Nightwalker Academy XIII

4.3K 168 8
                                    

Chapter 13: Friendship

Vin's POV

Kasalukuyan akong nasa clinic ngayon dahil sa hinimatay ako.
Tapos na din akong icheck ng nurse dito sa clinic.

Grabe 2 dalawang araw akong tulog at dalawang araw na din akong hindi nakakapasok.

Hinihintay ko ngayon si Luther na bumalik dahil bumili pa siya ng makakain ko.

Kanina habang nandito siya ay sobrang lakas ng tibok puso ko, parang nauunahan sa pagtibok.

Alam ko sa sarili ko na may gusto ako sa kanya pero dapat pigilan ko ito.

Pigilan mo yang nararamdaman mo Vin kasi hindi kayo pwede at lalong wala kang pag-asa sa kanya.

Nalungkot naman ako sa sabi ng isip. Oo, alam ko na hindi kami pwede at wala akong pag-asa dahil sino ba naman ako? Isa lamang akong hamak na transfere student at nag-iisang Unknown Rank, siya isang Pure Blood, ang layo talaga namin sa isa't isa.

Habang naghihintay ako ay biglang bumukas ang pinto ng clinic at niluwa dun si Sakura kasama si Aqui.

Kailan pa sila naging close?

Kunot noo ko silang tiningnan habang papalapit sa akin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Vin?", nag-alalang tanong ni Sakura at lumapit sa gilid ng kama at umupo. Tumingin naman ako sa kanya.

"Okay na naman.", sagot ko.

"Walang bang masakit sayo? Wala ka bang ibang nararamdaman na sakit?", nag-alala paring tanong ni Sakura.

"Wala naman.", ikling sagot ko.

"Ano ka ba naman Sakura. Hinimatay lang yung tao, kung makatanong ka ng kung saan ba masakit o may nararamdaman ba siyang sakit, daig pa ang galing siya sa isang digmaan.", singit ni Aqui. Nakatayo ito sa paanan ng clinic bed.

"Ano ba pakialam mo?", mataray na sabi ni Sakura kay Aqui.

Palipat lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"Eh sa hindi mo naman kailangan maging O.A, hinimatay lang yung tao hindi nasugatan!", medyo naiinis na sabi ni Aqui.

"Ano ba pakialam mo sa paging O.A ko kay Vin? Kaano-ano ka ba namin!?", inis na sabi ni Sakura.

Hindi naman agad nakasagot si Aqui kaya sumingit na ako.

"Tama na nga yan. Ang ingay-ingay niyong dalawa.", kunwaring inis na sabi ko.

Agad naman kaming napabaling sa pinto ng magbukas ito ay iniluwa dun si Luther na may dalawang pagkain.

Agad akong nakaramdam ng tuwa dahil sa kanya.

Ano ka ba Luther, pag ako nahulog sayo, sana saluhin mo.

Hindi ko inalis ang mata ko sa kanya na nakangiting naglalakad dito papunta sa akin.

Nang makalapit siya ay inilagay niya muna sa side table ang pagkaing dala niya tapos ay umupo siya sa kabilang side, nasa kaliwa ko si Sakura nakaupo, sa kanan naman umupo si Luther.

"Kain ka na muna.", nakangiting sabi ni Luther.

"Sige. Salamat.", sabi ko at dahan dahang umupo, inilalayan naman ako nilang tatlo pero napatingin ako kanila Sakura at Aqui dahil sobrang lapit nila sa isa't isa.

Nang makaupo ako ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kanila Sakura.

"Ano ba! Lumayo ka nga. Nakakabadtrip ka eh!", inis na sabi ni Sakura kay Aqui.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon