Chapter 39: Ang White Nicromancer at ang Liwanag ng Babae sa Propisiya.
"Petrium.", sabay na bigkas ni Vin at Luther.
Ang Petrium ay isa klase nang kapangyarihan na tanging piling dugong bughay lamang ang nagkakaroon nito dahil ang kapangyarihang ito ay ipinagkaloob ng mga dragon sa mga dugong buhay ng Worltirith.
Hindi makapaniwala ang halimaw na kalaban ni Vin. Kakaibang kapangyarihan ang kanyang nararamadaman na ngayon lang niya naranasan.
"Anong klaseng kapangyarihan meron ka!?", sigaw na tanong ng halimaw.
Ngunit hindi sumagot si Vin bagkus ay nakatingin lang ito sa kanya ng walang emosyon.
"ARGH!!", biglang sigaw ng halimaw at inatake si Vin.
Umiwas ulit si Vin sa pag-atake ng halimaw. Ngunit hindi katulad kanina ay may nilabas na parang latigong puti si Vin at biglang hinampas ito sa likod ng halimaw. Nag-iwan ito ng bakas na nagpasigaw sa halimaw.
Umatake ulit ang halimaw at aakmang aabutin si Vin ng umilag ulit ito at nagpakawala ng ilang beses na atake gamit ang latigo. Puno ng sigaw at ungol ang buong loob ng lagusan na naririnig ng mga naglalaban sa labas.
Napatigil sila sa paglalaban dahil sa nararamdaman nilang malakas na kapangyarihan. Kapwa nakanood lamang sila kanila Luther at Athena na patuloy na naglalaban sa hangin. Hindi nila inaalis ang tingin sa labanang iyon dahil ngayon lang sila nakakita ng ganung klaseng laban.
Patuloy na umatake si Athena kay Luther na sinasabayan din nito ng atake sa kanyang espadang pinapalibutan ng gintong apoy.
Halata sa mukha ni Athena ang takot dahil hindi man lang niya nakitaan ng emosyon si Luther habang sinasalag at inaatake siya nito. Huminto si Athena sa pag-atake at tingnan ang mga nanood sa kanila. Napangiti siya nang makita niya si Midnight.
"Mukhang magiging magkalaban ulit ang magkapatid.", ngumisi si Athena at biglang kinumpas ang kamay pataas.
Napatigil naman si Luther habang pinapanood si Athena sa kanyang ginagawa. May binigkas na kakaibang salita si Athena na hindi maintindihan ni Luther. Ramdam niya ang itim na bumabalot ulit kay Athena at biglang siyang napatingin sa lupa nang biglang may sumigaw at nakita niya ang kapatid niyang namimilipit sa sakit.
Agad siyang bumaba at dinaluhan ang kapatid kasama si Valerian na nakahawak sa kamay ni Midnight habang nakaluhod ito.
"Night? Night?", tawag ni Luther sa kapatid ngunit patuloy lang ito sa pagsigaw at pamimilipit sa sakit.
Agad siyang tumingin kay Athena nakangisi na ito at nakababa na ang mga kamay niya.
Biglang naramdam ni Luther ang kakaibang presinsya sa likod niya. Nang humarap siya ay may kakaibang hangin ang nakapalibot kay Midnight. Makalipas ang ilang minuto at bigla na lamang sinakal ni Midnight si Luther at agad na napahiga silang dalawa sa sahig.
Akmang pipigilan ni Valerian si Midnight nang sumenyas si Luther sa kanya na wag silang pakialaman.
Mahaba ang pangil at mapupula ang mga ni Midnight habang sinasakal niya si Luther. Si Luther naman ay nakatingin sa kanyang kapatid. Hindi niya alam kung bakit pinigilan niya si Valerian na pigilan si Midnight. Kailangan niya makausap ang kanyang kapatid.
"Night, alam kong naririnig mo ako. Ako ito, ang kapatid mo.", nakatingin lamang si Luther sa mga mata ng kapatid niya habang sinasambit niya ang pangalan nito.
"Alam kong hindi ikaw 'to. Hindi ganito ang kilala kong kapatid. Mabait at mapagmahal ang Midnight na kilala ko."
"Alam mo bang sobrang nalungkot ako nung mawala ka sa amin? Ilang buwan kong hindi natanggap na ang kapatid ko ay wala na. Wala na yung pinakamamahal ko na kapatid. Wala na yung taong sobrang mag-alaga sa amin, sa akin. Wala na yung taong sobrang masayahin."
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...