtirith. Ang kanyang nakitang pangyayari ay may isang batang babae ang ipapanganak sa pag-iisa ng araw at buwan kung saan ito ang magiging pinakamalakas na uri sa buong Worltirith. Ito din ang magbibigay kaginhawaan at kapayapaan sa buong Worltirith. Ngunit nakita din ni Apella na may gustong pumatay sa batang babae sa kapakanakan nito. Kaya kailangan nila King Vlydamir na protektahan ang batang babae. Hindi sinabi ni Apella kung sino ito kaya lahat ng manganganak sa araw ng pag-iisa ng araw at buwan ay kailangan nilang protektahan.

Buong Worltirith ang naghahanda sa darating na pag-iisa, ngunit dumating ang hindi nila inaasahang pangyayari.

Alas dose ng hating gabi sa araw ng pag-iisa ng araw at buwan ay may isang batang babae ang pinanganak ng isang reyna. Hindi nila alam na ang batang babae na yun ay ang siyang tinutukoy ni Apella.

Bago pa malaman ni King Vlydamir ang nangyari ay alam na kaagad ng kalaban ang tungkol dito kaya agad silang sumugod sa kaharian ng Reyna. Ngunit walang naabutan na bata ang mga kalaban kundi ang Reyna na wala nang buhay dahil sa panganganak niya.

Ang batang babae ay kinuha ng matalik na kaibigan ng Reyna at pinalaki ito ng parang kanya at pinangalanan niya itong Vinice Villegas.

***

Present Day

"Malayo pa ba ang lalakarin natin?", reklamo ni Samantha habang hinihingal dahil sa paglalakad.

Ilang oras na din nagsimula ang kanilang paglalakbay at malapit nang maggabi pero hindi pa rin sila nakarating sa nakatagong bundok.

"Wag ka na nga maingay dyan, kanina ka pa reklamo ng reklamo. Maglakad ka na lang kaya.", inis naman sabi ni Krist habang tumutulo ang pawis sa mukha nito.

"Wag na nga kayong dalawa mag-away.", saway sa kanila ni Frience.

Tumahimik naman ang dalawa. Pagod na silang lahat pero kailangan nilang magpatuloy sa paglalakad dahil kailangan nilang magmadali na makuha ang ikatlong kayamanan bago makuha ito ng kalaban.

Lumapit si Vin kay Luther na simula pa kaninang naglalakad sila ay hindi siya nito tiningnan. Hindi alam ni Vin kung anong problema ni Luther pero may ideya siya kung ano ito.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon