Chapter 31: My Parents.
Agad kong sinalag ang atake ni Prince Aqui sa akin, salag lang ako ng salag. Kailangan ko makatiming upang makaatake din sa kanya.
Sugod siya ng sugod, salag ng salag naman ako sa mga atake niya. Nakita ko sa mukha ni Prince Aqui na kahit atake siya ng atake, may pangamba pa rin sa mukha niya.
Nang mapansin ko na susuntukin niya ako gamit ang kanang kamay niya, hinawakan ko ang kaliwang kamay niya pero hindi ko siya inangat, bagkus ay hinawakan ko lang sa braso. Hinawakan din niya ako, nagkatinginan kaming dalawa sa mata.
"Anong sinabi mo kay Luther?", kausap ko sa kanya sa pamamagitan ng pag-iisip. Nilagyan ko ng harang ang mga isip namin upang hindi kami marinig ng iba.
Bakas sa mukha ni Prince Aqui ang gulat dahil lumaki ang mata nito. Hindi siguro niya akalain na nakita ko sila kanina na nag-uusap.
"Paano mo nalaman?", kahit sa isip ay dinig ko ang kaba niya.
"Nakita ko kayo kanina na nag-uusap.", sagot sa kanya.
"W-wala lang yun.", nauutal niyang sabi sa isip ko, bakas sa mukha niya ang kaba at takot.
Gaano ba kalala ang sinabi niya kay Luther at makaramdam itong si Prince Aqui ng takot at pangamba?
Biglang nakawala si Prince Aqui sa pagkahawak ko sa kanya at lumayo ng konti sa akin.
"Nilagyan mo ba ng harang ang mga isip natin?", tanong niya sa isip namin.
"Oo. Wag kang mag-alala.", sabi ko.
Nakita ko naman na parang nakahinga ng maluwag si Prince Aqui.
Inatake niya ako kaya sinalag ko ang mga atake niya.
"Sinabi ko sa kanya ang nalaman ko tungkol sa kapatid niya.", sabi niya sa isip namin habang inaatake niya ako.
"Anong nalaman mo tungkol sa kapatid niya?", sabi ko sa isip habang inaatake siya.
Sinabi sa akin ni Prince Aqui ang nalaman niya at nagulat ako dun kaya napatigil ako sa pag-atake sa kanya.
Paano nangyari yun? Bakit nila ginawa yun? Ano ang dahilan nila?
Tumigil din si Prince Aqui sa pag-atake, nakatayo na lang kami dalawa, nakatingin ako sa kanya habang siya ay nakayuko.
"Suko na ako.", sabi niya.
Walang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa sobrang pagkabigla. Umalis na si Prince Aqui sa harapan ko at pumasok siya sa mansyon. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya paalis.
"Anong nangyari dun sa kanya?", hindi ko namalayan na nasa gilid ko na pala si Sakura.
Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa dinaanan ni Prince Aqui. Tumingin ako kay Luther. Nakatingin din siya sa dinaanan ni Prince Aqui.
"Kailangan niya muna mapag-isa.", sabi ko na lang.
"Oh siya. Pabayaan muna natin siya. Tuloy na natin ang pagsasanay.", sabi ni Mom.
***
Matapos ang ilang oras na pagsasanay ay pinagpahinga muna kami. At nandito ako ngayon sa kwarto kasama sina Alexandra, Samantha and Sakura.
"Anong nangyari kay Prince Aqui kanina? Bakit bigla naging ganun?", biglang tanong ni Sakura.
Tumingin sila sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga tingin nila.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...