Chapter 32: King and Queen's Niece.
"Tara na.", narinig kong sabi ni Mom.
"Sige po Mom.", sabi ko at tumayo na.
Naglakad na kami paalis sa kwarto, naabotan namin sa hallway sina Sakura na naghihintay.
"Hali na kayo. Nandito na ang sasakyan natin.", sabi ni Sakura at sumabay na sa amin sa paglakad.
"Sakura kmusta si Prince Aqui?", tanong ni Mom.
"Okay naman po siya Tita.", sagot ni Sakura.
Ilang weeks din hindi namin nakausap ng maayos si Prince Aqui pero nitong mga nakaraang araw ay naging maayos naman. Sana nga okay na siya.
"Mabuti naman kung ganun. Saan siya?", tanong ulit ni Mom.
"Nasa labas na po. Kasama ang iba.", sagot ni Sakura.
"Good.", sabi ni Mom at tumuloy na kami sa paglakad.
Nang makalabas kami ay nandun na ang school bus, nandun na din ang iba, kami na lang ata ang hinihintay.
"Nandito na ba ang lahat?", tanong ni Mom nang makarating kami.
"Ang Magi ay nauna na sa Fiore, may aasikasuhin daw siya dun bago pumunta sa Nightwalker Academy.", sabi ni Sir Philip.
"Tara na. Excited na ako na makapunta ulit sa Academy.", excited na sabi ni Mom.
Lumakad na kami papasok ng school bus.
Bago ako umakyat ay tumingin muna ako sa Mansion kung saan naging bahay namin sa loob ng isang buwan.
"Wag kang mag alala anak. Babalik tayo dito.", narinig kong sabi ni Mom. Nasa likod ko pala siya.
"Yes Mom. Babalik tayo dito na may ngiti sa labi.", sagot ko at umakyat na sa school bus.
Nang makaakyat ako ay nakita ko na katabi ni Luther si Prince Aqui. Mukhang okay na talaga si Prince Aqui kasi maaliwalas na ang mukha nito.
Napatingin ako sa ikatlong row sa kanan, nakaupo dun si Sakura, siya lang mag-isa, siguro para sa akin ang upuan na yun.
"Mom tabi kami ni Sakura mag-upo.", paalam ko kay Mom.
"Sige Anak. Tabi na lang kami ni Sir Yagamoto.", sabi ni Mom at umupo na sa tabi ni Sir Yagamoto na nasa unang row sa kaliwa.
Lumakad na ako papunta sa tabi Sakura. Nang makaupo ako ay agad na siyang lumapit sa akin.
"Mukhang okay na yung dalawa.", sabi niya sabay nguso kanila Luther.
Kung gaano namin hindi nakakausap ng maayos si Prince Aqui nitong mga nakaraang linggo, mukha di din okay sila okay ni Luther. Hindi ko na inalam kung bakit, pero may kutob ako na naging ganun dahil sa kapatid ni Luther pero mabuti naman nagkaayos na sila ngayon. Magiging panatag na din ang loob namin.
"Handa na ba ang lahat?", anunsyo sa amin ni Sir Philip.
"Yes Sir!", sagot namin.
"Tara na at bumalik sa Fiore!"
"Wooooohooooo!!"
Naging maingay ang buong bus dahil dun. Mukhang hindi lang ako ang excited na makita muli ang Academy at ang Fiore. Mukhang lahat ay excited.
Umandar na ang school bus at dahan dahan kaming umalis sa Mansion.
I will be back. Promise ko yan.
Ang Mansion kasi na iyon ay tinayo ng mga tunay kong Magulang, ang sabi ni Mom, kapag ipinanganak daw ako ay aalis sila sa Fiore at dito na maninirahan sa mundo ng mga tao. Dahil walang ibang makakalabas ng Fiore kapag pahintulot ng mga Hari at Reyna. At dahil Hari at Reyna ang mga magulang ko ay pwede sila mag-alis at magbalik pero dahil sa nangyari ay hindi natuloy ito.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...