Chapter 37: Lagusan.
Nang maalis ang mga takip sa mukha ng mga kalaban ay isa isang nagulat ang kanilang mga kaharap.
"Athena?!", gulat na sabi ni Vin. Hindi makapaniwala si Vin na makakalaban niya si Athena.
Alam niyang si Athena ang spy sa Nightwalker Academy pero hindi niya inaasahan na makakaaway niya ito.
"Ako nga Vin. Tagal natin di nagkita.", sakastikong sabi ni Athena.
Nakatingin lamang si Vin kay Athena na may ngiti sa mukha.
"Bakit ginagawa niyo ito Athena? Ano bang balak niyo?", tanong ni Vin.
"Balak namin? Gusto lang namin sakupin ang buong Worltirith pati ang mundo ng mga tao.", nakangiting sabi ni Athena.
"Bakit?", naguguluhang tanong ni Vin. Hindi pa rin malinaw kay Vin kung bakit gustong sakupin ng Dark Moon Fang ang buong Worltirith, anong makukuha nila dito??
"Bakit? Kasi kami lang naman ang Wholteria Empire na unang nanirahan sa Ashtirith. Sinakop kami ng mga Ashtirian at inubos ang buong angkan namin pero hindi nila alam na maraming nakaligtas sa mga Wholter kaya oras na para ibalik sa amin ang buong Ashtirith.", sagot ni Athena.
Hindi makapaniwala si Vin sa narinig niya. Ang Wholteria Empire ay ang unang sibilisasyon sa buong Worltirith at sila ang pinakamatatag na emperyo noong unang panahon, ngunit nang dumating ang mga Astheria, galing sa Ashtar Empire ay nasakop nito ang buong Wholteria at muntikan nang maubos ang mga mamamayan nito ngunit, marami sa kanila ang nakaligtas at ngayon bumalik ang mga Wholteria upang kunin ulit nila ang kanilang lupain.
"Tama na ang tanong. Oras na para pagbayaran niyo ang ginawa ng inyong mga ninuno!", sigaw ni Athena at biglang inatake si Vin.
Agad naman nakailag si Vin sa mga atake ni Athena. Hindi niya pa alam ang tunay na kapangyarihan ni Athena kaya nag-iingat si Vin sa pag-ilag.
"Ano Vin? Iilag ka na lang? Bakit hindi ka umatake? Diba ikaw ang babaeng nasa propisiya?", sabi ni Athena.
Napatigil na naman ulit si Vin sa paggalaw.
Propisiya? Anong propisiya? Naguluhan si Vin sa sinabi ni Athena, hindi niya alam na kung anong ibig sabihin nito.
"Hindi mo alam Vin? Hahaha! Pagsinuswerte ka nga naman. Mukhang hindi pa nila sinasabi sayo ang propisiya. Hahaha!", natatawang sabi ni Athena bago umatake ulit.
Dahil medyo tumatakbo ang isip ni Vin tungkol sa propisiya ay muntik na siyang matamaan ng atake ni Athena, buti ay agad siyang natauhan.
Ilag lang nang ilag si Vin dahil ayaw niya muna gamitin ang kapangyarihan niya dahil baka maubos ang lakas niya.
Sa kabilang dako naman, sabay na nakikipaglaban si Alexandera at Ruther. Kalaban nila ngayon ang dalawang taga Majou Academy na kilala nila. Hindi nila akalain na ang taong kanilang pinagkakatiwalaan ay siya pala tong kakalaban sa kanila.
Sa kabila naman ay kalaban ng Mahal na Magi ang isang itim na nilalang. Ito ay si Magnus, ang Magi na itinakwil ni Solomon dahil sa pagpapabaya nito sa kanyang napiling Hari.
"At may gana ka pang kalabanin akong bata ka.", sabi ni Magnus.
"Alam ko bata ako pero mas lamang ang kapangyarihan ko kaysa sayo.", nakangiting sabi ng Mahal na Magi.
"Tingnan natin.", sabi ni Magnus at umatake gamit ang kanyang tungkod.
Lumabas dito ang itim na kapangyarihan na agad naman nasalaga ng Mahal na Magi. Umatake din ang Mahal na Magi gamit ang tungkod niya at lumabas dito ang puting kapangyarihan, agad din naman nasalag ni Magnus ito.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...