Nightwalker Academy XXVIII

3K 137 3
                                    

Chapter 28: Ride.

Vin's POV

Nang makalabas na kami ay nakita namin na nandito na sila lahat na mga lalaki at kami na lang mga babae ang hinihintay. Nasa tabi sila ng isang yellow bus, katulad ng sinakyan nila Alexandra papunta dito sa Academy.

Lumapit na kami sa kanila. Nandito na din si Sir Philip at Sir Yagamoto.

"Okay nandito na tayo lahat. Hintayin na lang natin si Mrs. Del Var para sa mga paalala. Wala pa man din 7:30.", sabi ni Sir Yagamoto.

"Yes Sir.", sabi namin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita namin na naglalakad na si Mrs. Del Var papunta sa amin.

"Mukhang nandito na kayo lahat. Good. Now may ilang paalala lang ako sa inyo. Una, hindi niyo pwede ipakita sa mga mundo ng mga tao ang mga kapanyarihan niyo dahil pinagbabawal ito. Pangalawa, bawal din gamitin ang kapangyarihan niyo sa mga tao maliban kung nanganganib ang buhay niyo. Pangatlo, kapag aalis kayo upang mamasyal, magsabi kayo o magtanong kanila Sir kung pwede kayo mamasyal. At panghuli, isipin niyo lang ang pagsasanay na ito, wala kayong ibang iisipin kundi maging mas malakas kayo sa loob ng dalawang linggo. Yun lamang. Maaari na kayong umalis. Pagpalain sana kayo.", sabi ni Mrs. Del Var.

"Yes Maam!", sigaw namin.

Umalis na si Mrs. Del Var sa harap namin at lumakad na papasok ng Academy.

"Ilagay niyo muna mga gamit niyo dito at pumasok na kayo sa loob.", sabi ni Sir Philip.

"Boys yung mga maleta ng mga babae, kayo na maglagay sa compartment.", sabi ni Sir Yagamoto.

"Yes Sir!", sigaw ng mga lalaki.

Agad na lumapit sa akin si Luther at kinuha ang maleta ko.

"Ako na malalagay.", nakangiting sabi ni Luther.

"Salamat.", nakangiti ko din sabi.

Lumakad na si Luther dala ang maleta ko pati maleta niya na medyo malaki. Mukhang maraming damit din ang dinala ni Luther ah.

Pumasok na ako una sa bus at hinintay sa unahan sina Sakura. Makalipas ang ilang sandali ay sumakay na din sina Sakura, Samantha at Alexandra.

Pandalawahang upuan lang ang bus kaya umupo sa tabi ko si Sakura at sa harap namin sina Alexandra at Samantha. Nasa ika-apat na row kami at nasa ika'tlo naman sina Samantha. Nasa kaliwang bahagi kami.

"Sino kumuha ng maleta mo?", tanong ko kay Sakura, pansin ko kasi ang lapad ng ngiti niya. Alam ko na kung sino pero gusto ko makumpirma.

Pumatong sa upuan si Samantha at Alexandra at humarap sa amin.

"Edi sino pa? Si Aqui lang naman palaging tumutulong sa akin eh.", nakangiti pa ring sabi ni Sakura.

"Ayyyiiiee.", tukso namin sa kanya.

"Tumigil nga kayo. Baka mahalata niya.", sabi ni Sakura habang namumula.

"Ikaw Vin? Mukhang may something na talaga sa inyo ni Luther. Kayo na ba?", tanong ni Samantha na nagpapula sa akin.

"Hindi noh.", sabi ko at iniwas ang mukha ko sa kanila at humarap sa bintana ng bus. Buti sirado ito at nakaharap sa labas ng Academy.

"Ayyyiiee.", tukso din nila sa akin.

"Andyan na sila.", sabi Sakura at umayos ng upo.

Umayos na din ng upo sina Samantha at Alexandra. Binalik ko naman ang tingin ko sa harapan at isa-isang pumapasok ang mga lalaki.

