Chapter 16: Spy at the Academy.
Aqui's POV
Hi everyone!! Hehehe.
Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng dorm nila Sakura dahil hinatid ko silang tatlo.
Nang makita ko na nakapasok na si Sakura ay ngumiti ako.
Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sayo Sakura. Parati mo akong binabara pero hindi ko maiwasan na matulala kapag nakita ko ang mga ngiti mo sa mukha. Hehehe.
Tama kayo. May gusto ako kay Sakura. Hindi ko alam kung kailan ko ito naramdaman pero nung magkalaban kami ay parang umusbong ang pagkagusto ko sa kanya. Namangha ako sa kapangyarihan niyang hindi ko inakala na meron siya.
Lumakad na ako paalis sa dorm nila at mag-isang sumakay sa elevator papunta sa dorm naming mga Royal Blood.
Habang nakasakay ako sa elevator ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa sinabi ni Luther kanina bago siya umuwi sa kanila.
~Flashback~
Kasama ko ngayon naglalakad si Luther papunta sa office ni Mrs. Del Var.
"Luther anong ibig mong sabihin na nagsisimula na sila?", takang tanong ko.
"Nagsisimula na silang kumilos upang patayin siya.", sagot niya.
Hindi ko naman maiwasan na magulat sa sagot niya.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang Siya. Alam naming lahat na Royal Blood yun pero lingid ito sa kaalaman ng ibang ranks. Bago pa man magsimula ang pasukan ay sinabi na sa amin ni Mrs. Del Var na papasok sa school nila Luther ang itinakda.
Ibig kong sabihin na itinakda ay siyang lulupig sa lahat ng nilalang kapag napunta sa masamang tao pero siya din ang magiging dahilan upang magkasundo ang bawat nilalang dito sa Fiore. Hindi man siya ang Prinsesa ng Fiore dahil sa nawawala din ito pero siya ang itinakda na muling mapayapa ang Fiore.
Hindi na ako nagtanong pa kay Luther dahil alam ko na ang sagot sa mga tanong ko.
Agad naming binuksan ang pinto ng opisina ni Mrs. Del Var at hindi na kami nagulat ng makita namin siyang nakatayo habang nakatingin sa labas ng bintana niya.
"Mukhang kinakailangan natin ingatan siya lalo. Simula pa lang to kaya alam ko na may susunod pa.", sabi ni Mrs. Del Var nang hindi tumitingin sa amin.
"Mrs. Del Var kailangan ko sabihin ito kay Ama at Ina. Kung maaari ay uuwi muna ako.", sabi ni Luther.
"Kailangan talaga to malaman ng Ama mo. Sige, umuwi ka at sabihin mo sa kanila ang nangyaring ito.", sagot ni Mrs. Del Var at tumingin sa amin.
"Makakaasa po kayo.", nakayukong sabi ni Luther.
Kahit na mataas ang uri namin nila Luther kay Mrs. Del Var, nagbibigay kami respeto sa kanya na kasing taas ng respeto namin sa Ama at Ina ni Luther. Si Mrs. Del Var ang nagsisilbing tagapangasiwa sa Nightwalker Academy kaya malaki ang tiwala sa kanya ng Ama at Ina ni Luther.
Pagkatapos yumuko ni Luther ay tumayo siya ng tuwid.
"Aalis na po kami.", paalam niya.
"Sige. Mag-ingat ka pauwi.", sabi ni Mrs. Del Var.
Yumuko naman kami bilang respeto at lumabas na ng opisina ni Mrs. Del Var.
"Samahan kaya kita pauwi sa inyo Luther.", sabi ko habang naglalakd kami papunta sa labas.
"Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko. Ang gawin mo ngayon ay puntahan mo sila Vin at ihatid sa kwarto nila."
"Uyy. Hahaha. Ikaw Luther ha, may hindi ka sinasabi sa akin. Hahaha.", panukso ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...