Chapter 18: Majou Academy Representatives.
Vin's POV
Kasalukuyan kaming naghihintay ngayon sa labas ng gate ng school, ngayon na kasi dadating ang mga taga Majou Academy na kasama namin sa pagsasanay.
"Matagal pa ba sila?", naiinip na tanong ni Prince Aqui.
"Wag ka ngang atat dyan, malapit na yun sila.", sagot naman ni Sakura.
Nakatayo kami sa harap ng gate, nasa unahan nila ako samantalang sila dalawa ay nasa likod ko.
Kanina pa yan sila ganyan, nagpipikonan sa isa't isa. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
Kumusta na kaya si Luther? Ano kayang nangyari at matagal siyang nakabalik? Sana walang masamang nangyari sa kanya.
"Oh Luther, nandyan ka na pala.", bigla akong napalingon sa likod nang sinabi yun ni Prince Aqui.
"HAHAHAHAHAHAHAH!!!"
Agad na lumukot ang mukha nang wala akong makitang Luther na nakatayo sa likod namin. Akala ko nasa likod namin si Luther pero wala pala, pinagtripan lang pala ako ni Prince Aqui.
"Peace Vin.", hingi niya ng paumanhin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin ulit sa harapan.
"Galit kaya siya sa akin?", narinig kong tanong ni Prince Aqui.
"Hindi ko masabi, hindi ko pa nakita na nagalit si Vin. Pero sa tingin ko galit siya.", narinig kong sagot ni Sakura sa kanya.
Hindi naman sa galit ako, sadyang malungkot lang kasi wala dito si Luther.
Hindi na ako kumibo at naghintay na lang sa mga bisita namin.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita na namin ang isang sasakyan na kulay pula na may nakalagay sa harap nito na 'School Bus'.
"Ito na sila.", sabi ko sa mga kasama ko.
Medyo malayo pa sila sa gate pero dahil sa may kakayahan kaming makakita sa malayo ay nakita namin ang sasakyan at kung ilan ang nasa loob nito. May pitong tao ang nasa loob ng sasakyan, limang estudyante, isang teacher ata kasi nakaformal attire ito at isang driver.
Makalipas ang ilang sandali ay narating na nila ang portal kung saan papasok na sila sa mundo naming mga bampira. Ang portal na yan ay ginawa upang hindi basta basta na nakakapasok at nakakalabas ang sinuman na walang pahintulot.
Huminto sa harap namin ang school bus na sinasakyan nila. Bumukas ang gilid nito kung saan ang pinto at lumabas ang isang lalaki na sa pagkakaalaam ko ay ang teacher nila.
Bumaba ito at pumunta sa amin. Nanatiling nakatayo lang kami sa harap ng gate at nagmamatyag sa paligid.
"Ako nga pala si Philip, isang teacher sa Majou Academy.", pagpakilala niya nang makarating siya sa harap ko at inilahad ang kamay niya.
"Ako pala si Vin, isa sa mga inatasan ni Mrs. Del Var na salubungin ang mga bisita mula sa Majou Academy.", pagpakilala ko at nakipag kamay sa kanya.
Hindi gaano katanda ang itsura ni Sir Philip, nasa late 30’s ata, same lang siguro sila ng age ni Mom.
“Kinagagalak kong makilala kita Ms. Vin.”, sabi niya at ngumiti sa akin, ngumiti din ako sa kanya. Bumitaw na kami sa pagkakamay namin. Tumingin ako sa likod.
“Ito nga pala si Sakura at Prince Aqui, mga kasamahan ko.”, pagkilala ko sa kanila.
“Kinagagalak namin kayong makilala Sir Philip.”, sabi ni Sakura at nakipagkamay, gayun din si Prince Aqui.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...