Nang pumasok si Luther ay nagtama ang mga mata namin kaya ngumiti ito. Ngumiti din ako pabalik sa kanya.

Lumakad na siya kasunod si Aqui at umupo sila sa likod namin.

Napatingin ako kay Sakura ng kumalabit ito sa akin.

"Ano bang meron kayo ni Luther? May hindi ka sinasabi sa akin noh?", akusa niyang tanong sa mahinang boses.

"Wala. Ano ka ba.", bulong kong sagot sa kanya.

"Welcome aboard everyone. Our driver for today is Sir Philip and I will be your guide for today. So buckle up your seat belt and enjoy the ride.", nakangiting sabi ni Sir Yagamoto ay umupo na sa unahan.

"Yeah!", sigaw ni Lance at Ethan.

"Wooh!", sigaw naman ni Frience at Krist.

Natawa naman kami ni Sakura dahil sa kaingayan ng mga lalaki.

Umandar na ang bus at dahan dahan itong tumakbo. Bumukas ang gate ng Academy at lumabas na kami ng Academy. Dumaan kami sa kakahuyan at makalipas ang ilang minuto ay biglang may bumukas na ilaw sa harapan namin. At bago pa ako makareact ay hinigop na kami ng ilaw pero hindi namin maramdaman ang kahit na anong galaw sa loob ng bus. At makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang bus.

"Nandito na tayo.", sabi ni Sir Yagamoto.

Napatingin ako sa bintana at nakita ko na puro punong kahoy lang ang nasa labas. Tumingin ako sa kabila at nabigla ako ng makakita ng malaking bahay. As in sobrang laki, mas malaki pa sa bahay namin.

"Ang laki naman ng bahay na yan.", gulat na sabi ni Sakura.

"Oo nga eh. Mas malaki pa sa bahay namin.", sagot ko naman.

"Halika na kayo. Labas na tayo.", sabi ni Sir Philip.

Agad naman kaming tumayo at dahan dahan na lumakad palabas ng bus. Unang nakababa sina Ruther at Krist, kasunod sina Samantha at Alexandra.

Nang makababa ako ay hindi ko maiwasan na mamangha sa mansion na nasa harap namin. Sobrang laki nito at sobrang ganda pa. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko na puro punong kahoy lang ang makikita mo.

"Ang ganda.", rinig kong sabi ni Sakura.

"Kaya nga. Kaninong bahay kaya ito?", tanong ni Samantha.

"Girls kunin niyo na mga gamit niyo.", rinig naming sabi ni Sir Yagamoto.

"Yes Sir.", sabi namin at inalis ang tingin sa mansion at kinuha ang mga maleta namin na nakalabas na pala ng compartment.

"Salamat. ", sabi ko kay Luther na siyang may hawak ng maleta ko.

"Walang anuman.", sagot niya sabay ngiti. Ngumiti din ako sa kanya.

Sabay na kaming naglakad ni Luther papalapit sa mansion. Lumapit kami sa kumpol nila Sir Philip at Sir Yagamoto.

"Welcome everyone. Nandito na tayo sa mundo ng mga tao at ang tawag nila sa lugar na ito ay Philippines, isa sa mga bansa dito sa mundo ng mga tao.", sabi ni Sir Yagamoto.

"At nandito tayo sa isang kakahuyan dahil hindi tayo magiginbala ng mga tao at dito din nakatira ang isa sa mga magsasanay sa inyo. Ang bahay na nakikita niyo ay pagmamay-ari niya at pinayagan niya tayong dito magstay sa kanya.", sabi naman ni Sir Philip.

"Sino po ba ang may-ari ng bahay na ito?", tanong ni Samantha.

"Ako ang may-ari ng bahay na ito.", sabi ng isang familiar na boses.

Ang tagal ko nang hindi naririnig ang boses na yun. Miss na miss ko na ang may-ari ng boses na yun.

Dahan dahan kong inilipat ang tingin ko sa babaeng naglalakad papalapit sa amin.

"Maligayang pagdating Anak.", nakangiti niyang sabi.

"Mom."

************************************

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon