Chapter 26: Overnight.
Vin's POV
"Sakura.", tawag ko sa kanya nang makapasok na kami sa kwarto namin, napatingin ako sa isang kama na walang umuukopa.
"Vin pasensya na sa sinabi ni Athena kanina.", agad akong napatingin kay Sakura.
Humiga siya sa kama niya at tumingala sa kisame, pumunta din ako sa kama ko at umupo sa gilid nito.
"Wag kang humingi ng pasensya, wala ka naman kasalan. Ako ang may kasalanan.", sabi ko.
"Hindi Vin. Wala kang kasalanan. Kung hindi ko lang iniwan sa ere si Athena, hindi siya magiging ganun.", malungkot na sabi ni Sakura.
"Totoo yung sinabi niya sa akin. Inagaw kita sa kanya at inagaw ko sa kanya si Luther.", nakayuko kong sabi.
"Vin hindi mo ko inagaw o si Luther. Desisyon namin yun na maging kaibigan ka, na maging malapit tayo. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Athena pero hindi mo kami inagaw sa kanya kasi siya naman tung walang paramdam sa akin. Kay Prince Luther, alam ko na may gusto siya dito pati ikaw pero hindi siya pinapansin ni Prince Luther kaya nung pinansin ka ni Prince Luther, kita ko sa mukha niya ang selos at inggit.", paliwanag ni Sakura sa akin.
"Salamat Sakura.", nasabi ko na lang.
"Vin tandaan mo, hindi mo kami inagaw sa kanya, siya tung kusang lumayo sa atin, siya tung umayaw sa atin kaya wala kang kasalanan.", sabi ni Sakura sabay ngiti.
Napatigil kami sa pag uusap nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Luther kasama si Aqui at iba pang Royal Elementalist, kasama din nila sina Alexandra, Ruther, Frience, Samantha at Krist.
Aga naman pumunta sa kama namin sina Alexandra at Samantha. Umupo naman ang iba naming kasama at si Luther at Aqui at nasa harapan namin.
"Anong ginagawa niyo dito?", sabi ni Sakura.
"Kailangan natin mag usap usap tungkol sa nasaksihan natin kanina. Kailangan maging handa tayo sa susunod nilang gagawin pati na rin ang pagsasanay natin.", sabi ni Prince Aqui.
"Kailan magsisimula ang pagsasanay natin.", tanong ko.
"Bukas ng umaga. Pero hindi tayo dito sa Academy magsasanay.", sabi ni Luther.
"Saan?", tanong ni Lance.
"Malalaman niyo bukas.", sabi ni Prince Aqui.
Tumahimik naman ang lahat.
"Alam ko naguguluhan tayo ngayon sa mga nakita natin kanina, hindi natin inaasahan yun. Pero iwaksi muna natin yun sa isip natin dahil may pagsasanay pa tayo, dapat hindi tayo magpaapekto dahil lang dun. Tandaan niyo, ang pagsasanay natin na ito ay ang paghahanda natin sa papalapit na digmaan.", sabi ni Luther.
Nagulat naman kami sa sinabi niya.
"May digmaan na magaganap?", gulat kong tanong.
"Oo. At may ilang linggo na lang tayo sa pagsasanay natin dahil sa susunod na Red Blood Moon magaganap ang digmaan.", sabi ni Luther.
"Alam ba ito ng ibang estudyante?", tanong ko.
"Hindi pa. Pero bukas, pagkaalis natin, sasabihin ni Mrs. Del Var sa lahat ang magaganap na digmaan.", sagot ni Luther.
"Sino ang kasama natin sa pagsasanay?", tanong ko ulit.
"Si Sir Yagamoto, si Sir Philip, Si Arthur na kanang kamay ni Ama at may isa pa na hindi ko kilala pero isa sa pinakamalakas na bampira, meron din isang Salamangkero na sasama sa pagsasanay natin upang sanayin sila Ruther, siya ang tinatawag na The Great Wizard.", sabi ni Luther.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...