Chapter 21: Make Over.
Someone's POV
"Kumusta ang pinapagawa ko sayo?", tanong sa akin ng taong kumupkop sa akin.
Nandito kami ngayon sa isang gubat malapit sa Nightwalker Academy. Dito ko siya palaging tinatagpo upang magbigay ng ulat sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa Nightwalker Academy.
"Naaayon pa rin sa pinaplano natin. Hindi nila alam na ako ang espiya sa Nightwalker Academy.", nakangiti kong sabi.
"Mabuti naman kung ganun. Dahil nalalapit na ang pinakahihintay natin.", nakangiti din niyang sabi.
"At tayo na ang magmumuno sa buong Fiore.", nakangisi kong sabi.
"Ngayon bantayan mo lang ang Prinsesa at pati yung mga Prinsipe. Alam mo kung ano ang gagawin nila kasama ang mga taga Majou Academy.", utos niya sa akin.
"Yes Master.", sabi ko at yumukod.
"Good. Now bumalik ka na dun, baka makahalata sila na wala ka.", utos niya sa akin.
"Yes Master.", sabi ko ulit at umalis na.
"Magpakasaya muna kayo ngayon dahil hindi magtatagal mapapalitan nang pighati at kalungkutan ang mararamdaman niyo. Humanda kayo sa aming pagbabalik. HAHAHA!"
***
Vin's POV
"Matagal pa ba yan?", hindi ko na mabilang kung ilang beses ko yan tinanong sa kanila, kanina pa kasi nila ako pinagtutulungan sa pagmake up. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon dahil ayaw nila akong ipaharap sa salamin dahil hindi pa daw tapos ang pagmake up sa akin.
"Malapit na.", kanina ko pa din yan naririnig yang salitang yan.
Napabuntong hininga na lang ako, alas 7 pa magsisimula ang Welcome Party pero alas 5 ay ready na kami, tapos na sila mag make up. Ako na sana mag make up sa sarili ko pero ayaw nila kasi sila daw mag memake up sa akin kaya naghintay na lang ako matapos sila sa kanilang sarili.
Nakasuot na din kami ng mga damit na napili namin kanina. Hindi ko alam khng bagay ba talaga ang damit na napili ko sa akin, pero dahil sa mga sinasabi nila, panatag ang loob ko na bagay ito sa akin.
"Tapos na!", masayang sabi ni Sakura.
"Pikit ka muna Vin.", sabi sa akin ni Samantha.
Dahil naeexcite din ako sa itsura ko ay pumikit ako. Ano kaya magiging itsura ko? Maganda kaya? Panget? Pero hindi naman siguro ganun ang ginawa nila sa mukha ko.
"Buksan mo na mata mo.", sabi sa akin ni Alexandra.
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at tumambad sa akin ang salamin pero nagulat ako sa nakita ko sa salamin.
"Tada!", sigaw ni Samantha at Sakura.
Tumambad sa akin ang mukha ng isang babaeng hindi ko kilala, bagay na bagay sa kanya ang make up na nasa mukha nito.
Ako ba talaga yan? Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala. Hindi ko iniexpect na ganito ang kalalabasan ng pagmemake up nila sa akin.
"Anong masasabi mo?", tanong ni Samantha.
"Hindi ako makapaniwala.", yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil sa pagkagulat.
"Sabi ko sayo kami na bahala.", nakangiting sabi ni Sakura.
"Tok! Tok! Tok!", sabay sabay kaming tuminginsa pinto.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...