Chapter 10: Training
Vinice's POV
Matapos akong kausapin ni Sir Yagamoto ay pumunta na ako sa dorm namin ni Sakura. Nang makapasok ako ay naabutan ko si Sakura na nakahiga sa sofa, narinig ko ang mahina niyang hilik, siguro napagod tong babae to. Hindi na nga nakapagpalit ng damit eh, suot pa rin yung uniform namin.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nang makapasok ako ay agad akong nagbihis upang makapagpahinga ng kaunti bago ang dinner time.
Nang makabihis na ako ay humiga na ako sa kama ko at pinikit ang mga mata.
"Vinice... Vinice...", madilim ang paligid ng marinig ko na may tumatawag sa akin.
Palinga-linga ako pero wala akong makita dahil sa sobrang dilim.
"Vinice... Vinice...", narinig ko na naman ulit ang boses.
Gusto ko tumakbo at hanapin ang pinanggalingan ng boses na yun pero hindi ako makagalaw, wala namang pumipigil sa akin pero hindi ko magalawang katawan ko.
"Vinice... Vinice...", papalapit na ang boses na yun, pero wala pa rin akong makita.
"Vinice... Vinice... Anak?", napalingon ako ng may nagsalita sa likod ko at nakita ko ang isang babaeng napakaganda.
Nakasuot ito ng puting gown na mahaba, may mga tela ding nakalutaw sa likod niya na parang yun yung dahilan kung bakit nakalutang siya.
"Vinice... Anak.", sabi ng babae.
"Sino po kayo?", gulat kong tanong.
"Wag kang matakot Vinice, hindi kita sasaktan. Ako ito,ang iyong ina.", nagulat ako sa sinabi niya.
Siya ang Ina ko?
"Kayo po ang Ina ko?", gulat kong tanong.
"Oo. Ako ang iyong Ina.", sabi niya at ngumiti.
"Anong ginagawa niyo dito? At bakit kayo nandito?", nagtatakang tanong ko, nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Nandito ako upang ipaalam sayo na maging handa ka dahil magsisimula na ang pagsasanay mo.", seryoso niya sabi.
"Pagsasanay?", nagtatakang tanong ko ulit.
"Oo. Kailangan mo sinayin ang kapangyarihan mo at makontrol ito.", sabi niya.
"Para saan?"
"Para sa darating na digmaan.", nagulat ako sa sinabi niya.
"Digmaan? Paano magkakaroon ng digmaan?", gulat kong tanong.
"Hindi ngayon ang oras para sabihin ko sayo lahat, ang kailangan mo lang gawin ay maghanda ka sa iyong pagsasanay.", sabi niya.
Bakit kailangan ng pagsasanay? At maghanda para sa digmaan? May digmaang magaganap?
Matapos ng sinabi niya ay paunti unti siyang nawawala.
"Anong nangyayari sa inyo?", gulat kong tanong.
"Wag kang mag-alala, maglalaho ako ngayon pero babalikan kita kapag handa ka na talaga.", sabi niya at nawala na siya.
"Sandali! Sandali!", sigaw ko pero wala na siya.
Napabalikwas ako sa higaan ko at habol ang hininga, pinagpawisan ako ng malagkit.
Panaginip lang pala yun? Bakit parang totoo? Panaginip lang ba yun o katulad yun nung magpakita ang Guardian ko?
"Vinice?", biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at dumungaw dun si Sakura.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako magsalita.
BINABASA MO ANG
Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018
Vampire[Academy Series #1] Highest Rank- 06/08/2018- #318 in Vampire. A Vampire School were all students have ranks, the school is divided by rank, from the highest to lowest. The Nightwalker Academy is a school for the peace of all ranks. But there is one...