Nightwalker Academy XXXX

2.3K 124 0
                                    

Chapter 40: Finale.

Hindi mapigilan mapadaing ni Athena ng matamaan siya ng atake ni Luther. Kahit na anong gawin niya para mapabilis ang paghilum ng kanyang sugat ay hindi kaagad ito nahihilom dahil sa taglay na kapangyarihan ni Luther.

Dark Nicromancer laban sa White Nicromancer.

Patuloy lang din sa pag-atake at pagsalag si Athena. Si Luther naman ay hindi mo makitaan ng kapaguran sa bawat atake nito. Parang hindi nito ginamit ang buong lakas laban kay Athena.

"Magnus!", biglang tawag ni Athena at agad na lumipad papunta sa kanila ang itim na Magi.

Akmang haharangan niya ang pag-atake ni Luther ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang paa. Agad siyang napatingin sa paa niya at laking gulat niya nang makitang may nakapulupot na matitinik na balat ng isang dragon.

Napatingin siya sa may kagagawan nun at nakita niya si Vin, ibang iba ang mukha ni Vin, mukhang galing ito sa pag-iyak ngunit nakikita pa rin ang seryosong mukha nito.

Agad na hinila pababa ni Vin ang itim na Magi at bumagsak sa lupa. Napadaing ito sa sakit.

Hindi naman natinag dun si Luther, bagkus ay patuloy lang ito sa paghabol kay Athena na mukhang hindi din inaasahan ang biglang pagdating ni Vin. Hindi siya makapaniwala na natalo ni Vin ang Ina nitong binuhay niya.

Bago man makaatake si Athena ulit ay nakalapit na si Luther sa kanyang harapan at tinutukan siya ng espada nito.

"Sumuko ka na.", seryosong sabi ni Luther.

"Kahit anong mangyari, hindi ako susuko!", sigaw ni Athena at aatake na sana nang makaramdam siya ng sakit sa kanyang dalawang paa.

Napatingin silang dalawa ni Luther kay Vin na nasa baba nila.

"Ako na ang bahala sa kanya.", seryosong sambit ni Vin.

Walang nagawa si Luther kundi ibaba ang kanyang espada. Alam niyang hindi niya mapipigilan si Vin sa anuma ang binabalak nito.

Nang ibaba ni Luther ang kanyang espada ay akala ni Athena na maatake niya si Luther gamit ang espada din niya ngunit agad siyang nahila at bumagsak sa lupa nang hilahin siya ni Vin. Napadaing siya sa sakit na dulot nito.

Naramdaman niyang nawala ang pagkakagapos ng paa niya kaya dahan-dahan siyang tumayo. Pero agad din bumagsak ng maramdaman ang sakit ng kanyang mga paa. Nakita niya na nagkasugat-sugat ito dahil sa sandata ni Vin na parang latigo na may matitinik na balat ng dragon.

Naramdaman niya na may papalapit sa kanya kaya agad siyang napatingala. Nakita niya si Vin na dahan-dahan na naglakad papunta sa kanya. Pilit siyang tumayo at nang makatayo ay nasa harapan na niya si Vin.

"Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na ako!", bulyaw niya kaagad sa mukha ni Vin.

Si Vin naman ay nanatiling seryoso na nakatingin sa kanya.

"Ano? Di mo ako papatayin? Pagsisisihan mo na binuhay mo pa ako!", galit na saad ni Athena.

"May tanong ako.", seryosong sambit ni Vin. Hindi kaagad nakasagot si Athena dahil sa pagkabigla.

"Bakit mo binuhay ang Ina ko at siya ang pinalaban mo sa akin?", seryosong tanong ni Vin.

Nang makabawi si Athena ay napangisi siya.

"Dahil alam kung matagal mo nang gusto makita ang iyong Ina. Ikaw si Vin na iniwan ng mga magulang.", nakangisi niyang sabi.

"Alam mo ba na dahil sa angkan niyo ay nawala ang mga magulang ko?"

Nightwalker Academy: The Lost Legendary Vampire (COMPLETED) #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon