Epilogue

3.2K 154 6
                                    

E P I L O G U E


1 Year Later.

"Vin ano pa ginagawa mo dyan? Naghihintay na sayo si Sakura sa baba.", sabi ng aking Ina sa labas ng kwarto.

"Ito na Mom.", sabi ko at tumingin ulit sa salamin.

May gaganaping pagdiriwang sa Nightwalker Academy ngayon araw. Ngayong araw kasi ang Unang Taon matapos ang isang madugong laban laban sa Dark Moon Fang.

Matapos ang paglalaban na nangyari kina Vin ay nakuha nila ang ika'tlong kayamanan na nakasilyado sa loob ng lagusan. Nakuha ni Vin ito nang bumalik sa anyo ang kanya Ina. Hindi nila mapaliwanag kung bakit nangyari iyon.

Agad na lumabas si Vin sa kanyang kwarto at nakita niya ang kanyang Inang nakatayo rito.

"Ang ganda talaga ng Anak ko, manang-mana sa akin.", bola ng kanyang Ina.

Si Queen Valerie na kanyang Ina ay buhay na buhay sa harapan niya. Matapos nilang makuha ang ika'tlong kayamanan ay agad silang bumalik dahil katulad ng sinabi nila kay Athena ay nagapi nina King Vladimir ang Master ng Dark Moon Fang. Nang makabalik sila ay hindi makapaniwala si King Vladimir at Queen Valiene na nabuhay ulit si Queen Valerie. Agad na napayakap si Queen Valiene nang makita niya ang kanyang kapatid. Talagang naging masaya at mapayapa ang pagtatapos ng digmaan.

"Talaga Mom?", nakangiti sabi ni Vin.

"Oo anak. Hindi ko akalain na makakasama kita ngayon. Hindi ko lubos maisip na mabubuhay ulit ako.", nakangiti ngunit mangiyak-ngiyak na sabi ng kanyang Ina.

"Mom naman. Wag ka naman umiyak. Baka umiyak ako at masira 'tong ayos ko.", sabi niya na may bahid ng ngiti ay maluha-luha na mata.

"O siya, samahan na kita sa baba. Nandun na din si Veronica sa baba.", sabi ng kanyang Ina at naglakad na sila pababa.

Nasa isang bahay sila sa Fiore na pagmamay-ari nila. Hindi niya alam na may tahanan pala sila dito. Pero nang bumalik ang Ina niya ay sinabi ni Queen Valiene na meron silang tahanan dito sa Fiore. Pinagawa ang bahay na ito para sa anak ng dating Hari at Reyna. Hindi nila ito giniba nang malaman nilang patay na ang dating Hari at Reyna dahil ang kanilang anak ay nawawala. Ngayong nagbalik na ang dating Reyna kasama ang anak nito ay sa kanila na ang bahay na tinutuluyan nila.

Nang makababa sila ay nakita nila sa sala si Sakura kasama si Prince Aqui at si Veronica.

Si Sakura ay nakapink backless gown na kumikintab sa mga kristal na nakadesinyo sa damit nito. Si Prince Aqui naman ay gwapong gwapo sa suit nitong pink din na suit na pinaresan ng white long sleeve at pink neck tie. Talagang pinaresan nito ang suot ng nobya. Mahigit isang taon na din na magnobya si Sakura at Prince Aqui, hindi lamang nito sinabi kay Vin kaya nang umamin sa kanya ang dalawa ay hindi na siya nagulat pa.

Agad na tumayo ang tatlo nang makita silang papalapit.

"Ang ganda naman talaga ng anak ko, mana sa akin.", sabi ni Veronica na ikinatawa ni Vin. Pareho kasi sila ng sinabi ng kanyang Ina.

"Anong sayo? Sa akin siya nag mana noh!", sabi ng kanyang Ina.

"Anong sayo? Hindi kaya!", laban ni Veronica.

Hindi mapigilan ng tatlo ang matawa dahil sa pag-aaway ng dalawang Ina ni Vin. May ganitong klaseng eksa ang nangyayari matapos nilang magsama sa iisang bubong. Sobrang nagpapasalamat din ang kanyang Ina kay Veronica dahil tinuring na anak ni Veronica si Vin. Minsan magkasundo ang dalawang Ina niya, minsan din hindi, katulad ngayon pero hindi naman yun na nagpapainggitan kundi bangayan lang nila. Ganyan na sila dati noong nasa Academy pa sila. Matalik yan silang magkaibigan kahit nagbabangayan. Kaya si Vin ay nasanay na sa dalawa niyang Ina dahil halos araw-araw ganito ang eksena.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon