Nightwalker Academy III

6K 241 12
                                    

Chapter 3: First day in Nightwalker Academy.

Vinice's POV

"Vin gising na!", nagising ako dahil sa sigaw na yun.

Sino ba yun? Kung makasigaw parang may sunog ah. Teka, sunog?

Napamulat ako bigla dahil sa naisip ko at dali-daling bumangon tapos ay kumaripas ng takbo papunta sa cabinet ko.

Kailangan ko mag-impake para makalabas ako dito. Ayoko ko pang mamatay!! Mahal ko pa ang buhay ko.

"Hoy Vin anong ginagawa mo?", tanong ng taong nasa likod ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-impake ng mga gamit ko at hindi pinansin ang taong nasa likod ko.

Kailangan kong magmadali para hindi ako abotan ng sunog dito. Sana hindi pa umabot ang sunog dito. Huhuhu.

"Hoy Vin.", nagulat ako ng biglang hawakan ako ng taong nasa likod ko.

Teka, sino ba to? Bakit siya nandito? Nandito ba siya para iligtas ako sa sunog? Mabuti naman.

"Maraming salamat at nandito ka para iligtas ako. Huhuhu.", sabi ko at yumakap sa kanya.

Ayoko pa talagang mamatay, mahal ko ang buhay ko, kailangan ko pa makita ang si Mom. Hindi pa ako handang mamatay.

"Anong ba Vin? Anong nangyari sayo?", tanong niya, boses babae.

"Salamat dahil ililigtas mo ako sa sunog.", mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Anong sunog ang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?", tanong ng taong kayakap ko.

Kumalas ako sa yakap at nakita ko ang mukha niya. Parang familiar sa akin ang mukha niya.

"Diba may sumigaw kanina? Diba kapag sumigaw ay may sunog?", inosenteng tanong ko.

"HAHAHAHA!!", tawa niya habang nakahawak sa tiyan niya at naupo sa sahig.

Bakit siya tumatawa? Kita mo na nga na malapit na masunog ang room namin tapos siya? Tatawa lang? Nababaliw na ata siya.

"Bakit ka tumawa?! Halika na nga baka maabotan pa tayo ng sunog dito.", sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa kaya ang ginawa ko para matigil siya sa pagtawa ay naghanap ako ng papel at nang makakita ako ay nilukumos ko ito at ipinasok sa nakanga-nga niyang bunga-nga.

Bigla naman siyang tumigil sa kakatawa at biglang iniluwa ang papel.

"Para san yun ha?!", tanong niya nang medyo malakas, dinig ito aa buong room namin.

"Para tumigil ka na sa kakatawa. Bakit kaba tumatawa eh kita mo nga na malapit na masunog ang room natin.", paliwanag ko sa kanya.

"Pfft! Ano ka ba Vin, wala namang sunog, saan mo naisip na may sunog?", tanong niya habang pinipigilan ang pagtawa niya.

"May narinig kasi akong sigaw kanina, akala ko may sunog kaya dali dali akong bumangon at pumunta sa cabinet.", paliwanag ulit ko.

"Hahaha! Ako kaya yung sumigaw kanina.", tawa ni- sino nga ba 'to?

"Eh bakit ka naman sumigaw ha? At ano nga yung pangalan mo? At nasan ako?", tanong ko habang nakakunot ang noo. Familiar talaga siya sa akin at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

"Sumigaw ako kasi ginigising kita pero hindi ka magising kaya sumigaw ako. Hindi mo ba natatandaan ang pangalan ko?", wika niya. Tumango naman ako.

"Hindi ko alam kung totoo ba na hindi mo ko kilala o nagpapanggap ka lang pero kahit na ganun magpakilala pa rin ako sayo.", sabi niya at tumingin sa akin.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon