Nightwalker Academy XII

4.5K 190 7
                                    

Chapter 12: Powerful Dragons.

Pagkatapos ng laban nila Luther at Vin, ay naglalakad si Vin pabalik sa gilid kung saan nakanga-nga na hinintay siya ni Sakura at Aqui. Halos lahat nakatingin sa kanya habang naglalakad siya. Hindi pa rin sila makapaniwala na ganun ang magiging laban nila. Habang naglalakad si Vin ay bumalik sa dati ang kanyang itsura. Wala na siyang dalang sandata.

Nang makalapit na siya ay bigla na lang siyang nahimatay.

***

Madilim ang paligid, wala siyang makita kundi kadiliman.

"Anong nangyari?", tanong niya sa sarili niya.

Binuka niya ang bibig niya upang magsalita sana kaso walang boses ang lumabas dun.
Nabigla siya dahil dun.

"Bakit hindi ako makasalita? Anong nangyari sa akin?", naguguluha niyang tanong sa isipan niya.

Naramdaman niya na parang may kung ano sa likod niya kaya bigla siyang tumalikod at may nakita siyang liwanag, maliit ito kaya hindi masyadong klaro kung ano ang sa likod ng liwanag na yun.

Paunti unti ay lumalaki ang liwanag at tinakpan niya ang mg mata upang hindi masilaw ng liwanag.

Napansin ni Vin na parang may anino na tinatakpan ang liwanag kaya tinanggal niya ang kamay niya na nakatakip sa mga mata niya.

Hindi niya masyado makilala ng taong nasa harapan niya ngayon dahil nandun pa rin ang liwanag na nakakasilaw.

Makalipas ang ilang minuto ay dahan dahang nawala ang liwanag at tumambad sa kanya ang isang lalaking nakapula, lahat ng suot nito ay pula, mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mahabang coat na hanggang tuhod, sa loob ay kulay pulang polo, kulay pulang pantalon, pulang sapatos, at kagayang ng nakita ni Vin sa Mama niya ay may mga tela ito na pula na nakalutang sa likod.

Napatingin siya sa mukha ng lalaki at hindi maiwasan na mamangha sa kagwapohan nito, matangos ang ilong, medyo pula ang mga labi, manipis ang kilay at medyo mahaba ang pilik mata, kulay pula ang mata nito na nakadagdag sa kagwapohan nito.

"Nice to meet you Ms. Villegas.", bati sa kanya ng lalaki.

Agad naman nanlaki ang mata niya.

"Kilala mo ako?", gulat niyang tanong.

"Oo. Matagal na kitang kilala mula pa noong ipinanganak ka.", paliwanag ng lalaki.

"Sino ka?", tanong ni Vin.

"Ako nga pala si Igneel, the Crimson Dragon.", sabi niya na kinabigla ni Vin.

"Dragon ka?", gulat na tanong ni Vin.

"Oo. I'm the Crimson Dragon, one of the most powerful dragon of Dragtopia."

Hindi alam ni Vin kung paano siya magrereak sa sinabi nito.

Itong gwapong lalaking nasa harap niya ay isang dragon pala? How come? Sa lahat lahat ng pwede gawing dragon, bakit itong lalaking ubod ng gwapo?

Nanghihinayang na tumingin si Vin kay Igneel.

"Alam ko ang nasa isip mo Ms. Villegas, hindi porket gwapo ay hindi na pwede maging dragon.", nakangisi niyang sabi.

"Yabang.", sabi ni Vin.

"Thanks for the compliment. Minsan lang may magcompliment sa akin.", nakangisi na naman niyang sabi.

"Tumigil ka nga Igneel.", agad napatingin si Vin sa likuran niya ng marinig ang familiar na boses.

Nakita niya ang napakagandang babae, nakasuot ng kulay puting gown na may mga tela din na puti ang makalutang sa likod nito.

"Sino ka naman?", tanong ni Vin.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon