Nightwalker Academy VII

4.8K 251 9
                                    

Chapter 7: Unexpected

Vinice's POV

"Bilisan mo Vin, nagugutom na ako."

Alam niyo yung feeling na gusto mo pumatay ng bampira? Yung tipong pahirapan muna bago patayin? Ganun ang feeling ko ngayon dahil kay Sakura.

Kanina pa siya ganyan, yung hihilahin niya ako tapos bibitawan, tapos hihilahin na naman tapos bibitawan, nakakainis na siya. Tapos sasabihin pa niya na bilisan ko daw kasi nagugutom na siya.

Paano ako bibilis eh masakit na ang paa ko at kamay dahil sa kahihila niya. Gaga talaga.

"Oo na!", sabi ko na lang at binilisan ang paglakad.

Malayo layo ang canteen dito kaya kailangan talaga namin maglakad. Magkaiba din kasi ang Hall at ang canteen, yung room namin malapit sa hall kaya malayo sa canteen.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa canteen, madami nang mga estudyante ang nandito.

Hindi ko naman maiwasan na mamangha dahil sa laki ng canteen nila, para itong gymnisium dahil sa laki, ang mga pader ay gawa sa salamin, may maliliit na chandelier na nakasabit sa kisame. Ang ganda ng canteen nila, walang wala ang canteen ng Froeny kumpara sa NA.

"Order na tayo.", sabi ni Sakura at hinila na naman ako.

No choice ako kundi magpahila na lang sa kanya kaysa pumalag pa ako.

Nang makarating na kami sa counter ay umorder na kami.

"Isang set 4 nga.", sabi niya sa cashier.

"In a minute Maam.", sabi naman ng cashier.

Nalito naman ako sa sinabi niya.

Set 4? Ano yun? May ganun bang klase ng pagkain?

"Sakura anong yung set 4?", tanong ko.

"Ang set 4 ay isang set ng mga pagkain na inoorder dito, by set kasi ang pagkain kaya ganun. Ang set 4 ay may limang klase ng pagkain.", sabi naman niya.

"You Maam?", tanong nang cashier sa akin.

"Ano.... set 4 na lang din.", sabi ko nalang. Hindi ko pa kasi alam yung ibang set kaya set 4 muna kasi yun din ang inorder ni Sakura.

"Okay Maam!", masayang sabi ng cashier.

Kukuha na sana ako ng pera ng pigilan ako ni Sakura, napatingin naman ako sa kanya.

"Lahat ng pagkain dito ay libre na, kaya hindi mo na kailangan magbayad pa.", sabi niya.

"Ahh, ganun ba.", nasabi ko na lang.

Ang yaman talaga ng Academy na ito, ultimo pagkain ay libre na, saan ka pa? Sa Froeny ay kailangan magbayad ka talaga.

Nakalimutan ko palang sabihin na kami palang mga bampira ay kumakain din ng pagkain ng mga mortal, ang dugo ay pang dessert lang, hehehe.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang order namin at umalis na sa counter. Naghanap kami ni Sakura ng upuan, at sa kabutihang palad ay may nakita kaming bakante na table malapit sa wall glass.

Pumunta na kami dun sa table. Pagkarating namin ay umupo agad kami ni Sakura, magkaharap kami ni Sakura.

Sinimulan na agad ni Sakura ang pagkain niya.

Hindi naman siya halatang gutom eh noh? Hahaha.

Sinimulan ko na din ang pagkian ko kasi nahawa ako kay Sakura.

"Kyaaaahhh!!!"

"Andyan na sila!!"

"Ang gwagwapo talaga nila!"

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon