Chapter 36: Ang Pakikipaglaban.
"My Night.", malungkot na sabi ni Valerian.
Hindi alam ni Vin kung ano ang mararamdaman niya. Ito ang unang pagkakataon na makilala niya si Valerian kaya hindi din niya mahusgahan si Valerian.
"Kaya kailangan mong paghandaan ang pagkikita niyo.", sabi ni Luther. Nakatingin lamang siya kay Valerian na nakayuko at nalilito.
Hindi naman nagsalita si Valerian bagkus ay umalis na lamang to sa harap ni Luther at bumalik sa camp nila.
Nakatago pa rin si Vin sa likod ng puno pero nagbigla si Vin nang magsalita ulit si Luther.
"Alam ko, narinig mo lahat ng mga sinabi ko.", sabi ni Luther.
Hindi muna lumabas agad si Vin sa pag-aakalang may iba na naman na susulpot ngunit nagsalit ulit si Luther.
"Alam ko ikaw yan Vin.", sabi ni Luther.
Lumabas naman agad si Vin sa pinagtataguan niya.
"Pasensya ka na at narinig ko ang usapan niyo. Sinundan kita dito kasi gusto kita makausap.", sabi ni Vin at lumapit kay Luther.
Hindi naman nagsalit si Luther kaya nagsalita ulit si Vin.
"Alam ko nabigla ka din nung nalaman mong magpinsan pala tayo.", sabi ni Vin.
"Hindi.", nabigla si Vin sa sinabi ni Luther. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Luther sa sinabi niya.
"Anong hindi?", naguguluhan na tanong ni Vin.
"Alam ko kwinento sayo ni Ina ang pagkupkop sa kanya ng pamilya ng iyong Ina kaya hindi sila magkadugo, kaya hindi tayo magpinsan.", sabi ni Luther.
"Alam ko yun kaya nga gusto kita makausap eh.", sabi ni Vin.
"Anong pag-uusapan natin?", tumingin si Luther kay Vin nung sinabi niya yun.
"Tungkol sa nararamdaman natin.", sagot ni Vin.
Hindi agad nakasalita si Luther. Nakatingin lang siya kay Vin, hindi niya pinapakita sa mata niya kung ano ang tunay na nararamdaman niya. Samantalang si Vin at nakatingin lang din kay Luther pero makikita mo sa mata ni Vin ang tunay niyang nararamadaman.
"Ano bang nararamdaman mo sa akin Luther?", tanong ni Vin matapos ang ilang minutong katahimikan.
Hindi naman sumagot agad si Luther, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Si Vin naman ay naghihintay ng sagot ni Luther ngunit lumipas na ang ilang minutong katahimikan ngunit hindi pa rin nagsalita si Luther, nakatingin lamang ito sa kanya.
Dun nalaman ni Vin ang tunay na nararamdaman ni Luther.
"Sige. Balik na ako sa campo.", sabi ni Vin at dahan dahang tumalikod.
Ngunit bago pa siya makahakbang ay bigla siyang hinila ni Luther paharap sa kanya.
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, biglang lumitaw ang mga alitaptap sa kanilang paligid, sa dalawang taong pinapakita ang kanilang pagmamahalan.
Hinalikan ni Luther si Vin habang pinapalibutan sila ng mga alitaptap at tila sumasayaw sa ilalim ng buwan.
Hindi alam ni Vin kung ano ang gagawin niya. Nakadilat lang ang kanyang matang gulat dahil sa biglang paghalik ni Luther sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumitaw si Luther sa halik. Tumingin siya kay Vin.
Kung kanina ay hindi pinapakita ni Luther kung ano ang nararamdaman niya pero ngayon, kitang kita sa mga mata niya kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...