Nightwalker Academy XI Part 1

4.4K 189 4
                                    

Chapter 11: Water VS Fire, Pureblood VS Unknown. (Part 1)

Vinice's POV

S-si Luther ang makakalaban ko? Paano? Paano ko siya lalabanan eh hindi ko nga alam kung anong kapangyarihan ang meron ako.

"Good Luck Vin.", pang-asar ni Sakura sa akin.

"Ngayong nakapili na kayo ng number, ang may number na 1. Punta sa gitna.", sabi ni Sir Yagamoto.

Pumunta kami lahat sa gilid maliban sa unang magkalaban.
Pumunta sa harap ang isang babaeng nakalugay ang buhok na kulay asul, may katangkaran, medyo mataba na bumagay naman sa kanyang suot na uniform at nagulat ako dahil may dala itong samurai. Pwede pala gumamit ng sandata. Pero hindi na to training, patayan na ito!

Ang lalaki naman ay same height lang din sila, kulay kahel naman ang kanyang buhok, medyo payat at nagulat din ako kasi wala itong dalang sandata. Magpapakamatay ba siya?

"Bago magsimula ang laban, ipapaalam ko sa inyo ang proseso ng pagsasanay na ito. Pwede kayo gumamit ng kahit na ano dito sa loob ng training room, pwede din kayong gumamit ng kapangyarihan niyo, wag kayong mag-alala dahil may nakalagay na harang sa pagitan nila at sa atin kaya hindi kayo madadamay. Ang hindi na makagalaw sa laban ay siya ang talo. Wag din kayong mag-alala dahil hindi kayo mamamatay, siguro masusugatan kayo pero hindi mamamatay. So simula na natin.", paliwanag ni Sir Yagamoto at humarap sa dalawang nasa gitna.

"Handa....", sabi ni Sir at agad namang pumorma ang babae at nakatutok ang samurai sa lalaki, ang lalaki ay nakatayo lang at nakapamulsa.

Pacool cool din itong taong to.

"Laban!", bigla sigaw ni Sir at nagsimulang sumugod ang babae.

Agad naman iniwasan ng lalaki at pagtangkang saksak ng babae sa kanya at patalon talon itong lumayo sa babae. Sumugod ulit ang babae una ang samurai pero napansin ko na parang may umiikot sa samurai na kulay asul. Tatangkain sana niyang saksakin ulit ang lalaki ng umiwas na naman ito patalon. Napansin ko na may lupa ang tumulak sa kanya pataas.

"Ang boring naman.", bigla akong napatingin kay Sakura nang sabihin niya yun.

"Bakit hindi na lang nila taposin ang laban gamit ang kapangyarihan nila.", dugtong niya.

Bigla naman ako napatingin sa gitna ng makarining ako ng pagsabog. Nakita ko na umuusok ang gitna ng training room.

Anong nangyari?

"Buti naman at natapos na.", biglang sabi ni Sakura.

Dahan dahan naman nawala ang usok at nakita ko na may nakatayo, anino niya lang ang nakikita ko kasi hindi pa lubusan nawala ang mga usok. Nang mawala na ay nakita ko ang babae na nakatayo habang hawak pa rin ang samurai. Nakatingin ito sa baba kaya napatingin ako dun. Nagulat ako nang makita ko ang kalaban niyang lalaki, nakahandusay ito at walang malay.

Paano nangyari yun? Kakausap lang namin ni Sakura kanina eh tapos naging ganito na ang nangyari?

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanila. Hindi ko talaga inaasahan na ganito lang kadali ang laban nila.

"Number 2 punta na sa harap.", sabi ni Sir Yagamoto at pumunta na ang dalawang maglalaban.

"Ready..... Fight!!", at nagsimula na silang maglaban.

Sa mga laban na napanood ko ay masasabi ko na halos mga babae ang nananalo, may mga lalaki naman pero konti lang. Tutok na tutok ako sa mga laban nila pero at the same time ay kinakabahan ako kasi si Luther ang makakalaban ko at malapit na kami, pati sila Sakura at Aqui.

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon