Nightwalker Academy VIII

4.7K 203 9
                                    

Chapter 8: Guardian.

Sakura's POV

Nandito kami ngayon sa canteen kasi kumakain kami.

Malamang! Anong bang ginagawa sa canteen? Diba kumakain?

Para na akong baliw nito kakausap sa sarili ko. Hindi ko kasi ineexpect ang pangyayaring ito.

Kasama namin ngayon ang Elementalist at Ang Pureblood, sinong hindi magugulat? Tapos katabi ko pa si Prince Aqui, parang mababaliw ako nito.

Ang bango bango pa naman niya! Kyyyyaaaahhh!!!

Pero hindi ko din maiwasan na kiligin kay Vin at kay Prince Luther. Grabe kung makahokage moves tong si Luther, daig niya pa si Naruto. Hahaha.

Ang lapit talaga ng mukha ni  Prince Luther kay Vin, hindi ko maiwasan na kiligin, pero hindi ko pinahalata kasi alam ko na nakatingin si Prince Aqui sa akin.

Ano ba Prince Aqui, baka matunaw ako sa mga tingin mo. Hehehe.

"Ang sweet nila noh?", napatingin ako kay Jhana dahil biglang siyang nagsalita.

"Anong sweet dyan?", pasaring na salita ni Jason, katabi ko kasi siya.

Tumingin naman si Jhana sa kanya. Nakakunot ang noo.

"Hindi mo ba nakita yung masyadong malapit ang mukha ni Prince Luther kay Vin? Nakakakilig kaya yun.", bulong na tili ni Jhana.

"Eh? Yun lang kinilig ka na?", natatawang tanong ni Jason.

"Eh mas may nakakakilig pa ba dun?", kunot noong tanong ni Jhana.

"Meron.", nakangising sabi ni Jason.

"Ano?", kunot noo paring tanong ni Jhana.

"Ito.", nakangising sabi ni Jason at inakbayan si Jhana at hinalikan sa pisngi.

Namula naman si Jhana dahil dun, hindi ko mapigilan na mapangiti dahil dun. Mukha talagang may gusto si Jason kay Jhana, halata naman na ganun din si Jhana.

Napatingin ako kay Vin ng bigla itong tumayo.

"Alis muna ako.", paalam niya sa amin at lumakad na.

Saan kaya ang punta nun?

Sinundan namin ng tingin si Vin hanggang makalabas siya ng canteen. Napatingin naman ako kay Luther, nakatingin pa rin siya sa entrance ng canteen.

May gusto ba talaga itong si Prince Luther kay Vin? Kung meron man, nakakakilig ang relasyon nila. LuNice FTW!! Hahaha.

Vinice's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng Cr, umalis ako sa table namin dahil sobrang namumula talaga ako. Ito kasing si Luther eh! Hmmp.

Nang pumasok ako sa Cr ay walang tao, buti naman kaya naghilamos muna ako upang mahimasmasan sa kilig na nararamdaman dahil kay Luther.

Nang matapos ako sa paghilamos ay pinunasan ko ang mukha ko ng panyo ko, at nang matapos ako sa pagpunas ay nabigla ako nang makita ko ang isang tao sa likod ko kaya humarap ako at nakita ko ang isang babaeng nakapulang baro at natatakpan ang mukha nito.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?", kinakabahan ako dahil sa ako lang mag-isa sa loob ng Cr at baka may gawin siyang masama sa akin.

"Wag kang matakot Vinice hindi kita sasaktan. May sasabihin langa ko sayo.", sabi niya.

"Sino ka? Anong sasabihin mo?", takot ko paring tanong sa kanya.

"Ako ay iyong Guardian, ako'y naparito upang ipaalam sayo na may naghahanap sayo at gusto ka nilang patayin.", seryosong sabi niya.

"Ano? Sino ang gustong pumatay sa akin? At anong sinasabi mong Guardian?", sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Ipapaliwanag ko sayo lahat sa takdang panahon pero hindi pa ito ngayon. Kailangan mo nang bumalik sa mga kaibigan mo at dapat mag-ingat ka lagi dahil nandito sa school ang inatasan ng mga taong gusto pumatay sayo. Hanggang sa muli Princess.", sabi niya at bigla na lang siyang nawala na parang bula.

