Chapter 19: The Lost Princess of Fiore.
Vin's POV
Naglalakad na kami ngayon papunta sa opisina ni Mrs. Del Var at habang naglalakad kami sa hallway ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante lalo na ang limang estudyanteng mula sa Majou Academy.
"Ang gwapo naman nung naka white polo."
"Mas gwapo yung naka dilaw."
"Ang hot nung naka itim."
"Ang ganda naman nung naka red na babae."
"Oo nga eh. Ang kinis ng balat niya."
"Tama kayo kaso sino naman yang mukhang manang na kasama nila?"
"Bat nila kasamang yang babaeng yan? Nakakadiri naman ang itsura niyan."
Napatingin ako kay Alexandra at alam ko na narinig niya ang mga pag-uusap ng mga estudyante.
Nakayuko lang siya habang kasabay niya sa paglakad si Ruther. Lumapit ng konti si Ruther sa kanya at may binulong pero dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko ang binulong ni Ruther kay Alexandra.
"Wag mo na lang sila pansinin, hindi nila alam ang katauhan mo.", bulong ni Ruther kay Alexandra.
"Alam ko. Kaso hindi ko maiwasan na malungkot dahil sa nangyari.", malungkot na bulong ni Alexandra.
Ano kayang nangyari kay Alexandra? Bat ganun ang itsura niya?
"Vin okay ka lang?", natauhan ako bigla nang magsalita si Sakura sa akin.
"Huh?", naguguluhan kong tanong.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala.", nag-aalalang tanong ni Sakura sa akin.
"Okay lang ako. May iniisip lang.", sabi ko na lang.
"Sure ka?", hindi siguradong tanong ni Sakura.
"Oo. Okay lang ako.", pagsisigurado ko sa kanya.
Ngumiti lang ako sa kanya kaya ngumiti din siya pabalik sa akin. Napansin ko na malapit na pala kami sa opisina ni Mrs. Del Var.
Nang makarating na kami sa opisina ni Mrs. Del Var ay kumatok si Prince Aqui.
"Mrs. Del Var nandito na po sina Sir Philip at ang mga kasama namin sa pagsasanay.", sabi ni Prince Aqui.
Biglang bumukas ang pinto ay niluwa nun si Luther. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Luther.
Heart kalma lang. Isang araw mo lang siyang hindi nakita kaya wag kang masyadong lumundag dyan. Kalma ka lang para hindi niya mahalata na namiss mo siya.
"Uyy.", panukso ni Sakura sa akin at siniko ako ng mahina.
Hindi ko siya kinibo. Nakatingin lang ako kay Luther habang kausap si Prince Aqui at Sir Philip.
"Pasok na tayo.", bumalik ako sa ulirat nang magsalita ulit si Sakura sa tabi ko. Nakita ko na isa isa na silang pumasok. Panghuli kami ni Sakura na pumasok.
"Welcome sa Nightwalker Academy Mr. Sander, kinagagalak kong makilala kita.", nakangiting sabi ni Mrs. Del Var.
"Kinagagalak ko din Mrs. Del Var. Masaya ako at inanyayahan niyo kaming makasama sa pagsasanay ang aming mga estudyante.", nakangiti ding sabi ni Sir Philip.
"Masaya din ako at pumayag kayo, hindi lang din kasi ito ang unang beses na inanyayahan namin ang Majou Academy na makisama sa pagsasanay namin, sa katunayan nga, itong mga magulang ng mga estudayante na kasama mo ngayon ay nakasama din dati sa pagsasanay ng mga magulang mga sasama din sa amin.", nakangiting sabi ni Mrs. Del Var.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...