Nakatunga-tunga lang ako sa loob ng cr, hindi pa rin magsink in sa utak ko ang nalaman ko kanina.

Sino ang gustong pumatay sa akin? At bakit nila ako papatayin? May nagawa ba akong kasalan sa kanila? As far I remember wala naman akong inagrabyado na tao sa buong buhay ko.

Iniling ko na lang ang ulo ko at lumabas na ako ng cr. Hindi ko muna yun iisipin.

Naglakad na ako pabalik sa canteen, at nang makapasok ako ay nakita ko na nagtatawanan sila. Anong kaya ang pinag-uusapan nila? Lumakad na ako papalapit sa kanila at nakita naman ako ni Sakura at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

Okay. Anong problema ni Sakura na kung makangiti ay parang baliw. Matagala na pala siyang baliw. Hahaha.

Nasa table na ako at umupo na sa tabi kong pwesto, sa tabi ni Luther.

Habang nakaupo ako ay naramdaman ko ang mga tinginsa akin ng mga kasama ko kaya niyuko ko ang ulo ko.

"Vin?", napatingin ako kay Sakura nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Samahan mo ko sa cr.", nahihiyang sabi niya.

"Bakit?? Kagagaling ko lang dun, magpasama ka na lang sa iba.", sabi ko sa kanya.

"Eh sino naman? Si Jhana hindi pa tapos kumain. Eh sino?", tanong niya.

"Samahan na kita.", napatingin kaming dalawa ni Sakura kay Prince Aqui.

"Ano?", nakakunot ang noo ni Sakura.

"Sabi ko samahan na kita sa cr.", paulit ni Prince Aqui.

"H-hindi ka p-pwedeng sumama d-dahil sa pangbabae na c-cr ako pupunta.", nauutal habang namumula ang mukha ni Sakura. Hahaha.

"Hindi naman ako papasok sa loob, sa labas lang naman ako mag-hihintay.", sabi ni Prince Aqui na lalong nagpapula sa mukha ni Sakura. #AquRa na ito. Hahaha.

"S-sige.", sabi na lang ni Sakura at tumayo na, tumayo na din si Prince Aqui at sinamahan si Sakura palabas ng canteen.

Naiwan naman kami dun na may pinagkakaabalahan na iba, iba iba ang ginagawa ng mga kasama namin sa table. May sariling mundo.

Tiningnan ko ang pagkain ko na konti na lang ang natira kaya sinimulan ko ulit ang pagkain pero nang malapit ko nang maubos ay naramdaman ko na nakatingin ulit sa akin si Luther kaya hindi ako makapukos sa pag-ubos ng pagkain ko.

Ano ka ba naman Luther, wag mo nga akong titigan ng ganyan, baka mag-assume ako na may gusto ka sa akin. Ay! Nag-assume na pala ako. Hahaha. Ano ba Luther!

Kahit na nakakailang ang tingin sa akin ni Luther ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, hanggang sa maubos ito at naramdaman ko pa rin na nakatingin sa akin si Luther, buti na lang din ay biglabg nagbell na ibig sabihin ay tapos na ang break time at kababalik lang nila Sakura at Prince Aqui galing sa Cr.

Buong maghapon ay hindi mawala-wala sa isip ko si Luther, kahit saan ako magtingin ay palagi mukha niya ang nakikita ko.

Inlove na ba ako sa kanya?

Naalala ko din ang nangyari sa akin sa cr kanina, ang biglang pagpakita sa akin ng Guardian ko daw at ang pagsabi nito na may papatay sa akin.

Sino kaya ang papatay sa akin at bakit?

******************************
A/N: Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update sa story na ito, pinupukos ko muna ang utak ko sa isang story pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-update dito. Sana po magustuhan niyo ang chapter na ito.

Enjoy Reading!!!!

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon